LANGAW SA ISANG BASONG GATAS IKA-ANIM NA BERSIYON

halaw sa maikling kuwentong 'langaw sa isang basong gatas' ni ka amado v. hernandez ang pamagat nitong pahinang saputan.

KAPI. a.k.a. francis yerro capistrano, lalaki, 21 taong-gulang, taga-lungsod quezon, baguhang mamamahayag para sa businessworld. nagtapos ng ab communication (journalism track) sa pamantasang ateneo de manila noong marso ng 2004. naging punong patnugot ng matanglawin, ang opisyal na pahayagang filipino ng pamantasang nabanggit, at hanggang ngayon ay hindi siya maka-'let go' sa pahayagang nagsilbing pamilya niya sa pamantasan ng kaburgisan. nagre-recording ngayon kasama ng bandang aware. nawiwili rin ngayon sa pakiki-jamming sa sinagbayan (sining na naglilingkod sa bayan).

larawan: eksena pagkatapos ng mendiola massacre, ika-22 ng enero 1987.

[tula] Utopia

isyu bilang 53

Utopia

Ayon kay Alvin Toefler, papasok ang mundo
sa bagong panahon ng produksyon: ang lipunan
ng impormasyon, ang ekonomiya ng kaalaman,
kung saan ang ideya ang kalakal, ang talino
ang yaman, at ang kompyuter ang iyong tindahan.

At ngayon na nga ang kinabukasan! Linggo-linggo,
may panibagong gadyet na inilalabas sa merkado,
higit ang kakayahan sa pag-proseso ng kaalaman:
sumasaibayo ang tulin ng pakikipagtalastasan,
liblib na baryo man ay abot ng kanilang signal.

Ito ang time-space warp na hatid nitong rebolusyon:
mga hanggana'y gugunawin at ang oras ay pahihintuin
at ang mundo ay gagawing isang bayan na lamang, oo,
ang mundo raw ay iisang bayang pinagkabit-kabit
ng serye ng mga 1 at 0 na dumadaloy sa mga kawad
at mga microwave sa himpapawid. Tapos na ang panahon
ng telebisyon at telepono. Tanghalin ang panahon
ng kompyuter at radio frequency identification.

Sa pamamagitan ng mga ito, alam na ng mga kumpanya
ang lahat ng ating gusto. Gusto mo cellphone
na may kasamang personal digital assistant? Ng ref
na may built-in na telebisyon? Ng washing machine
na may kalakip na videoke? Ng kamang marunong
mag-masahe? Gusto mo ng kotse na may theater system
para makapanood ng sine habang naiipit sa trapik?

Ang lahat ng iyan at marami pang iba
ay kanilang nilikha upang lumigaya ka!
Magkaisa nang sa gayon ay masaklaw
ng kanilang utopia ang sangkangkatauhan!

Magkaisa nang masaklaw nitong utopia!
Magpasanib na sa nilikha nilang utopia!
Magkaisa nang masaklaw nitong utopia!
Magpasanib na sa nilikha nilang utopia!

Gusto mo ng printer na marunong kumanta? Gusto mo
ng love doll na marunong mamalantsa? Gusto mo
ng microwave oven na marunong mag-alaga ng bata?
Ng kalan na marunong magtimpla ng kape? Ng takure
na may built-in na alarm clock? Ng turbo broiler
na marunong magbalot ng regalo? Ng inidoro
na pagsisindihan ka ng sigarilyo? Gusto mo ng
lababo na naglilinis sa sarili nito? Ng gripo
na nagtatakal ng bigas sa kaldero? Gusto mo ng
sandok at siyanse at kutsilyo at pang-gantsilyo
all-in-one parang swiss knife at may bonus na
kubyertos at karayom at may self-locator pa?

Tanghalin at tangkilikin ang parating na utopia!
Bumili ng mga gadyet, maghanda sa utopia!
Tanghalin at tangkilikin ang parating na utopia!
Bumili ng mga gadyet, maghanda sa utopia!

Alam nila ang lahat ng iyong gusto
dahil alam nila na kapos ang oras mo
sa trabaho, nakatutok sa kompyuter,
gahol sa pagsusulat ng mga sales report;
o dili naman kaya'y may inaalagaang
makinang nakapila sa converyor belt
at nag-a-asembol ng mga silicon chip;
o maghapong nakaupo sa harap ng kahera,
taga-saksak ng loyalty card sa point-
of-sale machine. Kahit na walong oras
ka lang na nagtatrabaho, sinasaid nila
ang nakaimbak mong 86,400 segundo
kada araw, sinasaid ang oras mong
pagsilbihan ang iyong sarili
at ang mga mahal mo sa buhay.

Kapos ang oras sa pagsisilbi sa kanila
at sa kanilang tinatanghal na uto-utopia!
Kapos ang oras sa pagsisilbi sa kanila
at sa kanilang tinatanghal na uto-utopia!

Wala nang panahon, wala nang panahon,
wala nang panahon upang makibaka!
Ang oras ay ginto at alam nila iyon,
wala nang panahon sa uto-utopia!

Ito ang kanilang uto-utopia!
ginogoyo tayo sa uto-utopia!
Ito ang kanilang uto-utopia!
ginogoyo tayo sa uto-utopia!

Akala mo paabante ang takbo ng sibilisasyon ano?
Kung tutuusin, paatras tayo pabalik sa piyudalismo.
Oo, pabalik tayo sa piyudalismo at ang lipunan nitong
patriyarkal. Sa kanilang uto-utopia, lahat tayo
ay mag-uusap sa pamamagitan ng mga bayag at titi:

00100101 00100101 00100101 00100101
00100101 00100101 00100101 00100101

bayag bayag titi bayag bayag titi bayag titi
bayag bayag titi bayag bayag titi bayag titi
bayag bayag titi bayag bayag titi bayag titi
bayag bayag titi bayag bayag titi bayag titi
bayag bayag titi bayag bayag titi bayag titi
bayag bayag titi bayag bayag titi bayag titi
bayag bayag titi bayag bayag titi bayag titi
bayag bayag titi bayag bayag titi bayag titi

muling dumapo ang langaw sa baso ng gatas noong Linggo, ika-24 ng Oktubre 2004, bandang 09:25 ng gabi.

mga tugon sa enetation [ ] at haloscan []

[poetry reading] km64 goes to conspiracy

isyu bilang 52

Noong Martes, nagbasa ako ng tula sampu ng mga kasama sa kilometer 64 sa Conspiracy sa Visayas Ave. Wala akong ibang masabi kundi bangas! bukod sa mga nagbasa ng kanilang mga tula at tumugtog, sa wakas ay nakilala ko na rin ang karamihan sa mga mukhang nasa likod ng mga email address sa naturang egroup.

Sana mangyari rin ito sa bawal isilang dito. Hehe. Nagpaparinig po ako!

Sensya na kung narcissistic, pero natuwa lang ako sa mga kuha ni oliver, a.k.a. spinning kulangot, angas ng kurimaw. (tingnan ang ibang litrato sa blog ni spin).


ako, the proverbial "beat poet-cum-beatless reporter"


si Jonar, sino pa ba?


pag si Spin ang tumula, ang lahat ay namamangha, di makapagsalita...gwaping eh


dumadagundong naman ang rebolusyon sa mga tula ni Alex


si Rustum naman, mahinahong mahinahon ang protesta...

ngunit diretsahan ang tula.


siyempre, di malilimutan ang gabi dahil sa "ND-go! Girls"...


at dahil sa mahabang pananalita ni Chong Gelas

Dat's all polks! Sa susunod na biyahe!

(Pahabol lang: Di kailanman mamamatay ang makata. Siya ay lumalaban. Bow.

muling dumapo ang langaw sa baso ng gatas noong Linggo, ika-24 ng Oktubre 2004, bandang 08:00 p.m..

mga tugon sa enetation [ ] at haloscan []

[komentaryo] Ang relihiyosong tunggaliang pinag-ugatan ng negosyo

isyu bilang 51

Nitong nakaraang linggo, naiulat ang balak na magtayo ng Ortigas & Co. ng Mosque sa loob ng Greenhills Shopping Center. Higit pa rito, naiulat ang pagtutol dito ng ilan, partikular na ng mga impluwensyal na residente ng Greenhills.

Maraming lumalabas na dahilan ang mga taga-Greenhills sa kanilang pagtutol. Una na marahil ang seguridad--hindi naman maitatanggi, bagamat nakapanlulumong malaman, na nakabuo na ng mental na asosasyon ang "Muslim" at "terorista." Sa mga agad nanggalaiti, nakita nila ang pagtutol na ito bilang isang porma ng religious bigotry, o dili naman kaya'y isang religious apartheid, bahala na ang mambabasang mamili ng nais niyang terminolohiya.

Na siya namang totoo. Ngunit maghunos-dili, madaling apak-apakan ang pananaw na ito. Kung tutuusin, mababaw pa ang ganitong ugat ng kritisismo sa pagtutol sa Mosque

Pansinin: hindi naman ito ang tanging dahilan--kung tutuusin, hindi ito ang pinaka-dahilan--ng kanilang pagtutol. Ekonomiko ang ugat nito, oo, ekonomiko ang ugat.

Nahahalata ang ekonomikong ugat ng sitwasyon sa ganitong kadahilanan ng pagtutol nila sa Mosque: bababa ang halaga ng real estate sa Greenhills. Isang posh at eksklusibong komunidad ang Greenhills, at nawawala ang pagka-posh nito sa presensya ng isang malapit na Mosque.

Mababaw pa rin, suungin pa natin: oo, nariyan ang pagdududa sa seguridad (ang anggulong 'terorismo' na naman) at nariyan ang literal na pagkakadungis sa lugar (tulad ng obserbasyon nila sa ibang lugar sa Maynila na may Mosque na: madumi at maingay).

Ngunit sukdulan pa rin ng babaw. Hindi lang ito ang ekonomikong dahilan na inaalala nila.

Kompetisyon ang nakikita kong higit na malalim na dahilan sa kalunos-lunos na sitwasyong ito:

Higit na kilala ngayon ang Greenhills bilang tiangge ng mga damit, sapatos, alahas, at lalung-lalo na ng mga cellphone. Madali namang mapansin na karamihan sa mga nagtitinda sa mga tiangge ay Muslim. Sa gayon, para sa mga maninindang Muslim ang Mosqueng itatayo.

Ngunit bumalik tayo. Ano ba ang pamilihan sa Greenhills dati? Sino ang namimili dito? Ang mga residente sa karatig na pribadong komunidad. Kung ito ang orihinal na market ng Greenhills, dati itong pamilihang ka-kalibre ng ngayong Greenbelt, The Podium, Power Pant, at Alabang Town Center. Isa itong posh at high-class na pamilihan.

Sino, kung gayon, ang mga orihinal na manininda rito? Mga Tsinong negosyante na malamang ma-salapi rin at malamang naninirahan din sa Greenhills.

Ano ngayon ang pamilihan sa Greenhills? Isa itong tiangge. Ang market nito ay lahat ng tao, dahil nga mura ang bilihin. Hindi ko alam kung saan ito nagsimula--motibo ng pamahalaan ng Greenhills shopping center, ng mga negosyante nito, o ng mga mamimili.

Ang mahalaga ay may market. At sa isang pang-negosyong pananaw, isa itong oportunidad.

Sino muli ang mga manininda sa Greenhills ngayon? Karamihan ay mga Muslim. Higit na ispesipiko, mga Maranaw--mga etnikong Muslim sa Pilipinas na pangunahing larangan ay negosyo--mula sa Marawi City.

Pakatandaan nating wasak ang Mindanao ngayon dahil sa sandamukal na digmaang naganap dito ng ilang dekada. Hindi sa pagmamaliit sa Mindanao: bagamat ito ang itinuturing na pinakamayaman pagdating sa likas na yaman, ito rin ang pinaka-mahirap ngayon. Bukod sa digmaan, madalas itong makaligtaan ng pambansang pamahalaan, at kung maalaa lang, pang-kampanyang echos lang.

Kung lugmok ang ekonomiya sa katimugan, walang negosyo. At ang mga kapatid nating Maranao ay nakakita ng oportunidad--ng market--sa Maynila, partikular na sa Greenhills. Bagkus, hindi sila narito upang manggulo o manghasik ng terorismo. Narito sila upang mag-negosyo.

Sa isa uling pang-negosyong pananaw, ang mga bagong saltang mangangalakal sa Greenhills ay kumpetisyon para sa mga tradisyonal na manininda rito. Tunay na namang higit na efficient silang manininda dahil sa baba ng presyo ng kanilang paninda, at naisasantabi ang mga tradisyunal na manininda rito dahil hindi na tulad ng dati ang merkado sa Greenhills.

Ang ganang akin, ito ang motibo ng mga residente ng Greenhills: kung hindi man sila mga maninindang nabawasan ng merkado, sila ang tradisyunal na merkadong ayaw sa bagong pamamaraan ng negosyo sa Greenhills. Sa ganitong realisasyon, pumapasok na tayo sa larangan ng agawan ng teritoryo. Oo, isang digmaan ng teritoryo ang nagaganap sa Greenhills.

Ngunit hindi lang ito tunggalian para sa pisikal na teritoryo.

Pansinin: sino ang nagpapatayo ng Mosque? Ang Ortigas & Co., at sigurado akong hindi Maranao ni Muslim ang pamunuhan ng kumpanyang ito. Kung tutuusin, kabilang sila sa tradisyunal na mamamayan ng Greenhills.

Bakit nila ito ginagawa. Muli, negosyo. Hindi na uubra ang Greenhills Shopping Center bilang high-end na panindahan, dahil nagsi-usbungan na nga ang mga tulad ng Greenbelt at Power Plant.

Higit na kumikita ang Greenhills Shopping Center bilang tiangge sa pamamagitan ng rentang ipinapataw nito sa mga manininda. Ang isang stall ng cellphone ay mahigit-kumulang P2,000 kada araw sa Virra Mall, at maaaring maghati ang apat na manininda rito. Sa ibang bahagi ng Greenhills, maaaring nasa P1,000 o higit pa ang isang stall para sa isang manininda.

Upang mapanatili ang kanilang mga mangungupahan--ang mga manininda, dahil maaari't maaari silang lumipat sa ibang lugar para magtinda--ang pagpapatayo ng Mosque ang kanilang taktika.

Sa gayon, hindi relihiyoso ang dahilan ng pagpapatayo ng Mosque: negosyo. At hindi rin relihiyoso ang dahilan ng mga tradisyonal na manininda, mamimili at residente ng Greenhills sa pagtutol sa pagpapatayo nito. Hindi lang kumpetisyon para sa merkado, kumpetisyon din para sa pabor mula sa pangasiwaan ng Greenhills Shopping Center.

Naaalibadbaran ako sa sitwasyon ng mga kapatid nating Muslim: ang pagtutol sa pagpapatayo nito ay nakaugat sa negosyo, at ang mismong pagpapatayo ng kanilang Mosque ay nakaugat din sa negosyo. Pagpunta man nila dito ay dulot ng negosyo, naaalibadbaran ako dahil pagkatao na nila--sapagkat ang Islam ay sumasaklaw sa totalidad ng isang Muslim--ang nasasakuna.

Sapagkat oo, gusto nilang mag-negosyo rito, pero higit pa sa negosyo ang kanilang layunin dito.

muling dumapo ang langaw sa baso ng gatas noong Lunes, ika-18 Oktubre 2004, bandang 12:15 ng madaling-araw.

mga tugon sa enetation [ ] at haloscan []

[anunsyo] poetry reading ng km64

isyu bilang 50

plugging lang:

inihahandong ng kilometer64
ang next stop: conspiracy espana-visayas ave
oktubre disinwebe ng taong kasalukuyan
alas dyes hanggang kinabukasan
conspiracy, visayas ave

kasama sina:
alex remollino che dela cruz burning angels katcha ragos karl mark LUSONG leah morales jen malabanan the flower called crimson lei parenas ronald atillano orgasm addicts ayan dela cruz prexy sexy KARATULA spin babes alejo macy cruz kapi kapistrano psy monsobre dulaang katig sonny villafania rustum casia earthfish fish abet umil gelacio guillermo butong pakwan.

muling dumapo ang langaw sa baso ng gatas noong Linggo, ika-17 ng Oktubre 2004, bandang 12:15 ng madaling-araw.

mga tugon sa enetation [ ] at haloscan []

[advisory] Naglinis lang ako ng blog

isyu bilang 49

Naglinis lang ako ng blog. Apat na buwan na pala ang laman, mga 27 isyu. Nag-iisip pa ako kung papaltan ko na ang template. In any case, wala pa akong sapat na oras para gumawa ng template o kahit ng artikulo, kaya ito lang muna ang laman nito.

Parang langaw sa isang basong gatas...

muling dumapo ang langaw sa baso ng gatas noong Huwebes, ika-14 ng Oktubre 2004, bandang 09:10 ng umaga.

mga tugon sa enetation [ ] at haloscan []

MGA INIREREKOMENDANG WEBSITE:
matanglawin.org
businessworld
bulatlat.com
ibon online
phil center for investigative journalism
ctr for media freedom & responsibility
newsbreak magazine
philippine journalism review
konrad adenauer ctr for journalism
guardian unlimited
tinig.com
luisteodoro.com
dannyarao.com
conrado de quiros online
philippine sites

sali na kayo sa
bawal isilang dito
onlayn na komunidad
ng mga manunulat,
dibuhista, musikero,
kusinero, atbp.
alagad at taga-tangkilik
ng sining
na mahilig magpautot.

MGA KAIBIGAN:
si pj kong mahal
pao, ang flutician
jonar, mahal ng bayang karerista
tatay aaron
sushi nikko
tio pael
tsarlz ramotae
granmaster mikael da rahkstar
maita, este, ma'am maita
ederic may dot net nakakainggit!
kurimaw ang kulangot ni oliver
si alex, mandirigmang makata
si rustum pu, makata rin pu
ate len kumain ka naman!
don iņigo
wappy weepy crooner
javie(s) and javie(s) not
chanchan ahitin mo na yan!
mother carl
peachy pechay
jeline du france
denskie chomps on kfc at 1am
jilly vanilli
emskie's guitar has my name
ang lagnaw ding si makoy
gat egay, makatang tunay
yol! yes yes yol!
si roy, ilokanong makata
mic test wan tu tri... mic... mic!!!
ria haponesang rocker
kareeza, ang reyna ng mga dahon
elbert the freelancer
gio baccah
charles the stalker
ate maan ng philo dept
chris astig mag-drowing
margie taga-makiling
ernan ang pantas

KAPAKI-PAKINABANG:
pitas.com
haloscan
enetation
tagboard
village photos

MGA NAKARAANG ISYU:
[isyu 1-6 (dis02-ene03)]
[isyu 7-10 (peb-mar03)]
[isyu 11-14 (mar03)]
[isyu 15-17 (may-hul03)]
[isyu 18-22(set-dis03)]
[isyu 21-48 (hun-okt04)]

KALAYAAN SA PAMAMAHAYAG!

serbisyo ng tagboard.com
pangalan websayt o email mensahe(ngiti!)

1. kasama si grandmaster rahkstar mikael sa kontraberso.
2. gig ng aware sa millenia a millenium ago (kasama sina art, perp at osh).
3. kasama si grandphater flutician pao da popdem sa rubdob '04.



4. at siyempre, kasama si miiwa ko.
(si pj, nasa bindum, bukidnon, ngayon
para sa jvp, nagtuturo ng math at
english sa mga batang lumad)