|
isyu 126: Martes, ika-10 ng Enero 2006, 06:10 ng hapon
[ARREST Gloria] A Complete Mockery of Democracy
Inilabas ang statement na ito ng Artists for the Removal of Gloria (ARREST Gloria), isang koalisyon/kolektiba ng mga artista sa iba't ibang media. Kabilang ang Kilometer64 dito.
* * *
A Complete Mockery of Democracy
It was an artist – film director Lino Brocka – who, as
one of the framers of the 1987 Constitution,
formulated the provision for one of the cornerstones
of the democracy we are supposed to be: specifically
Art. III, Sec. 4 which states that: “No law shall be
passed abridging the freedom of speech, of expression,
or of the press, or the right of the people peaceably
to assemble and petition the government for redress of
grievances.”
If democracy is government by the people, as the
word’s etymology tell us, there can be no democracy
without freedom of speech and expression – and press
freedom is the freedom of speech and expression as
exercised by media practitioners, in the same way that
academic freedom is the exercise of the freedom of
speech and expression by members of the academe. A
truly empowered people are free to say how the
government should be run.
The freedom of speech and expression is particularly
sacred to us artists since it is essential to our work
that we have the liberty to say how we perceive the
world and the human condition at a given time. If
liberty is “the soul’s right to breathe,” as the lead
character in the 1997 film Good Will Hunting so
eloquently says, the freedom of speech and expression
is the artist’s right to be.
It is this cornerstone of the democracy we are
supposed to be, this right held especially sacred by
artists, that is being undermined by President Gloria
Macapagal-Arroyo’s Consultative Commission on Charter
Change.
Art. III, Sec. 4 of the draft constitution submitted
by the Consultative Commission reads thus: “No law
shall be passed abridging the responsible exercise of
the freedom of speech, of expression, or of the press,
or the right of the people peaceably to assemble and
petition the government for redress of grievances.”
The insertion of the phrase “responsible exercise of”
is very much worth noting. It is not just an exercise
in semantics, it is an insertion that though brief
speaks volumes.
What is meant by a “responsible” exercise of the
freedom of speech and expression? Nowhere in the draft
constitution can we find the answer.
But the answer lies in the statements President Arroyo
has been issuing from time to time.
“Let us cast aside the ‘bad boy’ image that the press
has acquired,” President Arroyo said in her speech
before the Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas
(KBP) in Baguio City last November. “Let us restore
its glory as the ‘responsible son’ of a democratic
nation.”
She uttered these words at a time when she was under
fire from the press because of questions on the
credibility of her victory in the 2004 election,
because of her government’s imposition of policies
making life harder and harder for Filipinos – who
mostly live below the poverty line if we go by the
very statistics of the National Wages and Productivity
Commission (NWPC) – and because of rampant corruption
and human rights violations under her watch.
We can see that as far as President Arroyo is
concerned, we “responsibly” exercise the freedom of
speech and expression when we refrain from criticizing
the government. For her, the “responsible” exercise of
the freedom of speech and expression is to “change the
topic,” to talk about The True, The Good, The
Beautiful while the country drowns in a sea of
wretchedness.
This is a complete mockery not only of the freedom of
speech and expression, but of the very tenets of
democracy.
The signs show that a crackdown on freedom of speech
and expression is at hand. History tells us that it is
when freedom of speech and expression is curtailed
that the days of darkness descend on the people.
We survived martial law and we must not allow it to
rear its head again. Let us exhaust all available
means to defend the basic democratic rights for which
so many of the country’s finest sons and daughters
have given their lives.
Artists for the Removal of Gloria (ARREST Gloria)
January 8, 2006
Southern Tagalog Exposure
KASIBULAN Women Visual Artists’ Collective
KUMASA (Kulturang Ugnayan ng Manggagawa at Uring
Anakpawis sa Timog Katagalugan)
ARTIST, Inc. (Arts Research and Training Institute in
Southern Tagalog)
Kilometer 64 Poetry Group
Tambisan sa Sining
APLAYA (Artistang Pangkultura ng Mamamalakaya sa Timog
Katagalugan)
UPLB Umalohokan
Paolo Martinez
Andrea Muñoz
Gian Paolo Mayuga
Jeffrey Ferrer
Onin Tagaro
Bobby Balingit
Winnie Balingit
Lourd de Veyra
Dong Abay
Ninj Abay
Con Cabrera
Roselle Pineda
Heidi Takama
Boom Dizon
mga tugon sa haloscan []
isyu 125: Martes, ika-10 ng Enero 2006, 6:00 ng hapon
Mga rengang balbal
Nag-renga kami nina Pao Arceo, Seph Garcia, RG Kelemen at Japs Tolentino--mga kaklase noong hayskul--sa Quattro noong Linggo. Balbal noon, balbal pa rin ngayon.
#1
Pilantik ng palikpik,
Piinaltos ang pilandok.
Ang pekpek ay kathang-isip lang.
Kathang-isip lang.
Kathang isip. Dahil
Ang isip ay titi rin.
Lapas pasok
Sa mundong mahindot.
Sarap at nakakapagod.
Parang elesi
Paikut-ikot, nakakalula
Nakakawala.
Lima, apat, tatlo,
Dalawa, lalabas na
Isa. Ah.
* * *
#2
Mahirap tumula ng balbal
Para kang sumasalsal
At walang lumalabas kundi kupal
O kaya tubig, dugo, nana.
Mahirap magsimula sa wala.
Papatak-patak kung piniga.
Wisik-wisik kung sinala.
Kapag sinawsaw, nana.
Sa bawat patak ng ulan
Sa bawat paputok ng bulkan
Ihip ng hangin kay rahan
Tingin sa mundong kawalan.
Mahirap talagang mag-isip ng isusulat
Kailangang hagilapin ang mga detalyeng
Nakakalat
At makalabas ng kakaibang gawa.
Mahirap...
mga tugon sa haloscan []
isyu 124: Huwebes, ika-5 ng Enero 2006, 1:00 ng madaling-araw
"Pakialamero"
ITINULOY NA TALAGA
(Pasensya na nga pala, may inasikaso lang akong "malaking" problema noong Lunes sa gitna ng pagsusulat ko nito. Anyway, ituloy na nga, at salamat kina Anj, Alex at Maita sa mga preliminaryong komento).
Nang iluklok si Associate Justice Artemio Panganiban bilang bagong Punong Hukom (Chief Justice) ng Korte Suprema, inanunsyo niyang tatalikdan ng mataas na korte ang policy of intervention--o pagiging pakialamero--ng Korte Suprema sa ilalim ni dating Chief Justice Hilario Davide.
"When there is a doubt as to whether the judiciary should intervene with actions and policies of the political department of the government in matters involving the prosperity of our people, I will defer to the judgment of the political branches," aniya.
Malaking reklamo ng malalaking negosyo at ng mga technocrat ang pagiging pakialamero diumano ng Korte Suprema sa mga pang-negosyo at pang-ekonomikong isyu, bagaman hindi naman ito eksperto sa mga ganitong bagay. Tulad, halimbawa, ng pagtukoy bilang labag sa konstitusyon ng Safeguard Measures Act na diumanong safety net ng lokal na ekonomiya sa pagbuhos ng mga imported na produkto; ng pagtutol ng pagbenta ng Manila Hotel sa isang Malaysian na kumpanya; at ng pagbasura ng mga kontrata ng gobyerno sa Jancom para sa incineration ng basura, Piatco para sa pagtayo ng Naia-3 at Mega Pacific para sa modernisasyon ng halalan.
Siyempre pa, ang pinakamalaking "pakikialam" ng Korteng Davide ay ang pagdeklara ng constructive resignation ni dating Pangulong Joseph E. Estrada at ang pagluklok sa puwesto kay Gloria Macapagal-Arroyo.
Hindi po ako abogado, lalo na't hindi ako pantas sa saligang batas. Ngunit base sa nalalaman ko, kaya tatlo ang sangay ng ating gobyerno--ehekutibo, lehislatibo at hudisyal--ay tulad nga ng nabanggit ni Maita sa kanyang komento: upang umiral ang checks and balances. Magkakapantay-pantay ang mga sangay na ito nang sa gayon ay lubos na masipat ng bawat isa ang mga gawain--lalo na ang mga kalokohan--ng bawat isa, lalo na ang ehekutibo na siyang tagapagpatupad ng batas at tagapaglabas ng pondo.
Ang Kongreso, bukod sa kapangyarihang magsulat ng batas, ay may kapangyarihan sa oversight ng pagpapatupad ng ehekutibo ng mga batas. Gayumpaman, wala namang kapangyarihan ang Kongreso na magpakulong ng mga taong sangkot sa mga kabulastugang natuklasan nila sa mga imbestigasyon, liban na lamang siyempre sa kapangyarihan nitong magtanggal ng mga impeachable na opisyal.
Ang Korte Suprema--na hindi (dapat) gumagalaw sa pulitikal na larangan kundi sa legal--ang siyang inaasahang mamagitan sa dalawang sangay sa mga panahon ng hidwaan, sa pamamagitan ng pagtukoy ng konstitusyonalidad ng kilos ng mga sangay na sangkot.
Katulad ngayon: hindi pa rin nareresolba ang isyu tungkol sa konstitusyonalidad ng E.O. 464, ang pinagmulan ng krisis-pulitikal ngayon. Ang Korte Suprema ang inaasahang tumugon dito at lutasin ang isang pulitikal na problema, ngunit sa paraang legal.
Lumalala ngayon ang stalemate dahil ayaw "makialam" ng Korteng Panganiban sa mga kasong may kinalaman sa pulitika.
Samantala, ang pinapa-resolba naman dito ay ang konstitusyonalidad ng isang executive order at ng iba pang kilos ng administrasyon sa parehong ehekutibo ang lehislatibo. At ang akala ko ba ay bulag si Hustisya?
Bagaman may mga batas na talagang represibo at isang institusyong elite (i.e. ang Kongreso) ang nagsulat ng mga ito, sa teorya ay nakasaad sa batas ang mga pinahahalagahan at interes ng mamamayan, alinsunod sa nakasaad sa Konstitusyon. Kung baga, tungkulin ng Korte Suprema ang makialam at mamagitan.
Ngunit sigurado ba tayong interes ng mamamayan ang ipagtatanggol ng Korte Suprema, samantalang ang Presidente ang siyang nagluluklok ng mga huwes dito (at sinuway pa niya ang tradisyon ng pagluluklok ayon sa senyoridad)? Masasabi ko na ang pagkakaluklok ni G. Panganiban bilang Punong Mahistrado ng Korte Suprema, sa gayon, ay benepisyal sa pananatili ni Gloria sa posisyon, at least sa halos isang taon ng pamumuno ni G. Panganiban.
Kung magiging dalawang sangay na lamang ang pambansang gobyerno kapag lumipat tayo sa sistemang parliyamentaryo, at kung manatili ang ganitong tindig ng Korte Suprema, siguro'y maghahari na talaga ang kung sino mang maging Punong Ministro.
mga tugon sa haloscan []
isyu 123: Linggo, ika-25 ng Disyembre 2005, 3:30 ng madaling-araw
Kanina (o kahapon) ko pa dapat tinapos yung storya ko para sa Lunes, ngunit tinamaan ng katam...
...kaya puyat na naman.
Gayumpaman, MALIGAYA AT MAKABULUHANG PASKO SA ATING LAHAT!!!
mga tugon sa haloscan []
isyu 122: Martes, ika-20 ng Disyembre 2005, 12:15 ng hatinggabi
Eugenics, ayon sa mga trese anyos na puti
Bago tumuloy sa piyesa, basahin ang artikulong ito at ito

Prussian Blue: Lamb at Lynx Gaede. Masaya na naman si Hitler.
Inaasam ng mga nagtataguyod ng eugenics na mapabuti diumano ang sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapanatili ng "mabubuting" karakteristiko ng tao--at siyempre, kaagapay na rin sa pagpurga ng mga di kanais-nais--sa pamamagitan ng artipisyal na panghihimasok ng tao, tulad ng birth control, selective breeding at genetic engineering. Ang kaisipang ito ang siyang naging basehan ng diskriminasyon at paglabag sa karapatang pantao--na humahantong sa genocide--ng mga makapangyarihan sa kasaysayan, magpahanggang-ngayon.
Ilang dekada na ang nakalilipas, buhay pa rin si Hitler at umiiral ang kanyang kaisipan sa iba't ibang sekta ng kontemporaryo nating lipunan. Minsan, makikita sa mga konsyertong rakrakan ang mga batang nag-aastang punk na may mga swastika sa kanilang damit. Oo, komersyalisasyon lamang ang may sala dito (katulad ng kung paano naging Hello Kitty si Che Guevarra) at walang-muwang ang mga batang ito na gusto lang maging cool.
Ngunit hindi tulad nila ang tambalang binubuo nina Lamb at Lynx Gaede--ang Prussian Blue--na mga trese anyos na Puting Amerikano, mga diumanong white nationalist at defensive racist na hinirang ng mga magulang na Neo-Nazi.
Ayon sa mga salaysay na matatagpuan sa internet, home schooled ang mga batang ini ng kanilang ina, na ginamit sa paghubog ng kanilang mga inosenteng kukote ang doktrinang Neo-Nazi at mga teksbuk na 50 taon na ang tanda, bago isinabak sa mga pampublikong paaralan. Ngayon, hit na hit ang mga batang ito sa mga maka-puting sekta, Neo-Nazi man o Ku Klux Klan.
Maaaring masyadong matalino ang mga batang ito, maaari rin namang masyadong brainwashed. Sa isang panayam, tinanong sila kung ano ang pinakamahalagang isyung hinaharap ng kanilang lahi:
Not having enough white babies born to replace ourselves and generally not having good-quality white people being born. It seems like smart white girls who have good eugenics are more interested in making money in a career or partying than getting married and having a family. And yes, we are working on some new songs about this issue.
Medyo inosente pa ang tono nila dito, ngunit nakagigimbal presicely dahil napaka-inosente. Walang masama na ipagmalaki ang sariling lahi, ngunit hindi naiintindihan ng mga batang ito ang nuances ng kanilang mga pinagsasabi.
Tulad na lamang sa isang kanta nila:
Rudolf Hess, man of Peace
He wouldn't give up and he wouldn't cease
Remember him and give a pause
At ito:
Aryan man awake
How much more will you take
Turn that fear to hate
Aryan man awake
Naging epektibo na silang internal na propaganda para sa mga ka-panalig nila, di tulad ng iba pang mga white supremacist na grupo na sumusuka talaga ng puot laban sa mga may mas madilim na balat. Epektibo, dahil mga cute na cute na ineng ang nagdadala ng basura ng kanilang lahi, at abangan ninyo kapag nagdalaga na ang mga iyan
Ika nga ng mga kaibigang ka-ym ko ngayon, huwag na lang pansinin ang mga alien na iyan. Anakan na lang daw nang magka-anak na mulatto.
Ngunit pakatandaang ang white supremacy na iyan--na binuhat ng islogang "take up the white man's burden" na pakana ni Ruyard Kipling (oo, hindi iyon tula)--ang nagdala ng kalintikan sa buhay nating mga nasa third world, nating mga nasa labas ng sentro at sinakop, nating mga nasobrahan ng melanin. At kung hindi pipigilin, ang tambalang ito ang muling magpapasigla sa dugo ng mga puting makitid ang utak (kumpara sa mga matatalinong marunong tumingin sa tao bukod sa balat) at magpasabog na naman ng kanilang bantot sa sangkatauhan.
* * *
Kung eugenics lang ang usapin, sasabihin ko nang pinaka-abanteng lahi ang mga Asyano. Bakit? Kasi maiiikli
ang mga titi natin.
Ibig sabihin, di na natin kailangang kumantot nang kumantot para magpakalat ng lahi at mag-survive. Kailangan lamang nating mag-isip.
mga tugon sa haloscan []
isyu 122: Lunes, ika-19 ng Disyembre 2005, 10:25 ng gabi
Tumpak na tumpak. Grabe.
|
How You Live Your Life
|
You seem to be straight forward, but you keep a lot inside.
You're laid back and chill, but sometimes you care too much about what others think.
You prefer a variety of friends and tend to change friends quickly.
You tend to dream big, but you worry that your dreams aren't attainable.
|
mga tugon sa haloscan []
isyu 121: Linggo, ika-18 ng Disyembre 2005, 10:10 p.m.
mga mata at ngipin
Hindi ko alam kung bakit, ngunit ngayon lang ako nagiging masigasig sa pagpunta sa dentista upang ipaayos ang braces ko. Sus mio, sampung taon na rin akong may sampayan sa bibig.
Pagkatapos kong magpa-adjust ng braces, ang sakit sakit pa rin ng ngipin ko. ARGH! Langyang buhay ito.
* * *
Kahapon din naganap ang handaan para sa ika-30 anibersaryo ng Matanglawin. Lahat ng mga tao ay nagpo-"po" sa akin. Either gumagalang ang mga tao sa Matanglawin o tumatanda lang talaga ako.
Pero ganun pa rin ang mga tao: mga kalat, praning, kalog, nandadaot, lasing, etc. Well, yung mga mas batang pumasok, mas mababait. Hehe.
Hay nako, na-miss ko tuloy yung mga araw na nag-aaway kami ni Aaron, Leo, Pao, Nikko, Anj, Nunuy at marami pang iba. Tulad nga ng nasabi na, ganito lang kaming magmahalan.
Kaya nga tuwing inaaway namin noon ang Ateneo o ang administrasyong Arroyo, ang alibi namin eh iniibig lamang namin sila. Yung una, puwede pa. Yung huli, umalis muna siya sa puwesto.
Mabuhay ang Matanglawin!!!
mga tugon sa haloscan []
isyu 120: Huwebes, ika-15 ng Disyemre 2005, 12:00 ng hatinggabi
[komentaryo] budget: ang masamang balak
Bago ang lahat, dalawa na nga pala ang presidente natin ngayon. Si Gloria at si Abat. Parehong belat. Hehe.
* * *
Heto't inurong na naman ng Mababang Kapulungan ang palugit para sa pagpasa ng pambansang badyet ng 2006, at tila ba higit na lumilinaw ang masamang balakin ng administrasyon. Hmm...
Ani Camarines Sur Rep. Rolando G. Andaya, Jr., tagapangulo ng komite sa apropriyasyon ng Kamara, inaasahan niyang matatapos ang pagtalakay ng plenaryo sa budget at maililipat na ito sa Senado sa katapusan ng Pebrero. Ngunit noong isang buwan pa sinabi ni Sen. Manuel B. Villar, Jr., tagapangulo ng komite sa pinansya ng Senado, na magbubunyi sila kapag dumating nga ang badyet sa kanila sa katapusan ng Pebrero at maisabatas ito sa Marso.
Talagang wala nang pag-asang maisabatas ang badyet bago magtapos ang taon: bakasyon na ang Kongreso, isinara na ang sesyon kanina at magbubukas itong muli sa ika-15 na ng Enero ng susunod na taon. Ngunit sa ganang iyan, nasa kani-kanyang komite pa ang mga badyet ng mga ahensya ng gobyerno at di pa nga nakakalapag sa plenaryo mismo.
Bakit nga ba nale-late ang badyet na iyan? Samantala, sa mga nakaraang taon, naisasabatas naman ito bago sumapit ang taong pinag-uukulan ng badyet.
Kung tutuusin, win-win ang administrasyong Arroyo kung mapasa man ang bagong badyet o hindi, ngunit tila ba mas makikinabang sila na hindi na ito naipasa.
Kapag hindi napasa ang badyet bago matapos ang kasalukuyang taon, otomatikong mare-reenact ang badyet ng kasalukuyang taon. Ibig sabihin, kung hindi na nga mapasa ang badyet ng 2006 bago matapos ang 2005, eh di susundan ng gobyerno ang badyet ng 2005 hopefully hanggang sa maipasa na sa wakas ng Kongreso ang bagong badyet.
Nangyari iyon sa kaso ng badyet para sa 2005. Naipasa na ito Pebrero na ng 2005, at umiral ang badyet na pang-2004 sa unang dalawang buwan. Kung tutuusin nga, laspag na badyet na ang 2004, dahil reenactment lamang ito ng badyet ng 2003; hindi naasikaso ng mga kurimaw sa kamara ang badyet dahil eleksyon.
O hindi inasikaso?
Delikado para sa kaban ng bayan ang isang reenacted na badyet. Kinokopya lamang sa bagong badyet ang lahat ng aytem na nasa lumang badyet, kahit ang mga tapos na at nagastusan nang mga proyekto.
Halimbawa, sa 2005 ay may alokasyong P1 milyon para sa pagpapatayo ng isang tulay, at naitayo na nga iyon sa loob ng taong iyon. Kapag reenacted ang badyet ng 2005 para sa 2006, uulit muli ang P1 milyon na iyon para sa parehong tulay, kahit naitayo na ito.
Kapag nangyari iyon, magkakaroon ng malayang kamay ang Pangulo na i-realign--o ilipat para sa ibang mga bagay--ang perang inilaan para sa natustusan nang proyekto. Kung ang Kongreso ang may diumanong power of the purse, naililipat ito sa Presidente kapag nabigo ang Kongreso na gumawa ng bagong badyet.
Dahil dito, nakadududa tuloy kung sinasadya ba ng Kamara ang hindi pagpasa sa badyet, kahit ang ma-delay lang ito para magka-reenactment ng kahit ilang buwan lang.
Kung tutuusin, mukhang sadya. Mismong Malacañang ang nahuli sa pagbigay ng panukalang badyet sa Kamara: bagaman hulyo ang SONA ng Pangulo, Agosto na ito naibigay sa Kamara, gayong dati'y sa SONA mismo ito iniaabot.
Siyempre, sinisisi ng mga kurimaw ng administrasyon ang impeachment at ang kung anu-anong mga imbestigasyon sa pag-antala sa badyet. Ngunit bakit ngayong Disyembre pinalutang si Garci para humarap sa Kongreso?
Pakatandaang bagaman makulit na makulit ang Malacañang sa paggiit na kailangan na ng pagpapalit sa Konstitusyon--lalo na ang pagpapalit ng porma ng gobyerno--walang alokasyon para sa pondo ng isang constituent assembly sa panukalang P1.05 trilyong badyet para sa susunod na taon.
Pakatandaan din nating tinitignan ang pagbabago ng anyo ng gobyerno bilang "escape plan" ni Gloria. Pakatandaan, lalo na, na si House Speaker Jose de Venecia ay ang unang Punong Ministro ng Parliyamento ng Pilipinas.
mga tugon sa haloscan []
isyu 119: Miyerkules, ika-14 ng Disyembre 2005, 12:00 ng hatinggabi
daydream
Minsan, kapag nababagot o nababanas ako sa trabaho, o simpleng bangag lang, mananaginip ako (ang higit na tumpak na salita ay daydream, pero di ko mahanapan ng salin) ng ako na nasa ibang trabaho.
Katulad ng mga sumusunod:
* guro ng Filipino at Political Economy, na may tutok sa pulitikal na ekonomiya ng information techonology
* full time rockstar, rockstar-ambassador (a la U2, System of a Down, Rage) at organisador ng iba pang rockstar (para sa mga proyektong tulad ng Live Aid, etc.)
* negosyanteng aktibista (a la Anita Roddick ng Body Shop) na kusinero at barista/bartender pa (labo). basta, may restawran
* lobbyist ng mga cause-oriented group/ngo, o economic consultant ng isang party-list group
* kanina lang: organisador ng mga kooperatiba, sabay pinag-aaralan kung papaano nagiging kasangkapan sa ekonomikong pagpapalaya ang wika.
Kadalasan, nangyayari ang mga ganitong pag-iilusyon kapag tanghali at nagyoyosi ako sa ibaba ng Senate. Marami pang iba, nalilimutan lang tulad ng karamihan sa mga panaginip natin.
Iniisip ko lang, mabubuhay kaya muli ang pagka-makata ko kapag kahit alin sa mga ito ang trabaho ko?
(Baka naman nagsasawa/nabu-burn out lang ako sa beat ko ngayon?)
mga tugon sa haloscan []
isyu 118: Martes, ika-13 ng Disyembre 2005, 1:30 ng umaga
nagpapaka-puyat na naman (wala namang makabuluhang sasabihin)
Nakakita ako sa desktop na mpeg ng Evangelion (episode 20) na ni-download ng utol ko. Pinanood ko, astig pala yun.
mga tugon sa haloscan []
isyu 117: Lunes, ika-12 ng Disyembre 2005, 12:30 ng madaling-araw
antala
Dapat may praktis kami ng Gapos kanina para sa uber-minimalist tugtog namin sa darating na Sabado sa anniv party ng Matanglawin, ngunit sa kasawiang-palad ay hindi makapunta sina Mikael at Perp.
Si Mikael, ay alas-singko nang nakauwi kahapon mula sa gig ng Los Chupacabras, kung saan dapat tutugtog din ang Gapos ngunit trinangkaso ako at may trabaho si Perp. Si Perp naman, tulad ng nasabi na, ay galing sa trabaho at ngarag: hindi makabangon dahil namulikat ang dalawang binti.
Bagaman mahal ko ang parehong mokong na iyon, tututok ako sa sitwasyon ni Perp, hindi dahil sa masamang uminom at umuwi nang tumitilaok na ang manok, dahil ginawa ko na rin iyon ilang beses na. So normal lang yun.
So si Perp ay paborito nating barista ng isang kapihang tawagin nating Istarbak, na hindi ko tinangkilik kanina dahil kay Perp at dahil wala silang Moroccan Mint tea. Boses pa lang sa telepono kanina, nahihinuha ko nang kabog-kabog ang laging katawang-bakal na katawan ni Perpaloo.
Ayon sa ating karatistang itim, dahil kapaskuhan na ay sobrang dami ng mga taong pumupunta sa Istarbak Megamol, lalo na tuwing Biyernes at Sabado. Malamang dahil kaka-promote pa lang ni Perp bilang senyor barista, lagi siyang inilalagay sa mga araw na iyon (isang dahilan kung bakit madalas ay napapa-liban siya nang di oras sa mga gig).
Six-digit ang sales ng kanilang kapihan sa mga araw na iyon ngayong Disyembre, ibig sabihin, sangkaterbang kape ang itinimpla nina Perp. Nakakapagod ding magtimpla ng kape, no, occupational hazard pa ang mga espresso machine, di lang ninyo alam.
Tiba-tiba ang Istarbak, tol, sa mga panahon ngayon. Oo nga, may pamaskong bonus at 13th month pay ang mga empleyado, pero karapatan nila iyon eh. Hindi ba't kailangang gantihan ang mga empleyadong nagdadala ng kita sa multinasyonal na kumpanyang iyon? Sana man lang may income sharing, kahit papaano.
* * *
So kanina pagkatapos magsulat ng mga istorya para sa pang-Lunes na edisyon ng BusinessWorld, dumiretso ako ng Pasig para sa DIKLAP, na ginanap sa Museo na dahil baka ulanin ang plaza.
Pagdating na pagdating namin ni mic sa Pasig, pinatula agad ako. Sapagkat walang bagong tula, naghalungkat muna ako sa mga lumang chapbuk ng Kilometer64 . Isa mula sa Kabyawan, isa naman mula sa GradWait.
Isang kabalintunaan, hindi ba? Kasapi ako (at kasama pa sa komiteng tagapagmaneobra o steering committee) ng isang pangkat ng mga kabataang makata, samantala, wala akong nasusulat na bagong tula.
(O, tigil na, rant na naman.)
Masaya kanina, kahit konti ang tao. Nakatikim pa ako ng pansit-Pasig, yung parang sotanghon na pinatungan ng durug-durog na chicharon. Astig mehn, pero sinabihan kami ng taga-doon mismo, minsan sa isang buwan lamang kumain noon, kung hindi'y mananakit ang noo sa kolesterol.
Putsa, tuloy, nagutom ako.
* * *
Anyway, muli, di ko na naman naisulat ang balak na alyansa ng mga musikero. Pakshet talaga. Pero naisip ko rin, saka na isulat iyon nang buong detalye pag nailatag na.
Ganito lang naman ang ideya eh: balak naming bumuo ng isang alysansa ng mga banda na ang mga kasapi, in one way or another, ay alala sa mga nangyayari ngayon sa bayan natin.
Hindi naman kinakailangang mga aktibistang banda. Actually, kahit mga emo na banda (tulad ng Balete Drive nina Mic) ay ok, basta may mga miyembro na may concern, in one way or another. Kung baga, kung panay love song ang tirada ng banda, masaya na siguro akong may kahit isa o dalawang kanta silang pulitikal. Parang ganoon.
Ano ang basis ng unity, kung ganoon? Palagay ko naman lahat iyon mapapa-putang ina kapag tinanong kung ano ang tingin nila kay Glorya.
Tapos kasabay ng alyansang iyon, balak namin iyong itambal sa isang artist management group (malamang si Mic na ang punong abala doon, hehe) at isang do-it-yourself recording outfit.
Basta, ang nakikita kong pangangailangan nito ay kailangang pati ang mga musikero ay magkaisa para sa hustisya sa lipunan, sapagkat hindi na rin makatarungan ang panay pogi rock sa radyo at MTV. Isa rin itong benyu para sa artistic collaboration chuva.
Putsa, naikuwento ko na rin. hehe.
Sige, banggitin ko na rin yung isang naisip na pangalan (bagaman siyempre, hindi ito final): Alliance of Musicians Advocating Justice and Democratic Rights (A-MAJOR) or C-MAJOR (C stands for Collective). O dili kaya'y Musicians In Cooperation (MIC) hehe.
Anyway, anytime next week or the next (durig Christmas break) mag-iinuman ang Gapos, Balete Drive, Los Chupacabras, Marf Creature, Saiphra, Kahel, pati na rin ang Nelo at baka makasama ang Monkeyspank. Iniisip ko ring hatakin si Bobby Balingit ng Da Wuds, pero di naman umiinom iyon. Hehe.
Sinumang interesadong maki-join at maki-inuman, kontakin lang ako sa email o sa cellphone ko kung alam ninyo.
* * *
Huling hirit, dahil nagtatampo si Mic:>

From left: Bache, JP at Mic ng Balete Drive

Mic giving Nunuy, the Matanglawin head honcho, utmost respect
Sige na, tulog na ako. Hinihintay na ako ni mahal na tabihan siya (sa panaginip). Kakain pala muna ako kung may pagkain pa dito. Putsa, baboy!!!
mga tugon sa haloscan []
isyu 116: Linggo, ika-11 n Disyembre 2005, 1:00 ng madaling-araw
mga pahapyaw na bagay
Sa mga may-oras, manood ng DIKLAP, isang hapon ng mga tula at iba pang pagtatanghal. Hatid ng Kilometer64 at ng mga artista't manunulat sa Lungsod ng Pasig. Plaza Rizal, Pasig City (tapat ng Simbahan ng Pasig). Disyembre 11, 2005
alas kwatro ng hapon.
* * *
Medyo maginhawa na ang pakiramdam ko ngayon. Nagsisisi lang ako at humithit ako ng isang sigarilyo (Philip pa) kaya medyo parang me nana sa loob ng lalamunan. Pero magaan-gaan na, hindi lulutang-lutang tulad ng nangyari noong Huwebes kung kailand hindi na dapat ako pumasok.
Hindi ko alam kung bakit, ngunit guminhawa ang pakiramdam ko nang mag-bake kami ni PJ kanina ng mahigit 500 cookie na ipamimigay namin ngayon pasko. Siguro sa ka-ta-tapat sa oven, nalusaw ang sipon. Plema na lang at sakit ng lalamunan ang alalahanin.
* * *

Sa mga hindi pa nakakabili ng unang E.P. ng Gapos, mag-order lamang sa amin sa gapos.koreo@gmail.com o sa pamamagitan ng text kung alam ninyo ang mga cellphone namin.
Anyway, kaunting pampa-regla lang...

mula kaliwa: Perp (baho), Osh (tambol), Mikael (ngalangala), Mike B. (tselo), Kapi (gitara).
* * *
Balak ko na sanang isulat yung tungkol sa binabalak na alysansa ng mga musikero, ngunit sapagkat gabi na (at ebidensya muli ito ng procastination) ay ipagpapabukas ko na lang ulit.
Sa mga mapapalad, abangan ninyo ang mga cookie namin ni PJ At kapag hindi pasko, umorder naman kayo! Hehe.
mga tugon sa haloscan []
isyu 115: Biyernes, ika-9 ng Disyembre 2005, 07:21 p.m.
lagpak, tulad ng langaw
Tinamaan ako ng trangkaso kahapon pa lang, pero ngayon ko lang nagawang mag-sick leave. Palibhasa, nadya-dyahe dahil napadalas ang pag-leave simula noong nakaraang buwan (kahit karapatan ko naman ang mga leave na iyon). Anyway, dahil lumiban ako kanina, na-miss ko ang buwanan/fornightly (?) na workshop with Vergel Meneses, este, Vergel Santos.
Nakibalita na lang ako kay K kanina kung ano ang nangyari. Wala naman daw masyado, basta nag-assess ang editors na mahusay naman ang output naming mga reporter, yun nga lang, "many are falling out like flies."
Basta iyon, may sakit ako dahil naulanan ako. Di ko lang matandaan kung kailan, basta, naulanan ako. Kahapon, lumala ang lagkit ng ngala-ngala at lumobo ang uhog sa ilong. Lumapot ang plema, lumuwa ang mata at lumutang ang utak. Labo. Bakit ko pa kasi pinilit magtrabaho kahapon?
Hay nako. Work related blog entry na naman? Paksyet, mag-bagong blog entry nga!
mga tugon sa haloscan []
isyu 114: Martes, ika-29 ng Nobyembre 2005, 7:00 ng gabi
Windang
Windang ang araw na ito. Ika nga ng isang kasamang reporter sa senado na di ko masyadong ka-close, wala ako sa sarili.
Ito lang naman ang mga nangyari:
Una, nang dumating ako dito sa senate ng 8:30 ng umaga, nakatulog ako sa mesa ng isa pang kasamang reporter. Taga-radyo siya, at rumaraket sa pagbenta ng mga sapatos. Di ko alam kung nagising ako noon o nananaginip lang, pero nakita ko yung mga kahon ng sapatos sa ilalim ng mesa niya. Para bang may see-through vision ako, o kung anuman yun.
Ikalawa, di ko tinutukan ang mga budget hearing. Sa bagay, small fry lang naman. Ano ba naman ang National Youth Commission at National Commission for Culture and the Arts? Well, kung tutuusin, mahalaga ang mga ito at retrogresibong pag-iisip ang balewalain ang mga ito. Pero di naman papatulan ng diyaryo ito diba?
Sa halip,nagpunta ako sa BSP para sa joint hearing ng House at Senate economic affairs committees tungkol sa GNP at GDP. At nang nandoon na ako, na-realize ko na sana yung BSP reporter na lang namin yung nag-cover doon dahil nalunod ako sa mga ka-ekonomikahan. Hay.
Ikatlo, di ako mapalagay. Yosi ako nang yosi sa ibaba. Di ko maisulat yung mga istorya ko, eh 4:30 na yun. Apat na istorya. Actually, dapat ginawa ko yung isa nung umaga, pero yun nga, nakatulog ako. Ayun, ang bagal kong magsulat.
(Shet, confessional diary na lang ba itong blog na ito?)
Ayway, sira ang telepono sa bahay, pero kelangan ko nang magligpit. Parating na ang sundo. To be continued...
mga tugon sa haloscan []
isyu 113: Martes, ika-29 ng Nobyembre 2005, 1:30 ng madaling-araw
masamang damo
Sa mga nakakaalam, tinanggalan si Papa Juaning--ang lolo ko sa panig ng nanay--ng life support noong nakaraang linggo. Sabi nga ni mama, naghihintay na lang daw kami.
Medyo lumuwag na ngayon ang tensyon nang ilabas na namin sa ospital si Papa Juaning sapagkat malakas na siya ulit, malinaw nang magsalita. Bagaman nakaratay pa rin sa kama nang dinalaw ko sa bahay nila kanina, di ko mabakas ang tanda ng kamatayan.
Mahirap mamatay ang masamang damo.
Hindi sa masama ang iniisip ko tungkol sa lolo ko, ngunit ito ang lagi kong sinasabi kapag kinakamusta ng mga tao para makaiwas sa lungkot. Masama man ang implikasyon ng katagang nauna, natutuwa ako dahil buhay pa siya.
Naging masama nga ba si Papa Juaning?
Kung tutuusin, isa si Papa Juaning sa mga kontribyutor sa aking traumatic na kabataan, ngunit looking back, malaki ang pasasalamat ko sa kanya.
Siya ang naggugupit sa amin noon, at hindi masayang karanasan ang pagpapagupit sa kanya, lalo na't parang nababali ang leeg ko kapag inaaanggulo niya para sa suwabeng gupit. Kinatatakutan ang labaha niyang pihadong magsusugat-sugat ang batok pagkatapos madaanan nito.
Kinahihindikan man ang bawat karanasan sa kanyang custom-made na high chair tuwing magpapagupit at masama man ang hitsura ko (i.e. wala sa uso na "undercut"), natutuwa akong hindi ako nagmukhang titi noong kabataan ko.
Kung hindi niya ako pinagagalitan, sinusungitan at pinapalo kapag malikot at pawisin, hindi ako matututong kumilos na gentlemanly, anuman ang ibig sabihin noon.
Kung hindi niya ako tinakot na bubunutan ng bagang gamit ang long nose, hindi ako matututong ngumuya nang maayos.
Kung hindi niya ako hinahatid-sundo sa eskwela sa pamamagitan ng traysikel at jeep (bagaman de-kotse ang mga ka-klase ko noon), hindi ako matututong mag-commute.
Masamang damo siya sa isang batang makulit at iyakin. Ngayon, isa siyang dahilan upang magsisi dahil hindi regular ang pagdalaw sa kanya noong malakas pa siya at puwede pang makipag-arnis.
Marami pang kuwento, ngunit bitin ang panahon.
mga tugon sa haloscan []
isyu 112: Miyerkules, ika-23 ng Nobyembre 2005, 2:30 ng madaling-araw
mga pahapyaw na bagay
Insomnia ang lagi kong palusot tuwing dis-oras na ng madaling-araw at di pa ako matutulog, ngunit hindi ito ang dahilan ko. Kagagaling ko lang sa lamay ng Tita Deli namin (lola ko sa ikalawang digri), at kinailangan kong pumunta sapagkat di na ako makakapunta bukas at mayroon pa akong budget hearing.
Matutulog na ako maya-maya. Oo, materyalista (gusto kong ibahin sa materyalistiko) ang paniniwala ko ngunit ayokong abutan ng hora de peligro. Ngunit somehow therapeutic na ang magsulat sa blog, kahit na sa mga bagay na "walang kinalaman" sa pulitika (ngunit lahat ng bagay ay mayroon naman talaga).
... Uh, makatulog na nga. Tinamaan na ako ng antok. Haha, nagsayang lang ako ng elektronikong espasyo.
mga tugon sa haloscan []
isyu 111: Martes, ika-22 ng Nobyembre 2005, 12:00 ng madaling-araw
ang pulitika ay nadarama sa sikmura
Bago ang lahat, sa mga hindi nakaputa sa launch ng Gapos, belat! De biro lang. Marami pa kaming CD na ibebenta.
Bago namin i-consign sa kung-saan-saan para ibenta (at papatungan iyan malamang ng 20% or thereabouts) bumili na kayo sa amin! P50 lamang po!
Hanapin lamang ninyo ako, si Mikael, si Osh, si Perp o si Mic. Siyempre, di ako magbibigay ng mga cellphone number dito. Email na lang ninyo kami sa gapos.koreo@gmail.com.
* * *
Bago ko simulan ang entry proper (na ngayon pa lang ay aabisuhan ko kayong hindi ito enjoy basahin), ililista ko na ang mga balak kong isulat sa linggong ito (a la weekly story prospectus namin sa BusinessWorld):
* mga suliranin sa pagtula, na nahugot ko sa forum ng Kilometer64 noong Biyernes ukol sa makata sa panahon ng krisis;
* mga plano para sa isang alyansa ng mga musikero, na may kakabit na mala-negosyong indie recording and events/artists management outfit;
* ang peligro ng antibiotics sa kalusugan ng lipunan;
* ang panukalang budget at kung paano ito naka-disenyo sa pagpapatagal kay Gloria (at kung paano rin siya makikinabang kapag reenacted ang budget).
Somehow, may birtud sa long-term planning. Kung tutuusin, mayroon talaga. Ngunit hindi naman ito per se ang ikinakapagod ko ngayon...
* * *
Matagal ko na itong nasabi: dadalas dapat ang pagsusulat ko sa blog na ito dahil sa kasalukuyan kong assignment sa Senado, ngunit sa halip, nananaba ako.
Sa halip na maging malusog ang isip dahil sa regular na input sa pagsusulat--tula man o komentaryo--nauumay ako. Kamakailan lamang, nagtakda ng mga panibagong patakaran ang opisina, na ika nga ng isang kasamang reporter, "Martial Laws."
Hindi ko na pinananabikan ang bawat araw, sapagkat ang una kong iniisip pagkagising ay kung ano ba ang aking exclusive para sa araw na iyon. Mag-aadvise ako ng alas-nueve at maghahalungkat ng balita pagkarating pa lang sa beat sa umaga (kaya minsan, obvious sa mga kasama kong reporter sa Senado na tumitipa ako ng exclusive).
Pag patak ng alas-tres, kailangan nang mag-slug. Bagaman madalas na may hearings pa rin akong binabantayan sa mga oras na iyon, kailangan nang isabay ang pagsusulat sapagkat may nalalabing dalawang oras na lamang para dito. Pagdating ng alas-siyete, tatawag sa opisina para mag-clear.
Pagkatapos noon, mage-email sa cluster head ng mga inaasahang balita kinabukasan. Madalas, nakakauwi na ako ng alas-otso hanggang alas-diyes ng gabi.
Sa sobrang stress, imbes na mabusok ako sa pelikula ay nabubundat ako sa kaka-kain ng tsitsirya o ng polvoron habang nawiwindang at nagsusulat ng istorya. Lumalakas ang kain ko sa tanghalian (hindi lamang tuwing may libreng packed lunch mula sa mga senador kundi tumatakaw ako in general).
Ang pulitika ng stress na ito ang nagpapabundat sa akin araw-araw, imbes na napapalawak ng isip ko ang pulitikang nilulubluban ko araw-araw sa pagtatrabaho sa isa sa pinaka-mapulitikang institusyon sa Pilipinas.
Wala na akong maisip araw-araw kundi "istorya, eksklusib, deadline, istorya, eksklusib, deadline, istorya, eksklusib, deadline, istorya, eksklusib, deadline, istorya, eksklusib, deadline, istorya, eksklusib, deadline, istorya, eksklusib, deadline, istorya, eksklusib, deadline..."
Hindi na ako makapag-sulat ng tula ngayon, kahit na aktibong-aktibo sa Kilometer64 (iniisip ko nga minsang humiling ng timeout sa mga aktibidad, nakaka-konsyensya lang sa ibang kasama na pursigido, although recently ay ang dami kong foul-ups dahil sa windang ang utak). Although minsan yung work load plus yung mga responsibilidad ko sa
Nitong Biyernes lang talaga ako muli lumigaya nang i-launch namin ng Gapos ang aming matagal nang nakabinbin na CD, although taxing din ang lahat ng naging preparasyon namin para sa launch.
Kung dati itinakda ko nang magtatagal ako sa peryodismo ng limang taon, sapagkat iikli yata ang life expectancy ko dito sa trabaho dahil sa sobrang stress ay inaasahan ko nang mababawasan ng tatlong taon ang itatagal ko sa peryodismo, at least sa kasalukuyang diyaryong ito.
Gayumpaman, napapaisip ako kung malusog pa ba sa akin ang manatili sa ganitong linya ng trabaho, o kinakailangan nang mag-iba ng pace ng buhay at linya ng propoesyon. Ano lang, di pa ako kampante na mawalan ng malusog-lusog na sahod.
mga tugon sa haloscan []
isyu 110: Lunes, ika-21 ng Nobyember 2005, 1:30 ng umaga
balik-batayan
Back to basics ang blog na ito mga tol. Isang dahilan nga marahil kung bakit ako hindi ginaganahang mag-blog (kahit libo ang binabayaran ko buwan-buwan sa DSL) ay dahil sa magulong lay-out na hindi umuubra sa firefox. Nakakatamad ayusin, at kung tutuusin, marami na ang nagsasabing magulo talaga ang layout na panay div (isang dahilan, sabi nga nila, kung bakit hindi nakaka-engganyong basahin).
Kaya heto, balik-batayan tayo. Babalik din ako sa batayan kung bakit ako nag-blog: hindi upang magpasikat sa paggamit ng html kundi sa pagsusulat. At ito ang hindi ko nagagawa dahil sa fixation sa disenyo. Kaya heto, buhay na muli.
Hindi ko na rin gagamitin ang id na "Langaw sa Isang Basong Gatas." Una, kaka-launch lang ng GAPOS ng E.P., kung saan kasama ang kantang may parehong pamagat, na hinalaw sa maikling kuwento ni Amado V. Hernandez na may parehong pamagat. Ikalawa, naririndi na ako sa mga nanghihingi ng talumpati, tula at papel. Isa na rin itong dahilan kung bakit di ko muna ikakabit ang tagboard ko dito. Mayroon namang haloscan.
Bukas, sisimulan ulit ang pagratsada, at ang paliwanag kung bakit ganito na ang pamagat ng blog. May budget hearing pa bukas, kailangan nang matulog.
mga tugon sa haloscan []
|
|

KAPI. reporter sa umaga, rahkstar sa gabi, makata sa madaling-araw.
Francis Yerro Capistrano, lalaki,
23 taong-gulang, taga-lungsod Quezon. Nag-ugat sa Aklan at Camarines Norte,
bagaman hindi marunong mag-Bisaya o Bikolano.
kontakin sa
kapicapistrano@gmail.com
Mga Salarin:
pj
aaron
alex
anj
ate len
bolix
caloy conde
carlo
carl
chanchan
chris
cocoy
danny arao
denskie
ederic
egay
elbert
emskie
faj
iñigo
iris
javie
jeline
jilly
job
joel
jeeu
jomar
jonar
julian
jun l.
kakoi
kareeza
kramer
lawrence
leokay
maan
maita
makoy
mando
marcus
mic
mikael
mong
naya
nherz
nikko
nina lasala
noel
nunuy
osh
pael
pao
paul how
peachy
ria
roy a.
roy m.
rustum
sef
sigh
sonny
tish 1. 2
toni
tsarlz
waps
yol
Sinupan:
isyu 1-6 (dis02-ene03)
isyu 7-10 (peb-mar03)
isyu 11-14 (mar03)
isyu 15-17 (may-hul03)
isyu 18-22(set-dis03)
isyu 21-48 (hun-okt04)
isyu 49-53 (okt04)
isyu 54-75 (dis04-en05)
isyu 76-100 (en-mar05)
isyu 101-109 (hun-set05)
Nagpapairal sa blog na ito:
pitas.com
haloscan
enetation
tagboard
village photos
|