langaw sa isang basong gatas. halaw sa isang kuwento ni ka amado v. hernandez ang pamagat: tungkol sa isang may-ari ng sakahan, babuyan, at manggahan. isang araw, dumating ang mga construction equipment at manggagawa, at nagtayo ng isang subdibisyon sa tabi ng sakahan niya--ang royal lanes (private), isa diumanong mini united nations dahil mga ex-pat na mayayaman ang titira dito. pinakain niya at ng kanyang maybahay ang mga manggagawa. noong tapos na ang subdibisyon, nakiusap siya sa tagapamahala nito na makikabit siya ng tubig at kuryente para sa kanyang sakahan. bukod sa hindi siya pinayagan, hinanapan pa siya ng titulo ng lupa. sabi niya, ilang ninuno na niya ang nagbungkal ng lupa, namuhay at namatay sa lupang kinatatayuan ng sakahan niya. bukod doon, sinabi niyang kumakain naman ng mangga, ng baboy, etc, ang mga naninirahan sa subdibisyon. sabi ng tagapamahala, nababahuan lamang sa sangsang ng kanyang sakahan ang mga naninirahan doon. at dahil wala rin lamang siyang titulo, papaalisin siya doon, at gagawing basketball court ang kanyang sakahan. sinabihan pa siya ng tagapamahala na "para kang langaw sa isang basong gatas."

kung tutuusin, alin ang langaw: ang masaganang sakahan o ang united nations village?

blog ni kapi capistrano. sino nga ba si kapi capistrano? maraming bagay... saan ba pupuwedeng magsimula?  sa kanyang pangarap na maging mamamahayag? o di kaya sa angking talento sa pagtugtog ng gitara--yung kanyang 'first love'? o  baka puwede sa mga "kapi-isms" kung saan siya'y kilala na? ay! hindi ko talaga alam.  sa yaman ng diwa at hangarin ni kapi (20 anyos, magaaral sa kursong komunikasyon sa pamantasang ateneo de manila), hindi mo siya kailanman makikilala nang lubos.  kung ako man, girlfriend niya, ang dami ko pang kailangang matutunan tungkol sa kanya.  masmainam nga yatang basahin na lamang ang kanyang sinulat, at maiiintindihan ninyo ang sinasabi ko.  --pj mariano

TAMA!--kapi

mga inirerekomendang website:
[matanglawin.com][bulatlat.com][ibon facts and figures][inq7.net][philippine center for investigative journalism][center for media freedom and responsibility][newsbreak][philippine journalism review][konrad adenauer center for journalism ateneo] [free speech television][guardian unlimited][moveon.org][the onion]

kapaki-pakinabang din:
[pitas.com][enetation][haloscan][tag-board]

mga kaibigan:
[mahal!(pj)][pao][jonar][nikko][pael][keisie][jeline][elbert][gio][charles][ate maan][chris][margie][ernan][joey][ramuel 1][ramuel 2]

 

mga nakaraang isyu: [archive]

kalayaan sa pamamahayag!
Serbisyo ng TagBoard Message Board

pangalan

weblog o email

mensahe(
mga ngiti)

pumapatak ang metro...

disenyo ng webpage ni pj mariano.

str.

Ginintuang Aral

isyu bilang 14

Nakapinta sa gilid ng isang 10-wheeler na trak ang sumusunod na mga kataga:

KAHIT ANO'NG GANDA MO, PAHINANTE LANG ANG KATAPAT MO.

Bago kong motto sa buhay!

muling dumapo ang langaw sa baso ng gatas noong miyerkules, ika-16 ng Marso, 2003, bandang 8:10 n.g..

mga komento sa enetation [ ] at sa haloscan []

___________________________________________________________________________________________________________________________________

Diyos na umiiral o Diyos na konsepto?

isyu bilang 13

Oo, alam kong inaasahan na ninyo ang aking paumanhin sapagkat, gaya ng dati, hindi na naman ako nakapag-post ng panibagong kolum. Ngunit hindi tulad ng dati ang dahilan ngayon. Kamakailan lamang (ika-5 ng Abril) namatay ang aking lola sa panig ng aking ina. Naantala nang ilang araw maging ang investigative report ko para sa UP, at palagay ko nga sablay ang kaledad ng gawa ko, pero kebs. Mas mahalaga ang lola ko sa investigative report na iyan.

Ang pagkamatay na rin siguro ng lola ko ang dahilan kung bakit hindi ko namalayang tapos na pala ang digmaan sa Iraq, kahit ayaw pang i-deklara ni Bush na tapos na ito. Ito lang ang alam kong balita sa ngayon, bukod sa tinawagan ni Bush si GMA upang magpasalamat sa kanyang pagiging tuta.

Kailangan kong maghabol sa balita, bago pa tuluyang mamatay (o kitilin) ang mga karapatan ko dito. Alam ninyo na kung ano ang ibig kong sabihin.

* * *

Gusto ko nga palang i-promote ang Popular Bookstore sa... basta malapit sa rotonda sa Scout Area. Astig ang mga libro doon! Sa mga tulad kong kulay sore eyes ang paniniwala, naroon ang lahat ng hinahanap ninyo. Maglibot lang nang kaunti, may mahahanap kang makahulugan, lalo na ang sa lipunan. Lalo na ang nasa politics and economics section. Actually, nasa harap mo na agad pagkapasok na pagkapasok pa lang sa pinto. Mahal nga lang ang mga librong imported, pero mura ang ilan, lalo na ang ilang librong may 'pagkiling.'

* * *

Semana Santa na nga pala ngayon. At, hindi ko alam kung papaano, pero tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa banal ang pinagmunihan ko kamakailan lamang (Sa mga nakakikilala talaga sa akin, hahayaan ko kayong ngumiti hanggang mapunit ang labi ninyo at umabot sa magkabilang tainga. Sa mga nagtataka, agnostic po ako.). Magpapaumanhin muna ako, dahil tila isang tanong na itlog-at-manok ang pinagmunihan ko: Ang Diyos nga ba ang lumikha ng tao, o tao ang lumikha ng Diyos?

Karamihan naman po siguro ng lahat ng tao (sapagkat nakararami sa sangkatauhan ay nabinyagan sa isang relihiyon, kung ano pa man iyon, kahit Satanismo man) ay naniniwalang nilikha ang tao o sangkatauhan ng isa o mga makapangyarihang nilalang, direkta man o sa pamamagitan ng isang eksistensyal-mistikal na pangyayari, o sabihin na nating milagro.

Sa kabilang panig naman, sinasabi ng mga eksperto sa agham-panlipunan, antropolohiya, mga pilosopo, atbp, na ang tao ang lumikha ng konsepto ng Diyos, at ang pagkakaiba-iba ng mga diyos ng iba't ibang lipunan ay dulot ng kanilang iba't ibang pangangailangan: iba ang diyos ng mga nangangasong lipunan sa diyos ng mga agrikultural na lipunan. Nagdarasal ang tao sa mga diyos upang maging masagana ang ani, ang huli, at ang galit ng diyos ay naipapakita sa mga bagyo at masidhing tagtuyot: mga ibig sabihin o katuturang ang malikhaing isip ng tao rin ang may likha. At sapagkat higit na napupunan na ng tao ang mga pagkukulang nito sa pamamagitan ng agham at teknolohiya, ergo ng kanyang pag-iisip, unti-unting nawawala na ang pangangailangan ng tao sa Diyos.

Totoo man ang Diyos o hindi, ka-lunos-lunos ang unti-unting pagkawala ng tao ng pananalig sa Diyos. Sa unang sitwasyon, sino ba namang Diyos ang hindi malulungkot dahil tinalikdan siya ng sarili niyang mga likha, mga obra maestra? At sa ikalawang sitwasyon, imbes na higit na manalig ang tao sa konsepto ng Diyos, sa mga ideyal na itinakda ng tao mismo, higit ngayon siyang nananalig sa makinarya, sa kung ano ang kongkreto at madaling maintindihan, sa kung ano ang praktikal. Dahil dito, maaaring umabot nga ang tao sa punto na hindi na niya kailangang mag-isip: ang makinaryang likha niya ang siyang mag-iisip para sa kanya.

Totoo man ang Diyos na isang ubod-nang-kapangyarihang pag-iral o isa lamang itong konsepto ng ideyal ng tao, paninindigan kong sa tao pa rin umuuwi ang tungkuling kumilos. Oo, sabihin na nating may mga taong nakakikita ng mga aparisyon at pinaglalantaran ng mga rebelasyon, kadalasang naglalantad ang Diyos sa tao sa pamamagitan na rin ng ibang tao.

Ang Diyos (mula sa puntong ito, ang Diyos na tutukuyin ko ay ang Tatluhang Diyos ng mga Katoliko) mismo ay naglantad sa lupa bilang sumasakatawang si Hesukristo. At ano ang ginawa niya? Pumili ng mga mangingisda bilang mga tagasunod, nagpagaling ng mga maysakit, nakipag-kuwentuhan sa isang nangongolekta ng buwis, nakipagkaibigan sa isang puta, at sa huli, nagsama ng isang magnanakaw sa langit: lahat mga marhinalisado sa lipunan. Siya mismo ay isang hamak na anak ng karpintero. At kasabay nito ang pagkondena sa mga ipokritong makapangyarihang nagbabalatkayong banal, na ginagamit ang Diyos para sa kanilang mga pansariling kapakanan.

Sa kasalukuyan, patuloy na naglalantad ang Diyos sa mukha ng tao: sa mukha ng taong humihingi ng pangkalinga. At sa mukha rin ng taong kumakalinga sa inaapi sa lipunan. Nariyan pa rin ang mga ipokritong ginagamit ang Diyos o ang paniniwala para sa kanilang mga pansariling interes, tulad marahil ng may-ari ng mall na mga Iglesia ni Kristo ang tanging tinatanggap sa trabaho sapagkat bawal sa relihiyon ng nahuli ang sumali sa unyon, tulad ng Pangulong sinabi sa kanyang press release na nagdarasal siya sa Diyos araw-araw upang malinawagan diumano ang kanyang mga kritikong tumututol sa digmaan sa Iraq, tulad ng tanging ubod-nang-kapangyarihang bansa sa mundo na nagsasabing nagpapalaganap ng kapayapaan sa pamamagitan ng digmaan.

Likha man tayo ng Diyos o vice versa, ang higit na mahalaga ay ang pagsunod sa ganitong ideyal ng pagkalinga sa kapwa, hindi sa pamamagitan ng pilantropiya kundi sa isang higit na makatarungang lipunan. May langit man o wala, ang Diyos mismo ang nagpakita sa pamamagitan ng kanyang mga ikinilos na gawin ang langit dito sa lupa. At oo, marami nga sa kasalukuyan ang tinatalikdan ang Diyos sa kanilang pagiging makasarili.

* * *

muling dumapo ang langaw sa baso ng gatas noong Lunes, ika-14 ng Abril, 2003, bandang 11:30 n.g..

mga komento sa enetation [ ] at sa haloscan []

___________________________________________________________________________________________________________________________________

Hay (o kung paano bigkasin ang 'hi')

isyu bilang 12

kamusta na? matagal-tagal (gaya ng dati) na rin akong hindi nakakasulat ng kolum at analisis, kahit tsap suy man lang. gaya ng dati, maraming ginagawa. buti na lang at nakaraos na ako sa mga requirement ko sa ateneo. kailangan ko na lang tapusin ang sa up (kasi nag-cross register ako): dalawang papel, isang paghahambing ng mga editoryal ng dalawang pahayagan (pinili kong paghambingin ang sa TODAY at MANILA TIMES) at isang investigative report na hindi ko alam kung makakatisod nga kami ng partner ko ng istorya, at; pagsusulit sa interpretative writing.

hayaan ninyo, pag nakaraos na ako, dadapo ulit ang langaw, mambubulahaw muli.

siya nga pala, tuwang-tuwa ako at natanggap akong mag-practicum sa NEWSBREAK, isang magasin, at gustung-gusto ko talagang magtrabaho dito dahil investigative na, interpretative pa! asteeg! bukod doon, ako ang bagong punong patnugot ng MATANGLAWIN WHOOOWH! saya ko 'no? (kung tutuusin, ibig sabihin noon, 18 units overload harharhar.)

muling dumapo ang langaw sa baso ng gatas noong ika-30 ng Marso, 2003, bandang 12:15 n.t..

mga komento sa enetation [ ] at sa haloscan []

___________________________________________________________________________________________________________________________________

bagong hitsura

isyu bilang 11

o, ano tingin ninyo sa bagong disenyo ng blog ni mahal? sana ok. :) --pj

muling dumapo ang langaw sa baso ng gatas noong biyernes, ika-28 ng marso, 2003, bandang 6:31 n.h..

mga komento sa enetation [ ] at sa haloscan []

___________________________________________________________________________________________________________________________________

str.