isyu 75: Lunes, ika-10 ng Enero 2005, 12:30 ng hatinggabi
Oats at saging, mga libro at negosyo
Binundat ako ng nakaraang Linggo ng soda crackers, oats at saging, ang diumanong special diet ko habang pinaghihinalaan akong may ulcer. Mabuti-buti na ang pakiramdam ko, hindi na rin itim ang jerbs ko.
Nakakainis. Kakakakain ko ang ng hapunan, halimbawa, gugutumin na naman ako pagkatapos ng isa hanggang dalawang oras. Magpapaluto (o magluluto kong sinisipag) ako ng oats at hahaluan ng hiniwa-hiwang saging.
Pagkatapos ng isa hanggang dalawang oras, kakalam na naman ang sikmura. May nakahandang soda crackers para sa mga ganitong pagkakataon.
Higit akong tumatakaw. Lagi akong nagugutom. Lumalaki lalo ang tiyan. Nakakainis. Nararamdaman ko nang may namumuong taba sa ilalim ng kilikili, kung saan may tumutubo dapat na palikpik.
Hindi pa ako umiinom sa lagay na ito ah.
* * *
Noong nakaraang buwan (o taon), Inilimbag ko rito na may mga nakabangko akong istorya (o blog entry for that matter). Dalawa pa lang ang naililimbag ko.
Yung isa (tungkol sa mga balak at plano ngayong taon), hindi ko pa napapag-isipan, kaya hindi ko pa nasisimulang isulat. Yung isa naman, ang tagal ko nang pinag-iisipan, ngunit hindi ko pa maisulat, at hindi makatarungan kung isulat ko iyon ngayon.
Kasabay ng ulcer, pananaba at labis na pag-iisip at pananaginip nang gising ang katamaran (heto na naman tayo). Maaaring katamaran nga ito, maaaring hindi: maaaring kawalang-gana sa mga pangyayari, maaaring kawalang-ideya kung paano kikilos at saan magsisimula.
Oo. Malalaki ang salita, malaki ang problema. Iyan ang problema.
Ni wala pa nga akong tula ngayong bagong taon.
Susubukan ko nang maglista ng mga kailangang gawin bukas. Hindi pangako iyan.
* * *
Sangkatutak na libro ang binili ko ngayong linggo (kung hindi man sangkatutak, di normal ang dami). Hindi kasi normal ang sitwasyon ko last week--may ulcer na, malungkot pa:
1. Antonio, Teo. Pagsunog ng dayami
2. Damaso, Jimeno. How to start your own business
3. Kumar, Vijaya. A little book of body language
4. Popa, Allan. Maaari
5. Sanchez, Marlo. A smart & practical guide for new entrepreneurs
6. Shutt, Harry. A new democracy
7. Villegas, Edilbert. A guide to Karl Marx's Das Kapital
Alam ko, may dalawang libro ukol sa pagsisimula ng negosyo. Kailangan ko iyon para sa susunod kong istorya sa BusinessWorld Weekender.
Ang paksa? How to start a business. Sidebar para sa main article, saan magandang mamuhunan ngayong 2005 para sa may mga labis na salapi.
Hindi ko na ipapa-reimburse ang dalawang librong iyon (kahit mahal ang isa). Baka ilagay sa library namin eh. Baka kasi magamit ko rin...
* * *
...dahil mukhang buo na ang plano kong magtayo ng sariling negosyo.
¡Que horor! ¡Y que barbaridad!
Hindi pa rin ako tiyak kung anong klaseng negosyo ang itatayo ko/namin. Ang alam ko lang, either kasama ko si PJ dito o/at ang mga Matathunders.
Kuwento lang. Sa kolehiyo pa lang, iniisip na namin nina Nikko at Pao (kasama nga ba si Pao?) na magtayo ng negosyo: kapihan.
Oo, kasagsagan yata ng tesis namin nang maisip namin ito. Kapag gagawa kami ng tesis o mag-group study (kasi nagsabay-sabay na rin kami sa ilang core subjects), nagtitimpla kami ng kape. Si Nikko ang may pakana ng mga recipe namin: nagtiwala naman kami, dahil empleyado naman siya dati ng Seattle's Best.
Hindi pa rin namin makalimutan ang hanep na kapeng may asin.
Gayumpaman, maraming masasarap na concoctions ang nalikha nitong si Nikko--tulad ng kapeng hinaluan ng Sunny strawberry to estimate SBC's raspberry kiss--at bukod doon, natapos namin ang tesis namin.
Nakaimbento nga rin pala ako ng coffee shake--which I megalomaniacally named The Kapi Shake--at ang secret ingredient ay Ovaltine.
Siyempre, naisip din namin ni PJ na mag-negosyo. Mahilig kaming magluto at mag-bake ng cookies, cheese cakes at apple pie.
Pormal na nag-aral ng pagluluto si PJ. Siya ang punong kusinera pag nagluluto kaming dalawa (sa ibang sabi, ako ang alalay, taga-tikim at taga-bola).
Binabalak naming magbenta ng mga cookies at iba pang pastries pag balik niya galing Bukidnon (iyon ay kung bumalik siya...)
Nitong nakaraang Lunes naman--dahil malungkot ako at may sakit--pinapunta ko dito sina Jonar, Pao at Leo sa bahay. Tumumba sila ng beer habang nagkukuwentuhan kami. (Masaya na akong makakita ng umiinom ng beer dahil bawal ako nito.)
Napunta sa negosyo ang kuwentuhan namin. Book rentals, parang library na may bayad. So itataya namin ni Leo ang aming mga koleksyon ng libro. Si Nunuy din, pipilitin naming isama (kasama siyempre ng kanyang mga libro).
Kasabay nito, maghahain din ng kape ang cookies para sa mga nagbabasa. So malamang kasama na si Nikko at si PJ sa "korporasyong" ito.
May photocopiers, siyempre. Ewan ko pa nga kung legal ang ganitong negosyo.
Anuman ang negosyong maisip ko/namin na ituloy, maglalapat kami ng "kakaibang" business model, kung business model nga ang maitatawag sa iniisip namin.
To us, it's more of an experiment in implementing a different socio-economic order.
(Pinagtalunan nga namin kung sahuran o dibidendo ang photocopier na ie-empleyo namin. Kung baga, alin yung walang o mas kaunti ang surplus value o alienated labor...)
At siyempre, may beneficiaries ang enterprise na ito. Likas na "altruistic" kasi ang mga kasama (at tutal, naturingan na rin akong "ideologue" ng kapitalismo dahil sa sinulat kong artikulo tungkol sa CSR sa BusinessWorld)...
(Makatulog na nga!)
mga tugon sa enetation [ ] at haloscan []
isyu 74: Lunes, ika-10 ng Enero 2005, 12:00 ng hatinggabi
[quiz] visionary soul
Sana nga...
You Are a Visionary Soul
(At sana may kasamang kilos ito...)
mga tugon sa enetation [ ] at haloscan []
isyu 73: Martes, ika-4 ng Enero 2005, 1:15 ng madaling-araw
May ulcer yata ako
Ang ganda pa naman sana ng simula ng taon ko. Umambon--sabi ng matatanda masuwerte raw ang ulan sa simula ng taon, bagaman alam kong di siyentipiko ito--at nakahawak ako ng luses after at least a decade. Oo, ganoon ako ka-deprived sa paputok. Hanggang luses na nga lang ako, ngayon lang ulit ako nakahawak.
Ngunit kinabukasan, ikalawa ng Enero 2005, nagulat ako nang makitang itim ang jerbs ko. Sa umaga iyon. Two hours later, dumumi ulit ako at ganoon pa rin ang kulay. Hanggang ngayon, ikaapat na jerbs ko na at itim pa rin.
Ipinalagay naming may ulcer ako.
Nagka-ulcer ako ngayong malakas akong kumain pagkatapos kong huminto sa paninigarilyo? Maaari rin namang nagka-ulcer ako dahil sa lintek na sake na ininom namin nang bisperas (kaya hindi ako nakatulog hanggang alas-singko) at sa scotch at whisky na tinira naman namin ng mga tito at pinsan ko kinatanghalian.
Sana, walang kinalaman dito ang trabaho ko. Ang sabi ni Boss Muloy, isa sa mga sub-editor, karaniwang sakit sa mga reporter ang ulcer. Kapag naghahabol ng patay-guhit at gumuguhit ang gutom sa tiyan, ano ang uunahin mo? Siyempre, ang patay-guhit.
Oo, minsan nakakaligtaan kong kumain dahil sa trabaho pero--lalo na ngayong matakaw ako pagkatapos mag-quit--sinisiguro kong may laman ang tiyan ko kahit papaano. Sana wala talagang kinalaman ito sa trabaho--sa labis na alak lang sana--dahil kung ganito lang daw atstress na maaaring magdulot ng iba pang sakit ang makukuha ko sa trabaho, ani Mama, mag-resign na raw ako.
Ayoko muna. Masarap ang sumasahod. Hindi sa marami akong perang panggastos, kundi dahil nakakagala ako nang malaya (halos). At bukod pa roon, "madali" pa ang trabahong ito sa pinapangarap kong karera.
Kapag wala akong trabaho, pihado, kulong ako sa bahay tulad ng dati. Hindi ako puwedeng makulong sa bahay, lalo na't kababalik lang ni PJ ngayong araw sa Bukidnon.
Peste talaga itong ulcer na ito. Hindi ko tuloy naihatid si mahal sa airport kaninang umaga.
mga tugon sa enetation [ ] at haloscan []
isyu 72: Sabado, unang araw ng Enero 2005, 3:10 ng umaga
Umambon sa pagsapit ng bagong taon
Ibig sabihin ba ng kaunting patak na tumagos sa makapal kong buhok pababa sa bumbunan, may karampatang paglago ang ekonomiya sa 2005?
(Nunit tulad ng patak ng ambon sa damuhan, sapat kaya ang paglagong ito para sa libo-libong mamamayang nagugutom? Dapat bang maghintay na lang ng patak?)?
mga tugon sa enetation [ ] at haloscan []
isyu 71: Sabado, unang araw ng Enero 2005, 3:00 ng umaga
Pagbati sa bagong taon
Natagpuan ko ang statement nito sa aking email. Magaganap na ba?
Information Bureau
Communist Party of the Philippines
Press Release
December 31, 2004
Heightened protests in 2005 may lead to GMA ouster
For causing the "worsening oppression of the Filipino people," the Arroyo regime will face "heightened protests" in 2005 "which may lead to its downfall."
Communist Party of the Philippines (CPP) spokesman Gregorio "Ka Roger" Rosal said that the Arroyo regime is poised to cause greater hardships on the Filipino toiling masses next year by countering wage increases, cutting down
on government health and other social services and imposing additional tax burdens, thus causing oil prices and electricity rates to rise."
"By worsening the oppression of the people, the Arroyo regime is triggering widespread outrage and stirring the masses to unite and demand its ouster," Rosal said.
"The workers and peasants are further enranged over the massacres and murders committed by the Arroyo regime this year. Arroyo is remorseless over the Hacienda Luisita Massacre," Rosal said. "In the face of more mass protests, the military and police are bound to commit more murders and massacres in an effort to terrorize the people and preserve Arroyo's hold on power."
Rosal added that the Filipino people are likewise angered by the Arroyo government's increasing subservience to foreign monopoly corporations and foreign creditors as well as its complete servility to the US government on
which it relies for political and military support. Such subservience, he said, is detrimental to the people's interests.
He cited the recent Supreme Court ruling that affirmed the legality of the Mining Act of 1995 which allows big foreign mining companies to ravage the country's already sparse forest cover in search of minerals.
The ruling, said Rosal, not only violates the Filipino people's sovereign right to the country's national patrimony. "The plunderous operation of foreign big mining companies is bound to cause more devastating floods and
landslides in the years to come."
Rosal reiterated the call of the CPP leadership calling for intensified tactical offensives in the next year. "Among the principal targets of these armed offensives are the worst human rights violators, the most corrupt officials and biggest plunderers of the environment."
mga tugon sa enetation [ ] at haloscan []
isyu 70: Huwebes, ika-30 ng Disyembre 2004, 01:06 a.m.
Isang matalinong tugon sa post ko sa Atenista.net forum ukol sa Tanganglawin
woozy: "dude, c'mon get a grip pare."
(Chong pare dood bayaw, get a grip of what?)
mga tugon sa enetation [ ] at haloscan []
isyu 69: Huwebes, ika-30 ng Disyembre 2004, 1:00 ng madaling-araw
Si Aljohn, future tongressman?
Sana lumipas din ito, tulad ng kung paanong lumipas ang pagnanasa niya dating
maging pari.
Si Aljohn ang bunso kong kapatid na mas matangkad na sa akin ngayon. Puwedeng-puwede nga siyang
maging manalaro ng basketbol balang araw. Medyo bobondying-bondying lang siya ngayon, kahit grade
6 na siya.
Bukod doon, may isa akong matinding problema sa kanya. Balak niyang maging pulitiko,
mehn.
Seryoso. Noong eleksyon noong Mayo, gumagawa siya ng mga sarili niyang campaign jingle.
Nakalimutan ko na kung anong tono ng aling kanta ang ginamit niya. Basta kasama niya ata sa
partido si Badong Pleyto, yung tumakbong konsehal dito sa amin na matindi ang kampanya (sa mga
taga-Mata: yung kamukha ni Pael).
Actually, noon pa niya ginagawa ito noong senatorial elections noong 2001. Siningit niya ang
sarili niya sa VOT FOR D CHAMMP jingle ng People Power Coalition. Pero sa parehong campaign
jingle, ang gamit niyang pangalan ay Juan Almario Salvador "Badong the second."
Capistrano.
(F.Y.I. Johnaldo ang tunay niyang pangalan, na hango sa pangalan ng mga lolo namin--si Juan at
Salvador--at ang tatay namin, si Almario. "Tatay Badong" ang tawag namin kay lolo Salvador, tatay
ni Papa.)
Akala namin dati wala lang ito, parang imaginative play lang. Higit na matindi ngayon ang
pangangarap niyang maging pulitiko. At hindi lang iyon.
Nagtatanong-tanong na siya sa amin kung mahirap ba ang Law School. Balak niya raw maging abugado,
tulad ni Tatay Badong. Tapos balak din daw niyang maging pulitiko tulad ni Tatay Badong. Kaya
"Badong Capistrano the second" ang kanyang political name (na medyo inspired din ng "Badong
Pleyto": hindi rin naman "Badong" ang tunay niyang pangalan kundi Jon.).
Teka lang, hindi naman naging pulitiko si Tatay Badong. Wala yatang pulitiko sa pamilya
namin.
Ang pagkakaalam ko, kawani ng burukrasya ni Marcos si Tatay Badong. Hindi crony, hindi pulitiko.
(Although medyo Marcos loyalist ang pamilya namin. Siyempre, puwera sa akin). Bukod pa sa
kanya, sabi ni Aljohn may malayong kamag-anak daw kami na mayor ng isang munisipalidad sa
Camarines Norte. Aba, hindi ko alam.
Minsan, nagtatanong-tanong si Aljohn kung puwede ba siyang tumakbong Mayor o congressman sa
Camarines Norte. Ang sabi ko, hindi. Hindi naman siya tumira ng matagal doon. Hindi maganda sa
pandinig ang sagot niya: ang pagkakaalala ko, puwede naman daw "ayusin" iyon.
Naaaninag na ba ninyo kung anong klaseng pulitiko ang gustong maging ni Aljohn?
Isang araw, nagtanong siya sa akin: ilang porsyento raw ba ang nakukuha ng mga congressman sa mga
project? Sabi ko, hindi ko alam. Sabi niya, 30% daw. At malaking pera raw iyon. Yayaman daw siya.
Kaya gagawa siya ng maraming project sa Camarines Norte.
Minsan, iniinsulto niya ang pagka-mamamahayag ko. Sumulat daw ako ng maganda tungkol sa isang
pulitiko o kumpanya para bigyan ako ng "regalo," tapos may kickback daw sila ni Lloyd (yung gitna
naming kapatid), tig-20% daw.
At kapag pulitiko na siya, susulatan ko rin daw siya ng magaganda at sisiraan ang mga kalaban
niya. (Wow, talk about long-term planning).
Noong Lunes, nakita ko si Aljohn na lumalangoy sa perang nakuha niya noong Pasko. Hindi ko na
alam ang gagawin. Di ko na mabilang kung ilang beses ko na siyang pinagsabihan at nilektyuran ng
ukol sa lipunang Pilipino (well, almost), pero nginingitian lang ako at tinatawanan, parang
bondying na pulitiko.
Kapag itutuloy niya ang kanyang balak na maging kurakot na pulitiko, ako ang unang-unang
maglalantad sa kanya.
mga tugon sa enetation [ ] at haloscan []
isyu 68: Huwebes, ika-30 ng Disyembre 2004, 1:00 ng madaling-araw
Ibinenta na, sa wakas, ang Pajero
Nakaligtaan ko nga pala itong ikuwento sa inyo. Noong huling Huwebes, ika-23
ng Disyembre, naibenta na ang Pajero naming second-hand model. Buti naman.
Sa isang mapamahiing pagtingin, malas ang hanep na Pajerong iyan. Sabi sa akin ng drayber namin
(si Jay Estrada, apo ni Mang Pete at katukayo ni Jay Estrada na gitarista ng White Chapel),
tagapagdala ng malas ang tingin ng mga tauhan ni Papa sa halos patay nang construction
company niya. Ayon sa kanila, simula nang bilhin ni Papa ang Pajerong iyan, kumaunti ang mga
proyektong ginagawa nila.
Bakit nga ba niya gusto ng Pajero? Hindi ko alam. Ang hula ko, mahilig talaga si Papa sa mga SUV.
May natatagong pagnanasa siya, dahil ang dalawang naunang SUV namin ay nabenta nang di-oras dahil
sa mga kakaibang pagkakataon. Yung Patrol naming imported (kasi hindi bubble top) na second hand,
ibinenta dahil hinaharass lang si papa ng mga kurakot na pulis. Alam kasi nilang imported iyon,
kaya puwede nila kaming perahan: tatakutin lang kami na smuggled iyon. Basta ganoon, nakakainis
balik-tanawan.
Yung pangalawa naman, reconditioned na Land Cruiser (yung luma na bilog ang ilaw, parang
Wrangler) na pinangalanan naming "Kabayo" dahil sa sadyang malundag ang mga shocks nito.
Nakursunadahan ng kaibigan ni Papa na Mayor sa Basilan (di ko matandaan off-hand kung sino).
Maganda raw iyong sasakyan para sa kanyang mga bodyguard. Mataas kasi ang bubong, so kasya ang
mga machine gun nila.
Anuman ang dahilan ni Papa, nagtataka ako't sa akin pinagamit ang Pajero (akala ko ba mahilig
siya sa SUV?). Well, mas gusto ko naman talagang
Una sa lahat, matakaw ito sa gasulina. Noong unang dalawang buwan ko sa BusinessWorld,
lumalampas ang gastos ko sa gasulina sa transportation allowance ko. Pero may kumplikasyon iyon.
Coding kasi ang Pajero tuwing Biyernes at ang Revo naman tuwing Huwebes. Ang areglo namin
sa bahay, ako ang magdadala ng sasakyang bawal sa araw na iyon. Bale dalawang beses sa isang
linggo ako nakikipagpalit ng sasakyan.
Napapansin kong tuwing nakikipagpalit ako ng sasakyan, yung napupunta sa akin halos ubos na ang
gasulina, kaya pinapakargahan ko. Lumalabas na nagpapakarga ako ng gasulina tatlong beses sa
isang linggo, tig-limandaan.
Inaway ko tuloy ang mga magulang ko at si ang paborito kong drayber namin na si Mang Pete, na
naglayas. Hindi pa siya bumabalik sa amin, pero dumalaw siya noong Pasko. (Paglilinaw: hindi
lang ang pang-aaway ko kay Mang Pete ang nag-udyok sa kanya para umalis. Maraming nakapalibot na
isyu doon, na ayokong banggitin dahil hindi ko mismo alam nang husto.)
Bukod doon, nakaranas ako mismo ng sari-saring kamalasan sa sasakyang iyan ngayong taon.
Nangyari ang una bandang Agosto o Setyembre. Papunta kami ni K, dating taga-Kule at ka-opisina ko
ngayon sa Businessworld, sa UP. Papunta siya roon, at naisipan ko na ring sumama para dumalaw
kina Faj at iba pa.
Sa Balara kami dumaan. Medyo mabagal ang mga sasakyan, at malapit na kaming kumaliwa sa may
Maynilad papasok ng UP. May medyo nag-counterflow na van, sinundan ko. Nang makaliko na ako,
bigla na lang may sumulpot na mamang naka-itim na long-sleeves. Nabangga ko na siya nang
maka-preno ako.
Traffic enforcer pala siya. (Pero sa isip-isip namin ni K, bakit siya nakaitim at saan
siya nanggaling?)
Dinala namin siya sa UP Infirmary at bumili ng gamot na inireseta. Iniwan ko na si K sa UP at
dinala ko ang traffic enforcer na naka-itim sa Orthopedic para magpa-Xray. Buti na lang walang
bali.
Yung sumunod na dalawa, nangyari yata noong Oktubre. Dalawang magkasunod na araw iyon, Lunes at
Martes. Noon Lunes, papunta akong Makati para sa isang interbyu, Singaporean na CEO ng Gemplus,
isang kumpanya na gumagawa ng mga smart card (yung maliit na chip na nasa sim card at payphone
card).
Nasa bandang Cubao na ako noon nang napansin kong parang bumababaw yata ang clutch pedal. Ilang
metro ang lumampas nang bumaon na talaga ito. Mukhang naubusan ng clutch fluid. Huminto ako sa
gitna ng EDSA ng ilang minuto.
Buti, at walang dumaang wrecker. Tumawag ako kay Papa, sabi niya i-start ko ang sasakyan habang
naka-kambyo. Ginawa ko, at salamat naman at nakatabi ako sa isang gasulinahan bago mag-Santolan.
Bibili sana ako ng clutch fluid pero wala pala akong perang dala, naglakad ako nang
pagkalayo-layo para maghanap ng ATM sa may Crame.
Nang dumating si Kuya Louie, ang mekaniko ni Papa, bale wala rin pala ang binili kong clutch
fluid dahil pumutok ang mismong tubo ng clutch. Iniwan ko na sa kanya ang sasakyan, tumakbo na
ako sa Makati. Nahuli ako nang dalawang oras.
Kinabukasan, ayos na ang Pajero. Tamang-tama, kailangan kong pumunta ng Parañaque para
kapanayamin ang manager ng Holy Trinity Funeral Homes (para sa dakila kong istorya tungkol sa mga
punerarya na pinamagatang Undying Business).
Pauwi na ako noon, malapit nang mag alas-sais, tumatakbo sa EDSA. Nasa kalagitnaan ng Boni at
Shaw na ako nang mapansin kong humihina yata ang busina ko. Medyo matrapik noon, at nakabukas ang
radyo para aliwin ang sarili. Kumindat-kindat din ang ilaw ng radyo.
Pinatay ko iyon at ang aircon. Pinapawisan na ako nang todo. Nararamdaman kong may masamang
mangyayari na naman. Ilang metro nang makapasok sa Shaw ilalim, tumirik na naman ang sasakyan.
Sinubukan kong itulak, ayaw kumadyot. Naghintay na lang ako ng MMDA na hahatak sa akin.
Nang kumpunihin ulit ni Kuya Louie ang Pajero, natuklasan niyang bumigay naman ngayon ang
alternator.
Buti na lang talaga, naibenta na kasama ng mga masasamang alaalang iyon. Buti na ang at
naglabasan na ang mga sira para naayos namin bago naibenta. Sabi ni Papa, sa isang foreigner daw
naibenta: sila lang naman ang mahilig sa mga SUV na gasulina.
Bukod dito, naibenta na rin ang Expedition. (Ha? May Expedition kayo?)
Nagkaroon kami ng Expedition, pero panandalian lang iyon at hindi namin ginamit (eng-eng ba kami,
takaw gasulina iyon!). Ibinigay daw kay Papa ng kliyente niya sa construction bilang pambayad
dahil walang cash. Sinubukan kong i-maneho at naramdaman ko kung bakit gustong-gusto ng mga
Congressman ang ganoong sasakyan kahit na social sin ang pagkakaroon nito.
Magandang bagong taon ang ibinabadya ng pagkakabenta ng Pajero at ng Expedition. Wala na ang mga
gumugulong naming kasalanang panlipunan. Ang problema ko nga lang, wala akong minamaneho sa
ngayon.
mga tugon sa enetation [ ] at haloscan []
isyu 67: Miyerkules, ika-29 ng Disyembre 2004, 12:30 ng hating-gabi
Mga naka-bangkong istorya
Hindi muna ako makakapagsulat ng mahaba ngayon. Gayumpaman, may mga nakabangko na akong istorya para sa blog na ito sa mga darating na araw. Abangan (in no particular order):
> ang utol kong gustong maging pulitiko
> sangkatutak na mga balak sa buhay
> panibagong (dating) disilusyon sa kilusan
> ibinenta na sa wakas ang pajero
Sa ngayon, kailangan ko nang matulog. May interbyu ako sa umaga at magsusulat pa ako bukas.
mga tugon sa enetation [ ] at haloscan []
isyu 66: Lunes, ika-27 ng Disyembre 2004, 9:30 ng gabi
Katakawan
Alas-nuwebe na ng gabi. Kakakain ko lang ng ikalawa kong hapunan para sa araw na ito. Kumain ako ng unang hapunan bandang ikapito't kalahati ng gabi, sampung minuto pagkatapos kong kumain ng ikatlong meryenda para sa araw. Hindi ako sumipot sa opisina at nagsulat na lang sa bahay para makaiwas sa sigarilyo ng isa pang araw, dinatnan naman ako ng sobrang katakawan.
Pare kong Javie na kasabay mag-quit, dinaratnan ka rin ba ngayon ng katakawan? Buti ka pa't may basketbol kahit papaano. Huwag nawa akong lumobo.
Isa lang ang ibig sabihin nito: kailangan ko muling mag-exericise.
Nang regular pa ang work-hours ko sa research sa BusinessWorld, nag-eehersisyo ako pagkarating sa bahay. Ibang klase ang exercise routine ko: trampoline pare. Oo, yung tatalon-talon kang parang bata. Ok na cardio exercise iyon. Tapos sinasabayan ko ng arnis. So nag-aarnis ako habang lumulundag-lundag. Pagkatapos noon, push-ups at kaunting sit-ups. Iniingatan ko pa rin ang likod ko.
It's either kailangan kong gumising nang maaga araw-araw para mag-ehersisyo o pursigihin ito pagkatapos ng trabaho. Or para maengganyo ako, what if mag-gym ako?
* * *
Inabot din ako ng ilang oras ng takaw sa internet. Ano ang hinahanap? Everything about weblogs. Paano nga ba nagsimula? Ewan. Ganito yata: sinilip ko ang Atenista.net kung may tugon na sa post ko. Nakita ko ang artikulo tungkol sa may-ari ng pitas--sa inyo ako mananatili kung kailangan kong manatili sa libreng blog server--pero gusto kong magkaroon ng sariling domain.
Ano naman ang gagawin ko sa sariling domain? Eh di puwede akong mag-branch out to sub-blogs with different topics, hindi yung naghahalo-halo ang mga tula, komentaryo at dear diary writings sa iisang blog. But then again, will I have sufficient time to fill many blogs? Ito nga lang ngayon ko lang talaga nabibigyan ng oras.
Ano na lang siguro, gagawa ako ng mga webring. Yung isa, webring ng mga blog sa Filipino. Yung iba, pag-iisipan ko pa lang.
mga tugon sa enetation [ ] at haloscan []
isyu 65: Lunes, ika-27 ng Disyembre 2004, 01:04 p.m.
Ukol sa Tanganglawin
Ipinaskil ko sa Atenista.net forum ukol sa Tanganglawin. Sa kung ano ang nagpaalma sa akin, go see for yourselves
Maligayang pasko at magandang umaga.
Punong patnugot po ako ng Matanglawin noong nakaraang taon. Nakita ko ang forum na ito nang sinubukan kong hanapin sa internet ang statement ng sanggu ukol sa Tanganglawin. Well, hindi ko mahanap, wala pala silang website. (kung sino sanggu dito, padalhan naman ninyo ako sa kapicapistrano@gmail.com. salamat).
Talaga nga namang naging newsmaker ang Tanganglawin ng taong kasalukuyan. Biruin ninyo, for the first time naubos ang mga nakaimbak na isyu sa pubroom (well, kinompiskeyt daw kasi) at nagsisi-akyatan ang mga mag-aaral para kumuha ng kopya. Nagkataong dumalaw ako nang lumabas ang statement ng admin (or personal statement nila, distributed through the university's logistics).
Anyway.
Nagtaka nga talaga kami kung bakit ngayong taon lang umalma ang administrasyon sa Tanganglawin. Sa nakaraang apat na Tanganglawin (ibinalik namin ang naturang lampoon noong 2001; mayroon na nito dati noong mid-90s.), may nakalagay namang semi-nude pic ng kung sinong sexy actress, tapos nakasuot ng placard na "no id no entry". Last year, ipinatong namin ang mukha ni FPJ (s.l.n.) sa katawang naka-bikini. Walang umalma. This year, si GMA naman. Umalma sila. Is it because GMA was given last year an honorary doctorate? I hope hindi ito ang dahilan. Point taken (from one of the posters), we may like GMA or not, she still is President.
But then again, what kind of a President? This I'll leave to you. I don't want to feed you with our allegedly "leftist" views. Just please be honest for the sake of this country.
Anyway, talagang wawafungin ako ng mga present Mataboys and girls sa ginagawa ko dito. Thanders na ako, di na dapat ako nakikialam. But I just can't help it.
Narinig kong hindi lamang umalma ang administrasyon sa mukha ni GMA na ipinatong sa halos hubad na katawan. Sa content daw, na bukod sa bastos ay mababaw pa. I really don't know, some say mas nakakatawa yung isyu namin last year sa kasalukuyan, sabi naman ng iba mas bangas yung ngayon. Kani-kaniyang opinyon iyan, na kung nais nating malaman kung alin ang nananaig, kailangan natin ng sarbey.
Ako personally nakulangan ako sa Tanganglawin ngayong taon (sa mga Mataboys and girls na makakita nito wafungin na lang ninyo ako sa susunod na pagkikita natin). Maaaring kulang nga, maaaring palagay ko lang kulang at palagay ko mas magaling yung sa nakaraang taon. But seriously, nakulangan ako sa political satire. It was still satirical, maybe it was as satirical as last year's (or the previous years') but the sexual innuendos were stronger. Then again, baka na-persuade na ako ng statement ng admin...
Muli, nakulangan ako sa political satire. Ito ang kailangang maganap sa susunod na Tanganglawin.
This lack does not justify admin's allegedly confiscating the issues or some students calling for the ban not only of the issue (clarification: it was not banned by the admin, just confiscated without notification) but of Matanglawin as an organization and an item on the tuition receipt.
As a former Matanglawin editor and an ATENEAN (I am proud to be an atenean, believe it or not.), masama sa loob ko ang ganitong eksena. Mga gabing walang tulog at apat na libong salita sa bawat artikulo ang binubuno namin para ihatid sa Atenisa ang mga isyu na nasa labas ng kampus, na maaaring hindi nila napapansin. Hindi sa walang muwang sa mundo ang Atenista (may ilan, oo), pero sa bawat isyu ng Matanglawin, ninanais naming gabayan ang bawat Atenista sa mga mahahalagang isyung panlipunan: kung paano ito nakakasama sa kalagayan ng mga nasa "down from the hill" at kung paano makakapag-"persons-for-others" ang Atenista.
Nakakalungkot, ni hindi man lamang nabibigyan ng kaukulang kilos ang mga isinusulat namin. Halimbawa, sa Sanggu: may statement sila agad tungkol sa Tanganglawin, pero wala namang statement sa mga isyung pangkampus na inilalabas namin, tulad ng mga salik ng tuition fee na wala dapat doon, o sa mga isyung panlipunan tulad ng masaker sa Hacienda Luisita.
The press is supposed to be one of the catalysts of change, but it is rarely the press who makes those changes themselves. With 75 years of the TheGuidon (tama ba?) and 29 of Matanglawin, there were issues which led to changes, like the "Down from the Hill" manifesto published in TheGuidon in the 60s which spearheaded the Filipinization movement in the University.
Nagpapasalamat ako sa mga taong nagsasabing kailangan ang Matanglawin. Oo, maaaring nagkulang kami sa inyo sa mga nakaraang taon sa mga artikulong nagkulang sa pagwawasto, mga hindi maayos na pagkakalapat at pagkakalimbag. Huwag kayong mag-alala't inaayos namin ang mga maling ito.
For your info, ang inyong lingkod na Matanglawin ay tatlong beses nang nagwawagi bilang Best Magazine sa Gawad Ernesto Rodriguez ng College Editors Guild of the Philippines, at isang beses para sa matanglawin.org. (isang bagay na hindi rin pinansin ng admin... opo, naglalabas na po ako ng tampo.)
Pero ang manawagan upang tanggalin ang Tanganglawin at ang Matanglawin sa sirkulasyon ay isang malaking kahibangan. Sa panawagang ito, ipinagkakait ninyo sa ibang mag-aaral at sa sarili ang dalawampu't siyam na taong tradisyon ng alternatibong pamamahayag-pangkampus na umusbong noong kasagsagan ng batas-militar. Kinakalimutan natin ang tradisyong ito sa mga ganoong panawagan.
Sa mga akusasyong maka-kaliwa ang Matanglawin at sa panawagang lumipat na lang kami sa ibang pamantasang hindi konserbatibo at mas mababa ang matrikula, well sanay na kami sa mga ganyan. At medyo nakakapagod nang sagutin. Pero sige.
Maka-kaliwa ang Matanglawin? Ayon sa Tunguhin blg. 6 ng Matanglawin:
"PAIGTINGIN ang kamalayang pampulitika sa Ateneo sa paraang mapayapa subalit mapaghamon, may kiling sa mga dukha bagaman walang isang ideolohiyang ibinabandila."
Kung sa maka-kaliwa, oo, maaaring maka-kaliwa nga ang Matanglawin sa simpleng pagkiling nito sa dukha. Remember your polsci? Ang nasa left ng spectrum or "progressive" ang mga naniniwalang ang kapangyarihan ay pinagsasaluhan ng nakararami, whereas sa right or "conservative" ang mga
naniniwalang sa iilan lang ang kapangyarihan.
Ateneo as "conservative?" With its call of persons-for-others and its liberation theology tradition (not to mention the radical Jesuits not only during Martial law but also today), I don't think so. UP may be more radical, but that doesn't mean Ateneo is not radical--or at least progressive--as well. If Ateneo and its Jesuits are conservative, then what do you call the Opus Dei?
Conservative when it comes to sexuality, generally yes. But to politics, not necessarily at all. Remember: a university is supposed to be a melting pot of thought.
Maaari ngang "one man's meat is another man's poison" ang sitwasyong ito, which may after all be a valid proposition. Kaya nga sa 7,000 populasyon noong nakaraang taon, 4,000 lang ang sirkulasyon ng Matanglawin sa bawat isyu. Sa parehong TheGuidon at Heights, hindi naman lahat ng estudyante ay magkakaroon ng kopya. Hindi naman lahat ng estudyante ay gustong basahin ang tatlong publikasyon. Ganito rin, sa palagay ko, ang larangan ngayon.
Hindi lang naman Matanglawin ang binabayaran ng estudyante sa publication fee. Hindi nga sapat ang publication fee na iyon para sa isang taunang set ng Matanglawin, ng TheGuidon at/o ng Heights. So go pick your own meat.
Kung gusto ni estudyante1 ang bagay A at ayaw naman ito ni estudyante2, hindi naman nararapat na alisin na ang bagay A. Kasi kung hindi, eh di lahat ng hindi nakakikita ng silbi sa mga klase sa Pilosopiya o sa Filino ay nararapat nang tanggalin ang mga ito sa kurikulum?
Muli, sa mga nagbabasa ng Matanglawin o sa mga nakakikita ng pangangailangan nito, salamat. Kung nais ninyong higit na bumuti ang kalidad ng mga susunod na isyu ng Matanglawin, malayang-malaya kayong lumiham sa mga kasalukuyang patnugot o makipag-usap sa kanila (ganito rin ang panawagan ko sa mga kritikal sa Matanglawin.) Personal man itong saloobin at hindi opisyal na statement, masasabi ko pa ring bukas ang mga kasalukuyang patnugot para makinig, kaya sige na't lumiham o makipag-usap.
Hindi yung bigla-bigla na lang maglalabas ng statement.
(Disclaimer: ito ay personal na mga saloobin ng may-akda. Walang basbas ang kasalukuyang Patnugutan ng Matanglawin sa kilos na ito.)
mga tugon sa enetation [ ] at haloscan []
isyu 64: Sabado, ika-25 ng Disyembre 2004, 11:30 ng gabi
Huling yosi
Una sa lahat, hihingi ako ng paumanhin kay Mahal (matagal na akong inuudyok na huminto) at kay Javie (na pinangakuan kong sabay tayong hihinto kahapon). Hinithit ko kaninang alas diyes y medya ang huli kong sigarilyo.
Hindi kahapon, tulad ng ipinangako ko.
Noong Huwebes, sa surprise party para kay PJ dito sa bahay, nanghingi sa akin ng yosi si Javie (siyempre, patago). Nakapagtataka, dahil pagdating sa yosi, para siyang Boyscout: laging handa.
Napag-alaman kong hindi na siya bumibili ng sarili niyang kaha. Tumitingi na lang at nanghihingi.
Higit sa lahat, sinabi niyang kinabukasan (bisperas ng Pasko) siya hihithit ng huli niyang sigarilyo. Kung baga, meri krismas present niya sa sarili niya.
Sabi ko, sasabayan na kita.
Kung peer pressure man iyon, ito yung peer pressure na gugustuhin ko. Sa bagay, matagal na akong nagsasabing nagsisimula na akong mag-quit. Siguro isang taon na akong nagsisimulang mag-quit.
Ngayon ko lang talaga sineryosong simulan, dahil mas madali yatang mag-quit kapag may kasabay ka. Ika nga, may peer support. Si Javie, bilang mabuting kaibigan, ang isa sa mga ideyal na kasabay mag-quit.
Tutal, siya naman ang dati kong kasamang magsunog ng baga. Bakit ko siya hindi sasamahan dito?
* * *
Kasabay nito, inuudyok ko kayong huminto na rin sa paninigarilyo. Malamang, narinig na ninyo ang mga ito, pero mabuti nang ilista ulit:
Una, lung cancer ang magiging pinakalaganap na kanser sa lipunang Pilipino (bukod sa katiwalian at sa lipunang mala-mala) sa taong 2005.
Hindi lang ito ang magiging pinakalaganap, ito pa ang pinakanakamamatay. Hindi nakikita ang kanser sa baga sa early stages nito. Kung makita man ito, huli na ang lahat.
Noong isang araw, pina-eksamen ni mama ang ihi ko sa isang alternative doctor na kayang malaman ang cancer risk ng isang pasyente sa pamamagitan ng ihi. Di ko maalala ang numero, pero sobrang taas na raw, mas mataas pa sa erpat ko.
At kung hindi kanser sa baga ang makuha ko, maaaring kanser sa lalamunan, sa bibig, sa kung anumang bahagi ng katawan.
Ngayon, kung hindi man ako madali ng kanser, totodasin naman ako ng tuberkulosis. TB na naman? Oo, TB na naman at TB pa rin hanggang ngayon ang isa sa pinakamalalalang sakit na nakukuha ng mga naninigarilyo, dalawampung taon na. Muli, paninigarilyo ang dulot nito.
Kung hindi TB, yung tinatawag nilang chronic obstructive pulmonary disease o COPD. Ito yung bagong terminolohiya ng mga doktor sa ispektrum ng chronic bronchitis at emphysema. Ispektrum, sapagkat malimit magpahiwatig ang dalawang sakit nang magkahiwalay.
Kung nagkataong hindi ako tinalaban ng mga nabanggit na sakit, nariyan ang pagkabulag. Nariyan din ang bad breath, na palagay ko'y tinablan na ako ngayon. Salamat sa Pfizer, may libreng Listerine ako ngayong pasko.
* * *
Ok, nariyan ang mga sakit. Pero marami pa rin pihado ang di kumbinsido. Naaalala ko ang isang kaibigan (hindi ko papangalanan) na nanaisin na lang niyang mamatay sa mga ganitong sakit basta't masaya siya sa buhay niya at naninigarilyo.
Palagay ko, ganito rin ang tingin ng iba, lalo na ang mga hindi natatakot mamatay o walang pakialam mamatay o gugustuhin nang mamatay dahil sa nangyayaring sigalot sa lipunan o anupamang dahilan. Ngayon, ito ang i-iitsa ko sa inyo:
Kasangkapan ng imperyalismo, piyudalismo at burukrata-kapitalismo ang sigarilyong hinihithit mo ngayon.
Bababawan ko lang ang pagsusuri. May pagka-basic naman ang sitwasyon, talagang pinurga lang ng nikotina ang mga utak natin (or at least ako) hanggang kamakailan lamang.
Anu-ano ang mga pinaka-popular na tatak ng sigarilyo? Marlboro, Winston, Philip Morris, More, kahit ang Astro (oo, meron talaga nito). Sa pagkakaalala ko, ang Bataang Matamis lang (na wala na sa pagkakaalam ko) at ang Fortune ang mga lokal na tatak.
No-brainer naman sigurong sabihing saklaw ng mga tatak na dayuhan ang industriya at kamalayan ng paninigarilyo.
Pero teka, hindi naman lahat ng yosi ay imported. Gawang-Pilipino naman ang mga ito: galing sa bansa ang tabakong ginagamit, narito ang mga pabrika, at mga kumpanyang lokal ang gumagawa nito, na nagbabayad lang ng royalty sa paggamit ng mga dayuhang tatak.
Tumpak. Doon din tutungo ang ating usapan.
Kanluraning tatak ang hinihithit, ang mga lokal na manggagawa at magsasaka naman ang inaapi.
Lalo na sa Ilokos, ang bumibili ng tabako mula sa mga magsasaka ang siya ring nagdidikta ng presyo. At bukod pa rito, wala silang sariling lupa, tulad ng karamihan sa mga magsasaka sa Pilipinas. At malamang--tulad ng ibang manggagawa sa Pilipinas--api ang mga manggagawa sa mga pabrika ng sigarilyo.
Talagang may dugo ang hinihithit mong sigarilyo. Sa lalo nating paghithit ng sigarilyo, higit lang natin silang iniipit sa pagkakaapi.
* * *
Mainam talagang huminto nang manigarilyo ngayon. Muli,
kakapasa lang ng sin taxes laban sa sigarilyo at alkohol.
Ngayon, kung iniisip mong manigarilyo lalo dahil makatutulong ka sa lumalalang fiscal crisis ng pamahalaan, mag-isa ka. Una, ang sin taxes ay isang mekanismo ng pamahalaan hindi lamang para kumita kundi upang pigilan ang mga mamamayan na bilhin ang mga ganitong produkto. Simple economics.
Ikalawa, kung kikita nga ang gobyerno sa hinithit mong sigarilyo, eh di napunta lang iyan sa pork barrel, sa sahod ng isang overpaid na opisyal ng isang government-owned and controlled corporation, o sa bulsa ng isang tiwaling burukrata.
Nabawasan na ang buhay mo, may napaligaya ka pang kurakot na opisyal.
(Sa higit pang pakikipagtalo o pakikipagdebate ukol sa isyu, o kung napagpasyahan mo nang
huminto, maaari ninyo akong i-email sa kapicapistrano@gmail.com.)
mga tugon sa enetation [ ] at haloscan []
isyu 63: Biyernes, ika-24 ng Disyembre 2004, 12:00 ng tanghali
Corporate Cheers
The role of the corporation in society has now evolved, with the realization that there are other stakeholders in a corporation other than its shareholders.
By FRANCIS Y. CAPISTRANO, Reporter
BusinessWorld Weekender
When four typhoons hit the country in November, corporations were quick to respond, sending relief goods, medicines, and sending doctors and other volunteers.
Of course, this scenario is no different from past typhoons and other calamities, where corporations have always shown altruism.
This month, corporate foundations have been busy preparing for their Christmas activities and outreach programs to orphanages, public schools, and even depressed communities in far-flung areas.
Aside from these, they are also into giving out scholarships, donating computers to schools, training rural folk other forms of livelihood, and funding non-profit organizations and cooperatives.
However, with the recent years, the word "philanthropy" is used less and replaced by a much sophisticated term: corporate social responsibility (CSR).
Nonetheless, some sectors of society critical to corporate actions see these so-called corporate dole-outs only as a business tool to improve their image or to appease communities that they offend. This applies especially to corporations who have shown bad practices: internally, like not paying proper wages to employees, and externally, like polluting the environment.
Corporations, on the other hand, may have realized their role in society other than to reap profits.
Previously, "when you talk about the task of the corporation, it always focused on maximizing profits, and that's the only thing that it was supposed to do," said Felipe B. Alfonso, executive director of the Ramon V. del Rosario-Asian Institute of Management (AIM) Center for Corporate Responsibility.
Before, there were "watertight" compartments between business, the government and civil society, with each minding their own tasks: business to create shareholder value, government to govern and provide basic services, and civil society to act as a watchdog and to advocate citizen's rights.
Now, he said that the role of the corporation in society has now evolved, with the realization that there are other stakeholders in a corporation other than its shareholders.
Furthermore, with the current situation especially in developing countries, these three sectors of society see the necessity of working together to address the basic ills of society.
He said that the corporation is now expected to do its core activities in such a way that it does not cause harm to the other stakeholders, such as the community where the corporation operates and even its own employees. Furthermore, it has also been tasked to some of the basic problems of society, like education, environment and livelihood.
This realization, he said, was due to civil society influence, especially the boycott, which hit corporations where it hurts most: their bottom line. An example that he cited was the boycott of Nike products when international nongovernmental organizations found out that the said company paid sweatshop wages to workers of their subcontractors in other countries.
"This is a clear example of how accountability and responsibility of business extends beyond just making profit for itself," he said of the Nike case. "There are social consequences to the kinds of actions that it is taking."
In an interview with BusinessWorld, The Body Shop founder Anita Roddick said "if the responsibility of business is to make money for the shareholders, sure, but not the expense of the environment, human rights, public health, dignity of employees and welfare of the communities where they operate. They not only must not do hideous evil, they've got to do good as well."
The Body Shop, a British personal hygiene products business, is known worldwide as a company which carries advocacies for the environment, human and animal rights, and is against globalization.
Its product labels, delivery trucks, and pamphlets contain these advocacies, and it practices community trade with depressed and indigenous communities worldwide.
"Because of the situation in our society, over the years, there have been changes in the social contract. In the Philippines, the government is less and less capable to provide services especially for the poor," said Mario A. Deriquito, director of the Ayala Foundation Center for Social Development.
With this, he said that it becomes incumbent for other sectors to help government to provide these basic services. Business, he said, is not anymore limited to making profit, providing employment, and paying taxes.
It is now the responsibility of business to make better lives of the surrounding communities where they operate. Furthermore, business is also tasked to contribute to national development.
In the Philippines, the CSR movement came about during martial law, with some businesses -- who formed the Philippine Business for Social Progress (PBSP) -- realized that with the social unrest of the times, businesses need to show concern for the poor.
NO DOLE-OUTS
PBSP president Ma. Luisa Perez Rubio said this, however, does not mean giving out money or other donations "just to get them out of the way."
She said the PBSP framework on CSR -- which should be the framework of other corporations as well -- is to "help the poor help themselves," which she said is not easy. This is done by building the capacity of target communities to execute self-sustaining livelihood programs.
The corporation must also help the community by providing access to credit, capital goods and marketing assistance, she said.
Mr. Alfonso added that philanthropy is just one stage of CSR. It is not necessarily bad, he said, but a corporation should grow from plainly giving-out donations.
This should progress to mobilization of resources -- including employee volunteers -- to communities where corporations want to get involved in. Now, he said that the focus is towards establishing socially responsible industry standards, which corporations should adopt internally.
Furthermore, "more and more, people are saying, 'How do you make sure that CSR activities become sustainable?' So they integrate them into the core business of the company."
For example, the core business of Manila Electric Co. (Meralco) is electricity distribution. A main CSR activity of Meralco is the depressed area electricity program (DAEP), which is targetted to depressed areas and squatter communities victimized by "entrepreneurs" who distribute electricity to them and charge twice the amount "on a per-bumbilya [light bulb] basis."
Through DAEP, Meralco provided these communities with legal connections, thus reducing what they have previously paid for electricity.
"It was very good for us because it increased our sales of electricity because as the electric costs went down, people tended to consume more electricity and bought more appliances," said Mr. Alfonso, who is also vice-chairman of Meralco.
For their part, Maurice P. Ligot, executive director of Splash Foundation, said CSR should be separate from the profit-making activities of the company.
"It should be in the values of companies," she said. She added that CSR should also be advocated by the companies' executives and employees.
She noted that Rolando B. Hortaleza and his wife, co-owners of Splash Corp., are "committed in helping the less-fortunate." Volunteerism for CSR activities is "added in the job description" of their employees, as stated in their corporate values.
Still, the CSR activities of Splash are still related to their core business. The foundation has a social development center in Valenzuela where livelihood training on basic cosmetology is conducted.
To date, the program has graduated 3,500 participants from the neighboring activities, 90% of which she said were doing home service. The others are employed in various salons.
Splash Foundation also provides scholarships to "poor but deserving students" who want to take up pharmacy in the University of the Philippines.
Ms. Ligot said three years ago, all their scholars were cum laude graduates and were pharmacy board examination placers. These scholars, however, are not required to work for Splash but they must work within the country.
Ayala's Mr. Deriquito said their CSR framework is based on the corporate values of the Ayala Group of Companies, particularly in "investing into the future." Thus, the focus of Ayala Foundation is education and youth development.
Ayala Foundation has technology-powered programs geared for public elementary and high schools. The Text2Teach program for elementary schools makes use of satellite technology to deliver visual aids on-demand by science teachers.
A teacher sends an SMS (short messaging service) to the main server housed by Dream Satellite, which, in turn, sends the appropriate visual aids via satellite to a "media master" housed in a school's audiovisual room.
This project, globally known as Bridge I.T., is developed by Nokia, United Nations Development Program, and Pearson, an education company in Baltimore, Maryland, USA. The project is implemented in 81 public elementary schools.
For the Youth Tech program, Ayala Foundation provided computer laboratories with internet access to 181 public high schools nationwide.
BUSINESS SENSE
Fernando T. Aldaba, economics department chairman at the Ateneo de Manila University, said that while in the past, CSR activities are looked as merely cost items, now corporations see it "more as an investment."
"How can people buy your product if they're too poor to buy them? If a CSR activity is related to improving incomes of people, this will improve [a company's] bottom line," he said.
However, Mr. Aldaba said while some companies are really serious and dedicated to practicing CSR, corporations seeing their additional role in society is "not always as clear as that."
Though he said that some companies are really serious about practicing CSR, he fears that when there is an economic crunch, the budget for social development units of corporations may be the first to have a haircut.
For example, he cited in his case study of a large firm, when the 1997 financial crisis hit the country, the said firm cut funding for their social development programs.
Furthermore, there is skepticism that CSR is only a PR (or public relations) tool of a company to improve its image, especially if the said firm has been given bad publicity or if it has been doing bad or illegal practices.
Mr. Aldaba said the positive image will help a company's bottom line, albeit not in the short term.
"I see no reason why it's bad at all. It's part of your branding as well... It's good for them and it's good for me," said Mr. AIM's Mr. Alfonso.
Another criticism on CSR is that companies only use it to get tax shields. However, the corporate foundations interviewed by BusinessWorld said that this is a misconception, since the allowable tax benefit for charity is only 3%.
"I guess the bigger ones are really doing csr programs," said Mr. Aldaba. He noted, however, that small and medium enterprises will find it hard to practice CSR because of smaller profits.
Mr. Aldaba added that while it is good for a company to outwardly practice CSR, charity must begin at home.
"While they do that, they should compensate employees the right way or they should respect their rights. You cannot be socially responsible when you are a union buster," he said.
He said that the CSR movement in the Philippines is relatively ahead compared with regional neighbors, with models such that of PBSP looked upon by corporations in other countries.
However, "there's still a long way to go in terms of NGOs and other civil society groups thinking of business as promoters of social development."
He noted that CSR will really be challenged with the foreseen increased activity in the mining industry, an arena where NGOs -- especially those environmentally oriented -- and business are "poles apart" in perspective.
mga tugon sa enetation [ ] at haloscan []
isyu 62: Huwebes, ika-23 ng Disyembre 2004, 2:30 ng madaling araw
Ukol sa Coporate Social Responsibility
"I don't see anything wrong with that. Ito na nga yata ang usong pumalit sa philanthropy o ang diumanong "corporate dole-outs."
It's good for me and it's good for them.
What's wrong with that?
"
(sabay tawang nakakawindang)
-G. Felipe Alfonso, vice chairman ng Meralco,
nang tanungin kung ano ang masasabi niya
sa punang "PR" lang ng isang kumpanya ang CSR
Kesyo nagbago na raw ang larangan ng korporasyon sa lipunan. Kung dati, ang responsibilidad ng korporasyon ay umani ng kita para payamanin ang mga shareholders nito, ngayon, stakeholders na raw ang iniintindi nito.
Siyempre, nariyan ang pagbabayad ng tamang buwis. Nariyan hindi lang ang pagbibigay-donasyon kundi ang mismong pagbuo ng sari-sarili nilang proyekto na nakatuon sa pag-"uplift" ng buhay ng mahihirap. Edukasyon (mga libreng computer lab, scholarships, etc.), livelihood (vocational training, credit access, etc.), environment (paglilinis ng Manila Bay, pag-segregate ng basura), at iba pang larangan.
Ang akala nga lang ng iba, ang CSR ay parang dole-outs na mas organisado, may staff na tumututok sa isang targetted community. Ngunit hindi rin parang dole-outs dahil pagbibigay-kapabilidad para makapag-"self-support" ang isang komunidad ang best practice ng CSR.
Ngunit muli, hindi lang palabas, external, ang CSR. Kung hindi, katulad lamang ito ng pagpapakitang-gilas, tulad ng dole-outs, para maglinis at magpabango ng pangalan ang isang kumpanya.
Hindi ka puwedeng magyabang na nagsi-CSR ka tapos union buster ka. Anong tawag mo doon?
Abangan ang artikulo ko ukol sa CSR sa Biyernes sa BusinessWorld Weekender.
* * *
Ito naman, kawirduhang ideya tunkol sa CSR at sa hula ni Marx na guguho ang kapitalismo (warning: kagagaling ko lang sa inuman diba?).
(7:00 ng gabi itinuloy)
Muli, hindi naman kusang realisasyon ng mga kumpanya ang pag-aalala nila sa lipunan at ang simulain ng CSR. Hindi nagpakita sa kanila ang Diyos, hindi nila ito naisip mula sa kawalan.
Sa nakikita ko, isang coping mechanism ng mga korporasyon ang CSR sa nagaganap na sigalot sa lipunan laban sa kanila. Matagal nang pinuna ng publiko ang mga maling gawain ng mga korporasyon, lalo na ang pagsasawalang-bahala sa kalikasan at sa karapatang pantao habang tinutupad ang pangunahin nilang responsibilidad, ang payamanin ang kanilang shareholders.
Ani Anita Roddick ng The Body Shop, nagsimula ang CSR noong dekada 60s (hindi pa yata CSR ang tawag nila rito) dahil sa malawakang aktibismo.
Bukod sa mga korporasyong winafung ng mga tibak sa pinakamasakit na bahagi--i.e. ang bottom line sa pamamagitan ng kapangyarihan ng bokyot--may mga maliliit na negosyo tulad ng Body Shop na ginamit ang kanilang mga produkto at tindahan bilang emisaryo ng kanilang mga advocacy.
Ngunit mismong si Roddick pa rin ang may sabing higit na matindi ang impluwensiya ng mga NGO at ng vigilante consumer sa pagtulak sa mga korporasyon na baguhin ang kanilang tradisyunal na praktika.
Hindi sila ang nakaisip na lang basta-basta ng CSR. Ang mamamayan ang nagpataw sa kanila noon.
Tulad ng sinabi ko kanina, isang coping mechanism ng korporasyon ang CSR, isang pamamaraan ng survival.
Saan nagugunaw ang korporasyon dito? Ang kapitalista, na tradisyunal na taga-hakot lang ng kita, ay nayanig. Ang orihinal na larangang ito ng kapitalismo ay nayanig, kaya kinailangan nitong mag-saklay. Ang CSR na nga ang saklay nito.
Sa pambubulabog natin, unti-unti na nilang nakikita na may mga masasamang dulot sa lipunan ang tanging gawain ng pagkalap ng kita. Unti-unti na nilang nakikita na kailangan nilang "maglinis at magligpit" sa loob at labas ng korporasyon pagkatapos kumita.
Balang araw, kailangan nilang makita na ang paghahanap mismo ng kita ang siyang mismong masama sa korporasyon. (This is such a loaded yet seemingly illogical statement. Sa mga kapatid alam ninyo ibig sabihin nito).
mga tugon sa enetation [ ] at haloscan []
isyu 61: Huwebes, ika-23 ng Disyembre 2004, 2:00 ng madaling araw
Kagagaling ko lang
Kagagaling ko lang sa pakikipagtagpo kay PJ at sa pamilya niya sa kanyang pagdating mula sa Bukidnon at sa parti ng editorial ng BusinessWorld.
Hindi ko pa ito nasasabi kay mahal: bukod sa pananabik, kinakabahan ako sa pagdating niya. Natakot akong baka hindi na kami magkakilala pagkatapos ng mahigit-kumulang pitong buwang di pagkikita.
Ngunit napabulaanan ito. Nang magkita kami, oo, nagyakapan kami sa pananabik. Naglibot-libot kami sa Market! Market! sa Fort Global City pagkatapos ng family dinner.
Ang pakiramdam ko, parang walang pitong buwan ang pumagitan sa amin. Oo, nagkuwentuhan kami sa bawat isa ng mga nangyari sa Maynila at sa Bendum. Ngunit pagkatapos noon, naglibot-libot kami, tulad ng dati.
(Uy, yung paglilibot na sinasabi ko, literal yun ah.)
Parang walang pitong buwan ang nakapagitan sa amin. Hindi masama ito. Sabi ko nga, natatakot ako na di na kami magkasama diba? Pareho pa rin ang sukat ng kung saan nakapatong ang mga braso namin kapag magkaakbay kami.
Bukas, magde-deyt kami ni PJ.
* * *
Sa parti naman ng BusinessWorld. Siyempre, nakainom as usual. Walang bidyoke ngayon. Dumating ako alas-diyes na, kakaunti na lang ang mga tao: sina Sef at Job na kinumpirma kung sila nga talaga (hindi), si Albert da bidyoke king, si Paul Gilbert ng BWorld, si Barbs, Ipe at Arbee na mga reporter, si Joice, si Mang Vir na nakarami ng beer, si Mang Roy, si Ms. Acrit, si Boss Arnold at si Hepe. (Me nalimutan ba ako?).
Si Hepe--si G. Romero na Executive Editor ng BWorld--nagkuwento, kinig naman kaming mga reporter. Nagmula sa kung paano sila siga sa GSIS village noong kabataan niya, kung paano sila nakikipagbatuhan sa Metrocom, kung paano siya natutong magluto nang mamatay ang una niyang asawa.
Ito yung pinakinggan talaga namin: kung paano dapat magkaroong ng parang koordinasyon o networking (natawag pa nga yatang "kartel") ang mga reporter ng BWorld ngayon, tulad ng ginawa nila dati noong BusinessDay pa (ang forerunner ng BWorld).
Siya ang chief reporter noon. Ang ginagawa nila, nag-uusap silang mga reporter sa iba't ibang beat after work over beer sa kung ano ang mga nangyayari sa kani-kaniyang beat. Si Hepe, na nadaanan na noon ang karamihan sa mga beat, ang nagiging, uh, hepe: ginagabayan ang mga reporter kung sino dapat ang kontakin, etc.
Ang importante doon, batuhan sila ng istorya. Tapos tinitignan nila kung paano nila mai-dedevelop pa (o masasalsal) ang istorya sa pamamagitan ng karagdagang impormasyon sa iba't iba pang beat.
Kahit na may pooled effort mula sa iba-ibang reporter, usapan nilang nakapangalan sa nagbato ng istorya ang byline. Masaya na sila noon, alam nila kasing nagtulung-tulungan sila doon. Minsan pa nga, sabi ni Hepe, siya sumusulat ng istorya (pag alam niyang palpak magsulat ang reporter na nagbato ng istorya).
Sana mangyari rin ito sa aming mga bagito at bagitang reporter.
mga tugon sa enetation [ ] at haloscan []
isyu 60: Miyerkules, ika-22 ng Disyembre 2004, 2:00 ng madaling araw
Masaya at excited na araw
Masaya ang araw ko ngayon. Nag-interbyu ako ng apat na tao para sa aking artikulo tungkol sa corporate social responsibility. (Yes, Aaron, there is such a thing. It doesn't mean that I buy it completely, though.) Suma tutal, may anim akong sources, yung isa dun international: si Anita Roddick ng The Body Shop. And yes, believe it or not, isang aktibistang bisnes ang kakonyohang bisnes na iyon. Saka ko na lalagumin.
Tapos nasulat ko na since kahapon tatlo sa sandamukal kong istorya (mula sa mga p.r. coverages) na matagal ko nang nai-bangko (nagka-interes na nga yata) dahil sa hebigat ng trabaho (at dahil na rin sa procastination). Salamat talaga at walang coverages ngayong mga huling Linggo ng Disyembre, nakatututok ako sa pagsusulat.
Pagkatapos ng opisina (alas otso na ako umalis dahil nag-jamming pa kami ng bw peeps) diretso ako ng Conspiracy sa Visayas. Meri Krismas writers tuesday daw kasi ang mangyayari. Meri nga ang naganap.
Well, sablay ang pagbabasa ko ng tula. Nakalimutan kong mag-print ng tula, kaya nagbasa ako sa laptop. Tulad ng ginawa ko sa isang poetry reading sa Heights noong nakaraang taon. So sablay iyon. Astig naman performance ng dalawa kong kasamang Kilometer64 na nagbasa: si Bolix at si Rustum. Hetong si Bolix, nagsunog ng bente pesos at gumawa ng bangka at eroplanong papel sa kuwarenta pa. Si Rustum naman nag-ala ventriloquist: may pinaupong manyika sa stage habang nagbasa siya nang nakaupo sa mesa namin.
Astig din ang gabi dahil nakilala ko ang Katribo, isang percussion group na astig. Nag-jamming kami hanggang sa natapos na ang poetry reading, hanggang sa sinita na kami ng waiter at baka batuhin ng pandesal ng mga kapitbahay ang Conspiracy.
And the best part? Naka-jamming ko si Cynthia Alexander!!! Whoow! Piniktyuran nga ako ni Bolix habang nagtatambol para kay Cynthia, pero solo pic lang. So wala akong patunay. Pero sa maniwala kayo o sa hindi, naka-jamming ko siya mehn.
Pag nakuha ko ang mga litrato mula kay Bolix, ilalagay ko dito. Oo nga pala, pinatay na niya ang kanyang blog...
Sisipagin ako sa trabaho nito bukas.
* * *
Bukas na nga rin pala ang paglapag ni PJ sa Maynila. Nanabik ako ng todo.
Natatakot din ako dahil sa bali-balitang may kaguluhang mangyayari ngayong madaling-araw sa prusisyon ni FPJ patungo sa huling hantungan.
(Nga pala, makiki-martsa ang mga ka-km64 ko (sampu marahil ng iba pang bakti) sa prusisyon ni FPJ: isang bagay na di ko pa rin malunon. Sa mga kaibigan kong sasama sa prusisyon, huwag kayong mag-alala't kaibigan ko pa rin kayo at hindi mawawala ang respeto ko sa inyo. Kailangan ko lang ng kaunting paliwanag.
* * *
Sana magising ako nang maaga bukas. Para magawa ko ang trabaho ko at para malaman ko agad kung ano ang nangyari habang natutulog ako.
Makikinig ako sa radyo sa pagtulog ko, kahit na alam kong makasalanan ang talapihitan nito.
mga tugon sa enetation [ ] at haloscan []
isyu 59: Martes, ika-21 ng Disyembre 2004, 2: 30 ng madaling araw
Paano ba isinasalin ang 'procastination?' Ang 'insomnia?'
Paano ba isinasalin sa Filipino ang procastination? Kung lagi ko itong ginagawa, dapat may salin na ako. Sa bagay, di ko pa rin naisasalin hanggang ngayon ang cramming. Pagsasahuli ng gawain? Maaari, masyado nga lang mahaba.
Bakit nga ba? Heto, bumangon na ang erpat at ermat ko para sabihing matulog na ako. Pagod na ako, nagdurugo na marahil ang mga mata ko sa kakapanood ng telebisyon (na ngayon ko lang muling natutunang gawin) pero heto pa rin. At least, ito medyo productive.
Balik tayo sa tanong. Bakit nga ba?
* * *
Minsan, may ginawa akong coverage isang sabado pagkatapos mawalan ng pasok dahil sa bagyo. At nakalimutan kong mag-file ng overtime. Nawalan man ako ng pera (tutal, di ko pa naman isinusulat), higit na mahalaga ang naganap sa coverage na iyon.
Isa itong workshop para sa mga student leaders na hinuhubog ng Institute for Solidarity in Asia upang magsanay din ng iba pang student leaders sa mga probinsya. Ang tagapagsanay? Si Joey Ayala, kasama ang anak niyang si Jaku at ang kaklase niyang si Pauline Bautista, na bumubuo sa Bagong Lumad Productions, Inc.
Si Joey Ayala, values trainer?
Maraming nangyari sa araw na iyon, na hindi ko balak ikuwento dahil hahaba lang ang usapan. Ang mahalaga, may isang ehersisyo na ipinasulat sa isang papel ang mga nais kong matupad at magampanan.
Marami-rami iyon. At tulad nga ng sabi ni sir Joey, kapag sinulat ko iyon sa kumbensyonal na talataang pamamaraan, hindi na ako natapos. At malamang, hindi rin ako nakasimula.
Yung technique na ginamit ay yung tinawag nila (yata) na thought web: parang sapot ng pinagdugtung-dugtong na salita. Magsisimula sa gitna, tapos bubuo ng linya na tutungo sa mga salita.
Sa isang ehersisyo sa kung "ano ang gusto ko," heto ang mga lumabas (siyempre, mahirap gawin dito yung thought web, so kunwari clockwise na lang):
(top hemisphere: political)
-for corporations to at least practice corporate social responsibility -> fall of globalization;
-less dependence in crude oil and utilizatin of alternative energy such as solar and hydroelectric;
-military to clean itself -> justice for human rights victims -> the right to realize itself as STUPID;
-federalist/parliamentary government -> achieve a socialist/communist society -> unity of the Philippine left;
-ammend PD1177 -> free Philippines from debt -> more budget for education and health;
-WORLD PEACE! -> Iraq war to end -> war on terror to end -> downfall of imperialist US;
-egalitarian society;
(bottom hemisphere: personal)
-masters in eceonomics or political economy -> phd in Philippine Studies;
-to publish at least a poetry book -> a degree from Jack Kerouac School of Disembodied Poetics;
-to be regularized (achieved) -> salary raise -> a better job -> own business? -> ibon foundation/bulatlat/PCIJ? -> my own paper?;
-bagong jazz guitar -> form a jazz/fusion band patterned after Jethro Tull;
-matapos ang recording ng Aware;
-marry PJ in 5 years.
Tulad ng sinabi ko kay sir Joey, "I may have been too honest." Madalang mangyari iyon.
Pero seryoso, isang suntok sa mukha ang ehersisyong iyon, na siya marahil nagpapabagabag sa akin: marami akong gustong gawin, ngunit hindi ko alam kung saan ako magsisimula, kaya wala rin akong nagagawa.
Ito rin marahil ang dahilan ng kasalukuyan kong procastination at kasabay na insomnia. Sana may mabait na nilalang na tulungan akong lutasin ang problemang ito. Pasko pa naman, masamang panahon para lumungkot.
mga tugon sa enetation [ ] at haloscan []
isyu 58: Linggo, ika-19 ng Disyembre 2004, 10:45 ng gabi
[tula] Katawan ng babae
Heto, procastinating na naman. Nagsalin ng isang "prolet na malibog" na tula ni Pablo Neruda. Mula sa kanyang Veinte poemas de amor y una cancion desperada.
Katawan ng babae
Katawan ng babae, mapuputing burol, mapuputing binti,
katulad ka ng mundong nakahilata sa pagsuko.
Hinuhukay ka ng magaspang kong katawang pang-araro
at pinalulukso ang anak mula sa puson ng lupa.
Mag-isa ako tulad ng kuweba. Nilisan ako ng mga ibon,
at nilamon ng gabi ng madagundong nitong pagsakop.
Para iligtas ang sarili, pinanday kitang isang sandata,
pana sa aking sumpit, bato sa aking tirador.
Ngunit sumasapit ang panahon ng paghihiganti habang iniibig kita.
Katawan ng balat, ng lumot, ng gatas na maliski at malapot.
Ang mga baso ng dibdib! Ang mga mata ng kawalan!
Ang mga rosas sa [kepay]! Ang boses mong malumanay at malungkot!
Katawan ng aking babae, magpupumilit ako sa iyong grasya.
Aking uhaw, walang-maliw na pagnanasa, di mapalagay na kalsada!
Maitim na pampang kung saan dumadaloy ang pangmatagalang uhaw,
at sumusunod ang kapagalan at ang panghabambuhay na kirot.
mga tugon sa enetation [ ] at haloscan []
isyu 57: Linggo, ika-19 ng Disyembre 2004, 2:30 ng hapon
Heto, procastinating na naman
Lagi na lang ganito: tuwing Linggo at uupo ako sa harap ng kompyuter para
magsulat ng mga istorya para sa BusinessWorld Weekender, lagi na lang akong natutunganga.
Pagkatapos ng ilang minuto, kakabit sa internet at magliliwaliw (virtually). Tapos maiinis ako
kapag inabutan ako ng alas-dies y media kung kailan magtatawag na ang nanay ko para magsimba.
Hay, tatlong linggo na rin akong di nagsisimba, makapagsimba na nga kahit may mga isyu ako sa
pagsisimba.
Oo, alam ko. Sasabihin ng mga kaibigan kong banal na katamaran lang naman ang "isyu" na sinasabi
ko. Tapos sasabihin ng mga on da lep sayd of things, "ha? Nagsisimba ka?" Oo, may mga isyu ako sa
pagsisimba at pananampalataya. Pero baka sakali. At tutal, magpapasko na rin naman.
Banal na aso!
Santong kabayo!
Natatawa ako
(hi hi hi hi)
-Yano
* * *
Ayokong mapadpad sa opisina ngayon. Oo, naiwan ko roon ang bag at gitara ko noong Biyernes (hindi
ko na nagawang balikan pagkatapos uminom at bumidyoke kasama ng mga BW pipol sa Sing). Ganito
lagi ang nararamdaman ko tuwing Linggo: ayokong sumipot sa opisina.
Una, hindi naman pumapasok ang ibang reporter pag Linggo ah! Ni hindi na nga sila masyado
sumisipot sa opisina puwera na lang kung ebalwasyon nila o tuwing Pasko (dahil grounded ang mga
reporter namin sa opisina tuwing Pasko for ethical reasons).
Ikalawa, hindi na applicable sa akin ang ganitong hirit: Linggo lang ang pahinga ko.
Seryoso. Mula kabataan, nasanay na talaga akong Linggo nagpapahinga, nagpapakatamad. Kasi
Sunday diba, mainit. Ewan ko kung may kinalaman talaga ang "sun" sa Sunday
at ang perpetwal ko nang impresyong mainit tuwing Linggo. Pero ayun, hindi talaga mainam para sa
akin ang magtrabaho tuwing linggo dahil naiinitan lang ako.
Ikatlo, may iniiwasan. Sikret kung sino. (Actually, hindi ko rin siya maiiwasan ngayong Disyembre
dahil nga grounded ang mga reporter sa opisina).
Ayun. So segue na sa susunod kong kuwento...
* * *
Matagal ko na itong kinikimkim sa weblog na ito, dahil natatakot akong makita niya. Mga malalapit
ko lang na kaibigan ang nakakaalam nito. Lalo na si PJ, dahil KAILANGAN niya itong
malaman.
At oo, malamang alam din niya. Mabuti nang mabasa niya ito.
Actually, iyon na nga ang kinatatakutan ko eh. Baka naghahaka-haka lang ako, baka mali ang
interpretasyon ko sa mga bagay-bagay, baka binibigyan kong kulay ang mga bagay na friendly
lang. Nagsimula ang kuwentong ito sa isang maulang gabi sa hilagang bahagi ng Luzon...
Ngayon, higit na magulo ang eksena dahil nasa Bukidnon nga si PJ, kung kailan nataong pareho kami
ng opisina (that's a pretty dead clue).
Oo, yung nag-iisang tulang Ingles sa bersyong ito ng Langaw sa isang basong gatas ay para
sa kanya. To put it more accurately, parinig, pahiwatig, patama. Marami nang naganap at
nawiwindang ako. As usual. Aaminin ko, nagagandahan ako sa kanya at humahanga sa pagiging
malikhain at matalino niya. Oo, nalingat ako ng tingin nang isang beses. Pero hanggang doon na
lamang.
At ikaw naman, ano ba talaga? Nagpapahiwatig ka ba o sadya ka lamang ba talagang ganyan? Ano man
ang sagot mo rito--maaari mong iparating sa akin--sasabihin ko pa ring nadidistorbo ako.
Nadidistorbo kami. Mula pa noong maulang gabing iyon sa hilagang bahagi ng Luzon.
I wanted to marry you, I wanted
Your wife to suffer.
-Siren, Louise Gluck
* * *
Oo nga pala, ang mabuting balita: UUWI SI PJ PARA MAGPASKO.
WEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!!!!!!!! :)
I could hardly wait to hold you,
feel my arms around you
how long i have waited
waited just to love you
now that I have found you
don't ever go
-Look of Love
* * *
Ngayon, sana makapagsulat ulit ako tungkol sa pulitika. O ng tula. O ng tulang may pulitika.
mga tugon sa enetation [ ] at haloscan []
isyu 56: Linggo, ika-19 ng Disyembre 2004, 9:50 ng umaga
Sa ulo ng mga balita...
PJ, magpapasko sa Maynila
Darating sa Maynila si PJ sa Miyerkules, ika-22 ng Disyembre, galing Bukidnon. Magpapasko siya sa Maynila. Nang marinig ito, naglulundag sa tuwa si Kapi, ang nobyo niyang matagal nang nananabik sa kanya. Maging si PJ ay sabik na ring makita ang kanyang mga magulang, kaibigan, at si Kapi.
Tanganglawin, bastos daw at walang kuwenta
Naglabas ng statement ang administrasyon ng Ateneo de Manila noong nakaraang linggo upang ipaalam sa mga estudyante na nabastusan sila sa kasalukuyang isyu ng Tanganglawin, ang pahayagang lampoon ng Matanglawin. Gayumpaman, binanggit ng administrasyon sa isang panayam sa TheGUIDON na personal at hindi opisyal ang pagpapahayag na ito. Samantala, may mga ulat na pinakumpiska ng administrasyon sa maintenance ang mga Tanganglawin na nakalagay sa distribuiton stands. Nakaranas tuloy ng pagdagsa ng mga estudyanteng na-intriga ang silid-publikasyon.
Kapi, regular na sa BusinessWorld
Ipinagkaloob kamakailanlamang ng patnugutan ng BusinessWorld ang regularisasyon sa dalawang probationary reporter, isa na roon si Kapi. Tuwang-tuwa si Kapi dahil sa above average across-the-board ang kanyang rating. Ani Kapi, nabigyan siya ng bagong lakas para magpatuloy sa pamamahayag. Kamakailan lamang, nawalan diumano siya ng ng rubdob sa pamamahayag at nais na lamang niya diumanong gumawa ng Chrismas decor o magtimpla ng kape o magturo. Nawalan diumano siya ng rubdob dahil sa pagod sa trabaho at sa mga narinig niyang maaaring masamang mangyari sa beat. Si Sef Cagoco ang isa pang nagawaran. Tataas ang kanilang sahod sa susunod na buwan.
Sa mga karagdagang ulat--lalo na sa mga kaibigang di na nase-sense kamakailan lamang si Kapi--maaari ninyong siyang i-email. Baw.
mga tugon sa enetation [ ] at haloscan []
isyu 55: Lunes, ika-13 ng Disyember 2004, 11:45 p.m.
[tula] Dalawang tula sa aming anibersaryo
Walong araw na pagkatapos ng ikalawang anibersaryo namin ni PJ. At di kami magkasama. Bukod pa roon, naubusan yata ako ng mga surpresa, wala akong matinding gimik. Sana sa pag-uwi niya sa ika-22 ng Disyembre para sa Pasko may maisip na akong gimik.
Heto nga pala ang dalawang tula na naisulat ko sa panahon ng aming ikalawang anibersaryo. Yung una sa Ingles. Yung ikalawa, salin bilang tula sa Filipino ng bahagi ng kanyang maikling kuwento sa Ingles.
Scene at a taverna
A reply to you who threw at me these two lines from Louise Gluck's Siren:
I became a criminal when I fell in love.
Before that I was a waitress.
You wanted to try being a waitress
in one of those hole-in-the-wall
restaurants in Europe.
How would the scene look like?
You would be carrying eight drinks
(just like the good waitress that you are)
zigzagging past the tables from the bar
to a group of German drunkards
who want their beer lukewarm
or perhaps Italian wine connoisseurs
who know how dry or gummy
tastes like. It doesn't matter.
What matters is that I will be
at the other corner of the room
sitting with my love, letting her
take the chocolate off my truffle cake.
You want some of my chocolate as well
but unfortunately, you're allergic to it.
Cut.
Apologies for being mean. I mean, sorry
for making fun of what you can't enjoy
since it can kill you from too much itching.
You, after all, offered to bake me some
chocolate chip cookies for Christmas.
You claimed to bake yummy cookies,
raisin oatmeal cookies, among other
pastries except for those chocolate.
(You can be a baker, so why don't you
insist trying out to be a waitress?)
You'll just have to forgo
tasting the batter yourself
and instead follow
some recipe you caught
on the Lifestyle Network.
But I bake cookies too. I mean,
me and my love bake them together.
We even came up with our own variation:
white chocolate chip and mango cookies
(which I think you would love).
Thanks anyway for your cookies and your courage.
(But I hope you will not be taking our order
when my love and I decide to dine in a taverna
if ever we go on a European honeymoon.)
November 30, 2004, five days before our second anniversary
(Just tell me if I'm misreading you if I'm just a jerk or what. On the other hand, I have to tell you that I'm paranoid. But that poem really freaked me out.)
* * *
Nitong umaga
salin bilang tula sa Filipino ng maikling kuwento sa Ingles ni PJ Mariano
Nang gumising ako nitong umaga,
naratnan ko sa mesa
ang pugpog ng pan de sal
na kinain natin kagabi;
ang mga di pa nahuhugasang
pinggan at baso sa lababo.
Isinilid ko sa ref
ang natirang sardinas.
Naalimpungatan ako nang umalis ka kagabi.
Naalala ko kung paano mo hinalikan
ang buhok ko bilang pamamaalam,
kung paano ko sinabing "ingat ka pauwi"
nang may pag-aalinlangan.
May nagsabi sa aking
walang nakahihigit sa karanasang
makatulog sa tabi ng bawat isa.
Ngunit mayroon, gusto kong sabihin.
Walang katulad ang karanasang
mahimbing sa iyong yakap
at malaman kung gaano kahirap
para sa iyo ang lumisan.
Hinihintay kang umuwi ng iyong mga magulang.
Darating naman ang mga magulang ko kinabukasan,
at mahirap nang matagpuan nila tayong natutulog
sa iisang kama, habang naliligaw
ang iyong mga daliri malapit sa aking dibdib.
Kaya marahan mong inalis
ang pagkakabalot ng iyong
mga braso sa aking baywang
at hinawi ang buhok ko
mula sa aking mukha.
Kailangan ko nang hugasan ang mga pinggan,
at pagkatapos noon, maligo. Pagkatapos,
mawawala na ang bakas mo rito.
(Bukod sa iyong hiningang
hinarana ako sa pagtulog
at ang init ng iyong mga braso
na magpapaalala sa akin ng kagabi.)
ikalima ng Disyembre 2004, ikalawang anibersaryo
mga tugon sa enetation [ ] at haloscan []
isyu 54: Lunes, ika-13 ng Disyember 2004, 11:30 pm
Paghihintay sa trickle down
Sana nagustuhan ninyo ang bagong disenyo ng blog ko. Naastigan lang ako nang makita ko ang dibuhong iyan ni Vicente Manansala. Parang patay ang pagka-asul.
Lalo na sa panahon ng krisis, kay rami sa ating mga kababayan ang naghihintay ng biyaya, ng hulog ng langit, ng trickle-down effect. Sa kasawiang-palad, mismong ang paghihintay na ito ay produkto ng pang-aalipin sa kanila.
Higit nawang dumami ang mga taong hindi na makapaghintay sa trickle-down. Nararapat nang yugyugin at ugain ang langit. Tapos na ang panahon ng pagtitihaya ng palad.
LANGAW SA ISANG BASONG GATAS
[IKAPITONG BERSIYON]
Hinalaw sa maikling kuwentong 'Langaw sa
Isang Basong Gatas' ni Amado V. Hernandez ang pamagat nitong blog.
Larawan: Beggars at
Malacañang, Vicente Manansala, 1971.
Kontakin sa:
KAPI. a.k.a. Francis Yerro Capistrano, lalaki, 22 taong-gulang, taga-lungsod-Quezon, mamamahayag para sa
BusinessWorld. Nagtapos ng AB Communication (Journalism track) sa Pamantasang Ateneo de
Manila noong Marso ng 2004. Naging Punong Patnugot ng Matanglawin, ang opisyal na pahayagang
Filipino ng pamantasang nabanggit. Pinagpapatuloy hanggang ngayon ang recording
ng di matapos-tapos na unang demo ng Aware, na binabalak nilang palitan ng
pangalan. Nagtanghal para sa Sinagbayan. Patay-sinding kasapi ng Kilometer64,
pangkat ng mga makata di basta-basta.
kapi@matanglawin.org
kapicapistrano@gmail.org
Mga nakaraang isyu:
[isyu 1-6 (dis02-ene03)]
[isyu 7-10 (peb-mar03)]
[isyu 11-14 (mar03)]
[isyu 15-17 (may-hul03)]
[isyu 18-22(set-dis03)]
[isyu
21-48 (hun-okt04)]
[isyu 49-53 (okt04)]
[isyu 54-75 (dis04-en05)]
Nagpapairal sa blog na ito
:Mahaba-habang reading list:
businessworld
matanglawin.org
bulatlat.com
ibon online
pcij
cmfr
newsbreak
p
Sapagkat pulitikal ang personal:
pj: mahal na mahalsali na kayo sa
BAWAL ISILANG
DITO,
isang onlayn na komunidad ng
mga manunulat, dibuhista, musikero, kusinero, at iba pang alagad at
taga-tangkilik ng sining na mahilig magpautot.
Karapatang-ari (c) 2005 ni Francis Yerro Capistrano (a.k.a. Kapi)
Maaaring sipiin, i-link at/o ipamahagi ang mga likhang nasusulat at biswal na nakalimbag sa blog na ito, liban na lamang sa mga artikulo at litrato ng may-akda na inilimbag sa BusinessWorld. Mangyari lamang na maglakip ng karampatan at wastong atribusyon sa may-akda ang bawat sipi o kopya.
Kalayaan sa pamamahayag!
| serbisyo ng tagboard.com |