"She could be all I'm ever gonna need
She's like a beauty queen
In just her t-shirt and her jeans..."
Hay... Why am I so addicted with Christian Bautista's "She Could Be" eventhough I barely know the lyrics (I can't even completely sing the chorus... kainis! Pero ang ganda nung song... )
***
At hayun nga... Sobrang naggeneralize naman ako sa title... pero ala lang... Grabe, it was way back then since I last ride a jeepney... tas ngayon na nga lang ako nag jeep ulit medyo di pa maganda yung nangyari...
6:30 am... hinatid ako ni mama sa gate nang Valley Golf...
Mama: "Nak, di na kita ihahatid sa LRT ha... di naman matraffic eh...
Sunday naman... commute ka na lang..."
Mai: "Cge."
At dahil sa tagal kong naghihintay nang fx ngunit walang dumadaan napilitan akong magjeep... Hay, naman... kumusta naman na ginugulo nung hangin yung buhok ko... (haha... ang arte ko...
) At kumusta ulit sa paghinto ni manong driver sa lahat nang subdivision na dadaanan namin bago mag LRT station.. hello talaga... wala namang sasakay humihinto pa rin sya... err talaga...
At dumating ako sa LRT station nang 7:20... naku.. for sure late na ako.. err talaga... first day nang sem break class namin late ako... hay not a good start... bad day...
At nang nasa Pureza station na ako... aba ay may nagtext...
From: sithli.upm^
hoy rosa. Late ka d2 n kmi. Ü
Hay, kumusta naman... for the first time (first time nga ba.. anyway...) nauna sa akin si Sithli at Ian... Nakakahiya ito... Sobrang late na ako...
Dumating ako sa LRT Recto nang 7:50... err... at 8 am ang start nang class namin.. hay... naman talaga!
Pero nonetheless, di naman kami late... (or at least ginagawan ko nang excuse yung pagiging late ko...) di pa naman nagstart yung class pagdating namin... Inaayos pa nga lang nila yung payment... whatsoever...
>> ok so fast forward...>>
After the review usapan namin na magmamass sa Quiapo... (kasi yun yung pinakamalapit na church sa Recto... Pero nawala sa isip ko na Sunday at sobrang daming tao...kaya sa UP-PGH chapel na lang kami nagmass dahil 5:00 pm pa ang mass dun...
From Quiapo... again sumakay kami nang jeep...
6 na lang kaming dumaretso nang PGH eh... pero may 2 pang girls na kasama namin sa jeep so eight kami sa jeep...
Pagkasakay namin... May 3 guys na sumakay... (ok... so let me rephrase that... may tatlong bad-looking guys na sumakay-> bad referring to my initial instinct nung pagkakita ko sa kanila at hindi sa kanilang physical appearance... ok! umm.. pero pwede na ring magapply... hehe!)
At iyon.. pagkapasok nila tinabihan nila si Ian... Kumusta naman... lahat pala kami ay kinabahan pagkapasok pa lang nila... (lahat bukod kay Sithli... hehe!) Tas biglang bumaba yung other 2 girls na kasama naming nakasakay sa jeep kaya pinagsiksikan namin ang aming mga sarili sa dulo nung jeep eventhough ang luwag nung seats...
tas si bad guy 1 naman patuloy na sinisiksik si Ian... hay, panic panic.. pero walang masyasong obvious na reaction from the group... my goodness...
On the middle of the trip to PGH may nadaanan kaming pulis na nangongotong ATA sa gitna nang daan...
Tonton: Ano yun?
Karen: Hehe... Nangongotong ata eh...
(laughs)
(and the conversation about the pulis na nangongotong ata continues hanggang makaabot na kami sa Luneta)
Sa Luneta (hay... pasensya sa mahabang blog...) Inabot ni bad guy 1 yung bag nya na walang laman kay bad guy 2... tapos biglang bumaba si bad guy 2... Si bad guy 1 naman ay lumipat sa tabi ni bad guy 3... At medyo siniksik ko si Karen dahil kinabahan ako sa paglipat nya... (err... kainis talaga!) Pagkaurong ko sabay sabi ni Karen... Bakit? (waah...iniisip pala ni Karen na hinoholdap na ako or something...)
Tas nakikipagaaway si bad guy 1 kay manong driver... Medyo maingay sa Taft kaya di ko masyadong naintindihan yung conversation nila... Anyway, basta bumaba na lang si bad guy 1 and bad guy 3 not so far from Luneta... mga sa UN Avenue ata... basta... tas bigla kaming kinausap ni manong driver sabay sabi...
Driver: Naku... mga holdapers yun eh... May nakuha ba sa inyo..
** At nagreact lahat... except Sithli (hehe... Sith inaaway lang kita.. .hehe! Joke lng...) Violent reactions... basta medyo sabay sabay na yung reactions kaya di na clear yung mga lines... basta in the end nakarating naman kami sa PGH nang matiwasay... at nagpasalamat kami kay manong for being so kind na bagalan ang drive nya dun sa part nang Manila kung saan may pulis... sobrang salamat talaga kay manong driver.... bait nya talaga...
Kaya yun... sobrang trauma kami dun... Kahit kanina sa lunch yung ang topic namin... (kasi kami kami rin ang magkakasama maglunch kanina...) Can't get over kami dun sa trauma na yun.. pero sobrang thank you pa rin kay Papa God kasi walang nakuha sa amin... Sobrang thankful kaming lahat for that blessing... 
>Pluggies<
Fai
- Hehe... Grabe alam na alam mo yung mga songs sa mass namin... hehe! (ay, sa Catholic school ka nga pala naghigh school...) Pasensya na ha.. I mean, feeling ko kasi kung di ako nagyaya magmass di naman mangyayari yun... Pero ayun, basta... Natakot ka pa tuloy... (Pagtatanggol ka naman ni Ian at ni Tonton if ever eh...) Bukas tapos na rin ang ramadan mo... Finally... See yah na lang tomorrow... :)
Ian
- Hay naku... Grabe, kinabahan naman ako sa iyo nung nakatabi mo sila... Ala lang... Pero at least wala namang nangyaring masama di ba? Ayun, pasensya ha... Nabigla rin ako after nangyari yun... Tsaka tahiin mo na lang yung bag... pasensya talaga.. wala namang nakuhang kahit ano sau di ba... Nasa iyo pa rin naman yung mp4 player...
Basta, next time ingat ingat na lang tayo...
- Tsaka pala.. nasabi ko na ba sa iyo na nabasa ko yung entry mo nunr finals natin sa swimming... ala lang... natouch naman ako dun sa message... I mean, di ko naman ineexpect na kahit papaano eh nagmatter pala sa inyo ni Sith na pinaghintay nyo ako sa Rizal nang more than 45 minutes... Akala ko nga wala lang sa inyo eh... Tsaka... Sobrang naappreciate ko yung effort nyo... ang aga nyo nga... Nahiya talaga ako... Sorry for being SO late... Tsaka sana lagi na lang kayong maaga... Doesn't it feel nice na hindi ka nagmamadali sa pagpasok kasi ang aga mong dumating... hehe... Ala lang... Para di ka na rin nakakamiss nang class db...
ala lang ulit... tsaka sinidi write pala kita nung dream sounds2... sabihin mo sa akin pag nagustuhan mo rin yung music...
Ang kulet pati intro kasama dun sa cd... hehe
Julio
- Sori nagkagalos ka tulo.. Don't worry Ian will heal you naman... (yuck parang doctor...) Magkakaroon ka tulo nang stitches... Nalulungkot din si Julia nung kinuwento ko sa kanya na naslash ka... Ayun... panic mode din sya (naku, grabeng pagpepersonify na to!) Anyway, pagaling ka... Love ka pa rin naman ni Julia... hehe... tsaka don't worry your still and will always be Julia's twin brother... 
Karen
- ngayon ko lang nakita yung bagong gawa mong testimonial for me... hehe... grabe.. pang-ilan na yun... Pero ayun... hehe.. salamat dun sa fact na kung sinabi ko sau or kung nalaman mo na hinoholdap na ako nung mga guys ay magrereact ka talaga dun sa jeep.. Actually di ko maimagine kung anong mangyayari if may nakuhanan sa atin... Salamat din sa pagsama sa mass... I know naman na nagyayaya ka dati na magmass tau nang magkakasama... ayan, kahit di naman tau masyadong madami at least magkakasama pa rin tayo... See yah na lang sa LRT Recto tomorrow.. for the next 8 days magkakasama pa rin taung magjejeep... hehe!
Sithli
- Alam kong wala sa araw ang pangaaway ko sa iyo... Hehe... pero sooner or later magtutuesday na so ok lng.. besides di mo naman to mababasa nang monday eh... hehe! Grabe, be observant naman next time... Pero salamat na rin sa mga kwento at topics for discussion habang andun tayo sa jeep at least nakakabawas nang tension habang kinakabahan kaming lahat... Pasensya ulit dahil dun sa nangyari... Tsaka hope ok na yung dad mo... Hehe! Di na ako tumawag sa inyo ngayon mangungumusta sana ako kaso feeling ko naman sobrang pagod kna pagdating mo sa inyo so wag na lang... Ayun.. basta always pray... tsaka magprepray din ako for you.. ayun... Salamat din pala sa pagsama sa akin sa National... I was thinking of going there alone.. medyo natatakot nga ako... Anyway, kitakits bukas! 
- Nga pala, nasabi ko na ba sa iyo na sobrang natuwa naman ako sa transformation mo... I mean, alam ko namang wala akong ginawang action or any initiative to turn you into someone na God-centered na pero nonetheless natutuwa talaga ako... Remember your text na "At least, un lng ung nangyari. Sinave sya ni Lord s mas malalang pdeng mngyari." Ala lang.. Di ko binura sa fone ko.. Sobrang natuwa lang ako.. hehe!pati nung time na sinabi mo sa akin sa fone na natuwa ka din sa text bout prayer.. hehe! Ala lang... (Napaka biased ko naman magmessage.. ang haba nung para sau... hmp!)
Tonton
- Naku.. sobrang nadamay ka pa nang dahil sa pagyayaya kong magmass... Hehe... Sobrang salamat talaga tsaka sobrang sorry... Sorry din kung di kita mapagbigyan na magstay ako once sa unit para naman may kasama ka... Di bale, one of this days... hehe! Wala lang... Tsaka pala, salamat din kanina... Sobrang natouch naman ako nung sinabi mo sa akin nung naglalakad tau papunta sa Jollibee sa ipagtatanggol mo ako if ever may trio brother ulit taung makita or mamimeet... hehe... Naku, mukhang lalabas nang wala sa oras yung effect nang pag-gygym mo ha... Kitakits bukas... Tska pala, ang gwapo nga ni Gian... Galeng nila ni Mau... Sobrang astig si Mau... ala lang... ang powerful nang voice nya eh... Isa ako sa malulungkot if sila yung matatanggal... ala lang...
Pero happy ako na sila yung choice nung judges.. Hehe! At least napanood ko pa rin si Gian na kumanta eventhough hindi nung performance night... 
***
Continuation...
"She could be just the one
I've waited for
Could be a perfect score and more
She could be... she could be.. she could be..."
** thinking... Ano kayang gagawin ko if kumanta si Christian Bautista nyan sa harap ko... my goodness I'm day dreaming... **
Ciao