Flute: Am I REAL??? Ako si MAEC. Isa na ngang graduate ng isang kapita-pitagang paaralan sa gitna ng kawalan. **end of message**

Paunawa: Page Under Construction

Wata-dey

Friday, April 30, 2004 bandang 09:42 p.m.

Mood: Very Ok (approaching 'nirvana')

Whew, talagang WHAT A DAY!. Sobrang pagod na pagod ako ngayon. Pero okay lang naman, cause everything's worth it. Simula nung *umaga, hanggang pagdating ko dito sa bahay.

Owell, pumunta ako sa UPD *again. Nagising ako nang pagka-aga-aga, tinataya kong 5 o'clock yun. Tas, I got going mga magsisix. Okay nga eh, kasi ngayon ko lang uli nakita ang paligid nang ganoong oras. I *kinda miss my morning routine nung pumapasok pa ako. *Kinda lang. *tawa sabay tigil*

Fast forward: I got to grab *Libre sa MRT station. Nung nasa loob na ako ng vehicle (luckily, nakaupo ako at peace), eh nagbasabasa ako. Pinlano ko pa namang mag-review ng *onti sa Algebra, pero wala ring nangyari. Inenjoy ko na lang ang unang *Libre na nakuha ko sa buong buhay ko. Yeah, that's a FIRST. Tas, nakarating ako ng UPD nang mga 7:10 am. And guess kung anong oras kaming magtetest dapat nandon? 9:00 am!!! Now, maaari ko na ngang sabihin ang famous line so far ni *Shii Ann sa Survivor All-Stars, "Take that!"

So ano nga bang mga worth-it na iblah-blah sa inyo 'bout my trip? Well, ganito yun, dahil sa aking *medyo kamangmangan, tinahak ko ang landas mula sa tapat ng Research Institute hanggang sa Math Building. Gamit ang aking *mapa (isa na namang perstaym), nagmarunong ako. Sa tuwing nakakakita ako ng *landmark na nakalagay sa *mapa ko, eh tuwang-tuwa na ako, parang Victory talaga. Tas lakad lang ako nang lakad, at napansin kong may mga gusaling nakalagay sa *mapa na wala naman talaga sa *totoong paligid...

Syett, ano ito? Nawawala ako!. Medyo nagpanic ako, pero di ko pinahalata sa mga kakarampot na taong nakakasalubong ko. After much torment and heat, nakarating na rin ako sa dulo ng earth, este, sa Math Building--ang building na nasa gitna ng kawalan. Pif, dapat pala sumakay ako ng Toki, para hindi na ako nangamba ngamba sa panganib ng Heatstroke.

Fast Forward uli: so what's with the test? THE TEST SAKS. Pucha, ang hirap. May multiple choice part pero karamihan eh SOLVE ekek. Owell, okay lang kasi I really enjoy such tests. Gusto ko ng mga tests na nakakachallenge talaga, kahit alam kong di ko masasagutan talaga... basta.

So ayun, together with Myrence, She and Aria, we got to see the funny side ng College life. Medyo *Riot kanina. Siyempre, kasama ko si Aria ba naman. *sigh, i miss the peeps.

Tas, I went home alone. Nagtest pa sila ng Math 14 ekek. I decided to attend the gathering ng gang na lang. Pero nung mag-eescalator na ako (nasa SM na ako), I saw Grace and Aljo. Hay, kunwari di ko sila nakita. Ang ingay ni gandamato talaga. Hyukhyuk. Tas ayun, naglustay na naman ako ng isang daan para sa *internet card.

Then there's Nirvana...

Gang Update: Mas onti ang pumunta ngayon kesa last Friday. Again, hindi alam ni inay na parte na nga ako ng gang. Again, sasabihin kong mas Ok na ang ganito. Hindi alam ng kapamilya ko. Baka magkagulo pa kasi sa gang kung malalaman nila. Open ako sa gang-talk ekek na ito kasi proud ako sa grupo ko. No questions please. We'll be seeing each other on Monday, as I said sa dati kong entry, we're going to meet other *gangs. I wonder what's with *them.

Nirvana=Some random, blahblah incoherent thoughts: group is Meow. Loser. New gang acquaintance is Angela. Don Bosco rin siya. Gulat. The smallest gap between me and *him. Laughs out loud. Food ganon pa rin. Give me Five enks ni Cav. Enks of Ina. The wonderful Mais Con Yelo. *he's funny. I told Tamara that she's beautiful. Did not believe.

Bwahahaha! Sa akin na lang yung mga 'yan. Secret enks lang.

Again, *smallest gap.

_____________________________________________________________________________________Flute: Am I REAL??? v0.0

Musika

Wednesday, April 28, 2004 bandang 10:05 p.m.

Naalala ko lang ang sabi sa akin ni Ana nang minsang magkita kami. Nanood daw kasi siya ng pelikula ni Joel Torre at Gwen Garci (nakalimutan ko yung title). Tas tinanong daw ni Joel Torre yung girl (habang nakikinig sila ng classic music) "Anong pinapakinggan mong musika?" Ang tugon ng babae, "Kahit ano."

Eto na: sabi ni Joel Torre, "Kung ganon, hindi mo talaga gusto ang musika, dahil ang talagang gusto ng musika, may isang (genre) na pinapakinggan."

Syett~~ PANALO! Pinag-isipan ko ang sinabi ni Ana sa akin. Oo nga. Parang si Katkat, mga oldies ang pinapakinggan niya, mga ballad, tas si Ana rin old rock, ako naman eh alt rock. Oo nga. Tama nga ang sinabi ni Joel Torre.

_____________________________________________________________________________________Flute: Am I REAL??? v0.0

Painting at ang *gang

Wednesday, April 28, 2004 bandang 09:23 p.m.

Mood: Okay
Song: The Reason -Hoobastank-

Galing ako sa SM Bicutan, at bumili ng isang painting. Isang painting?!? Oo, tama ang narinig mo, bumili ako ng isang painting. BUMILI AKO NG ISANG PAINTING!. *evil grin* Siyempre, kumain ako sa McDo na naman, mag-isa.

Speaking of McDo, pansin ko lang ano, ang bano ng nirerentahan ng McDo sa SM Bicutan. Sobrang liit. Pano ba naman, habang ako'y payapang lumalagok ng aking softdrink, biglang may kung sino mang mokong na nagtanong nang PABALANG, "Miss, may nakaupo?". SIyempre, ang reply ko, wala, sabay lagok ng aking panulak at tingin sa plastic na naglalaman ng tsipipay na painting na binili ko. Tas bigla ba namang sumigaw siya, "Dito!", sabay hatak ng upuan, at tingin sa painting na binili ko na nakapatong sa upuan sa tapat niya. "Tanggalin mo yan, uupo kasama ko," parang ganyan ang sinasabi ng tingin niya. Owell, as a reflex action sa part ko, kinuha ko ang painting ko, sabay lagok ng softdrink. Tas, napaka-uneasy. Parang close ko sila, parang kasama ko sila at kumakain KAMI-- SAMA-SAMA sa isang table.

Owell, ilang saglit pa ang tinagal ng sikmura ko sa pagkakaupo sa tila It's-a-small-world-table at umalis na ako.

At nakita ko na ang #gitara ng buhay ko! Pero titingin pa ako ng ibang istilo. Pero gusto ko na nun eh. Sobrang gusto, na pwede na akong gumulong doon sa tapat ng store at tumawa nang tumawa (sniff-tawa-tawa)

Gang Update: Mas marami ang pumunta ngayon, nadagdagan na kami: Si Kuya Martin, Kuya Mark, Kuya Jordan, Liezl, Dixie, Winnie, Rachel, Ina at kami-- Cav, Con, Ako, Mitch, Migz, Gabo, Bev, at Tamara. Marami kaming napag-usapan, gaya ng fund raising, concert, mga kumite, workshops at recruitment, mga problema nung last meeting, at ang family day sa MJS. Hopefully, magampanan namin ang mga dapat naming gawin. Nakakatuwa nga si Kuya Marts eh, saka si Kuya Mark rin. They are really suggesting stuffs na makakapagpaganda ng aming gang. Sana magkaroon na nga ng Camp, para mas OK. Tas, si Ate Czar pala ay isang dentista. Ngayon ko lang nalaman, tapos kami ni Ina ay super napa-wow.

Tas may lakad kaming lahat sa Monday, isang so-called Bonding Session sa Makati, tas makakameet daw kami ng iba pang gangs sa Monday.

*Sigh* hanggang ngayon, hindi pa rin alam nina mommy na kasali ako sa gang. Pero mas Ok nga yun eh, mas nag-eenjoy ako.

Nandon nga pala *siya kanina. *tigil sabay tawa*

_____________________________________________________________________________________Flute: Am I REAL??? v0.0

Shot

Tuesday, April 27, 2004 bandang 11:50 p.m.

Wala naman talaga akong masasabi sapagkat wala namang consequential na nangyari. Pero sige, magiisip na rin lang ako-- sapagkat kung ang beer at pagyoyosi ay ginagawaran ng tao ng isang SHOT kuno, bakit hindi pati ang pag-iisip?

Di ako pumunta sa Bridge session namin. Tas, nagpapahanap si Bug ng IQ test materials. Magte-test daw siya. In-announce niya ang di-naman-masyadong kagimbal-gimbal na balita habang kumakain kaming dalawa ng hapunan. Tas sabi ko sa kanya, gagawan ko na lang siya. At ano ang reaction niya sa inaalok kong tulong-- isang pagmumukhang nagpapakita ng pagka-"HA?" o yung tipong nangungusap na @!#$ ang yabang mo ah! Well, it ended up na ihahanap ko na lang siya ng mga reviewer ekek sa computer mamayang mga hatinggabi.

SUPERIORITY COMPLEX--> Sabi ni Bug, yan daw ang magiging sakit ko. At saan naman niya napulot ang bagay na iyan? Answer: sa ka-opismeyt niya. Superiority Complex, in layman's term, KAYABANGAN, MAHANGIN, MATAAS ANG TINGIN SA SARILI, HAMBOG, FEELING LAGING MAGALING AT NUMBER 1, at iba pa. Superiority Complex-- tunog AliEn ba? Hm, sabagay, "inferiority" complex, tas superiority complex-- that makes sense naman ata. Going back-- at pano naman ni Bug na-conclude ang sakit (kuno) kong iyan? Sabi kasi ng ka-opismeyt niya na graduate ng UP, ganon daw talaga ang sakit ng mga tiga Oble; at si Bug, naniwala naman.

Sus, pero sa akin, NO BIG DEAL iyan. Siguro, magkakaroon nga ako ng SC. So what?

Walang kuwenta, di rin ako masyadong nakapag-isip! PDDS! pa-shot-shot pa akong nalalaman. PDDS uli!

Gang Update: magkikita kami bukas, Wednesday 2-4 nang hapon. Si *Con yung tumawag sa akin kanina. I wonder kung sino-sino aattend bukas.

_____________________________________________________________________________________Flute: Am I REAL??? v0.0

College talk at iba pang kwentong kombo

Monday, April 26, 2004 bandang 11:50 p.m.

Mood: I feel Good!

So ayun, matapos ang kabanuang naganap kaninang umaga, naligo na ako at pumuntang UP para sa pagpapapisikal examination.

Tinanghali na naman ako kanina, subalit hindi naman ako na-late. Ngayon, alam ko na nga ang tamang daang tatahakin papunta sa aking bagong skul. Nyehehehe. Hinde na ako nag-pretend. *sniff* At sumakay ako ng MRT. Sus, ang buhay nga naman oo. As usual, nakatayo na naman ako. As in nakatayo lang ako-- ni hindi man lang ako nakaupo! Sus, tas paglingon ko dun sa isang row, puro lalake ung nakaupo. Hindi na sila natinag! Sa totoo lang, okay lang na hinde ako makaupo. Okay lang talaga. Pero yung lolo na nakatayo--talagang nakalulungkot ang senaryo. Tas, nakaupo naman siya, after mga 3 stations. Sabi ko sa sarili ko "Mga lalake sa ngayon oo-- hindi ganyan kuya ko!". Pero siyempre, dapat iwaksi ang bitterness na nadarama ko. Ganon nga ang ginawa ko, at inaliw ang sarili ko sa pagkanta ng Wish You Were Here ng Incubus. Tas e di may mga nagsisakayan na sa Ayala ekek. Dami babae nakatayo. Tas ako, deadma lang. Tas biglang may napansin akong lalakeng tumayo, at nagbigay ng kanyang upuan para sa isang babaeng mga edad 30 na. Napa-WOW ako talaga! At sino ang taong iyon? Siya ay walang iba kundi ang lolo na nakuwento ko sa inyo.

Now guys, this is for you: Gentleman ka? Talaga lang ha...

*sniff* So ayun, nakarating na nga ako sa Infirmary. Syett, wala na namang tao sa conference room-- lunch break, pare. So anong ginawa ko? Pumunta ako sa Coop sandali, tas uminom ng isang napakalamig na buco juice. Yeah. Tas bumalik ako. Wala pa ring tao. So naghintay-hintay lang ako. Then may tumabi sa aking guy, hindi naman niya ako kinausap. Kasama niya ang kanyang nanay, ang kanyang kaklase, at ang nanay ng kanyang kaklase. Bored to death na ako, tas bigla silang nagdaldalan--at ang topic: CoLlege life

eto panalo talaga::: ang ilang clips (na mejo nabago nang onti dahil sa di ko maalala ang eksaktong salita) sa kanilang convo :::

Nanay: Naku anak, mag-cocollege ka na. Naku, eto na, delikado na.
Son : (quiet lang)
Inay2: Oo nga, college na. Madalas kasi sa kolehiyo, mga naggagala na. Alam mo iyon, pa-mall-mall na...
Nanay: Oo nga. Parang nagiging Independent na ang bata pag ganon. Sabi nga nila, ang college ang true life na eh
Girl : (kinig lang, nakikiayon sa matatanda)
Nanay: Oo, pagtapos ng klase, mag-mo-mall na agad, tas pag may bakanteng oras, mag-mo-mall na. Pag-uwian, magkakayayaan yang mga bata, mag-mo-mall.
Son : Sus. Di po ako ganon.

Syett, PANALO! Nung pinapakinggan ko sila eh nagimbal ako na semi-semi natatawa. Hay, ang iba nga namang tao-- ang paniniwala! Kinumpara ba naman ang INDEPENDENCE at COLLEGE LIFE (na sinasabi nilang TRUE life) sa PAG-MO-MALL. Ganon? Sabagay, tao lang. Pero sana ang mga tao, mas malawak ang horizon, para mas masaya! Mas maganda! Mas okay ang outlook sa buhay!

hay naku, pag naaalala ko iyon, sumasagi sa isip ko, bakit ba di na lang ako nakialam sa usapan nila at nagsabing: WALANG NAKAKATAKOT SA PAG-MO-MALL, at hindi ito super valid na indikasyon ng Independence, at ang college life ay hindi katumbas ng true life...

...dahil kung iisipin, ang buhay nating mga tao ay talagang TRUe na kumbaga, simula noong ipinanganak tayo, hanggang sa ngayon. Ikaw ba naman, isipin mo, papayag ka na may TRUE LIFE ka, at may FALSE life ka. Syett, eh kahit nga ung mga sinasabi nating pagd-dwell sa panaginip o sa ILUSYON ay TRUE LIFE itself. In short, wala talagang true-true ekek, kung iisipin. dahil kung may true, may false... parang ganon.

gets niyo point ko?

Tas un, nagsidatingan na ung mga tao sa Conference Room, at si BG guy eh nandon na. Ang BG talaga. He's wearing shirt na may black and white stripes (hindi ung pampreso) tas matangkad siya. Wala lang. Dun ako pumila sa kanya, para ok. At nagtungo na nga ako sa tapat ng Room 12, at nakausap ang isang babaeng magjo-journalism. Okay naman siya, may sense, halata naman eh. Number 4 ako (hisoka number). At nung turn ko na, pumasok na siyempre ako sa Room 12. Syett, pagpasok ko dun, sabi sa akin:::

Doc: Unhook your bra. Unbutton your pants.
Ako: (napatanga)
Doc: Bilisan mo. Marami pang nakapila.
Ako: (ha?)
Doc: Okay lang yan. Unhook your bra, unbutton your pants, mahiga ka diyan take off your shirt.
Ako: (nababalisa, pero ginagawa pa rin ang dapat gawin)
Doc: Mahiga ka na diyan
Ako: (tila nawala sa sarili)

Ang masasabi ko sa pangyayaring iyon-- mukha akong Tanga! as in! Alam ko naman ang magaganap, pero nabalisa pa rin ako. Syett. Syett talaga. Tas mukha talaga akong enks kasi hanggang sa paglabas ko, hindi ako makapaniwala sa naganap. Mukha akong tanga! hahaha! Iba to pare!

so ayun. Nagpasa na ako ng APE at nagkomyut. Papunta na ako sa aking kaibigan.

After 2 hours of desperation at torment sa butt, nakatayo na rin ako. At muli ay nakita ko ang aking mga kaibigan. Talk-talk. At sobrang natuwa ako. That explains my mood ngayon.

Edited: 12:13 AM Wed, April 28 Ngayon ko lang natanto, este, nung kumuha pala ako ng ekek sa APE (advanced placement examination), NAKAKALOKO ang grade ko sa Trigo! tangna, ang baba! Na-realize ko talaga, TAGUS-TAGUSAN, nung sinabi ng babaeng pinasahan ko ng application form na, "Bakit Math 11 ka lang? (sagot ko hindi umabot grade ko, tas siya tumingin sa Transcript of Records ko) Ay MABABA nga ano!"

_____________________________________________________________________________________Flute: Am I REAL??? v0.0

semisemi Monolog ni flute

Monday, April 26, 2004 bandang 08:54 a.m.

Mood: Angst

Kung si Shylocke (tama ba spelling?) ay may monologue, si Flute rin ay may monolog:

Tila napapaisip ako--> kuntento na ba talaga ako sa ganitong layout (kung layout man na matatawag ITO)?!? Pingtangkaan kong baguhin, tipong lagayan ng bertikal layn/division para sa isang sel na lang lahat ng miseleynus na nasa baba. Subalit nung makita ko ang kinahinatnan, ampuchang gala! sandamakmak na kapangitan na pampapangit ang nakita ko. sniff. nakakainis. ang gusto ko lang naman eh maiimprub ito, ngunit tila wala na talaga! Ako ay sawi! nung nakita ko nga ang bagong ekek, eh nagimbal ako... ngayon, ako ay napapaisip, papaltan ko pa ba ito o makukuntento na lang ako sa kabulukang ito? naiinis ako. Kung ano ito nung umpisa, un pa rin siya. Walang pinagbago! Tila wala akong silbi! *sniff* Ano ba ito? Maraming pumapasok sa isip ko-- napakarami. Subalit anong meron sa makinaryang aking ginagawan ngayon? Ni wala man lang akong Photoshop ngayon! ni walang Corel! ano na ba ang kahihinatnan ko? Bakit ba lahat ay nawala-- lahat ay NAWAWALA? Pati ang kautakan ko ay nawawala na! Minsan, napapaisip pa nga ako--FLUTE AM I REAL??? hinde, mali.. FLUTE, is this real??? Sinabi mo na sa sarili mo dati na Do Not Settle for Mediocrity (bago pa nasabi ni hembra sa iyo un) pero bakit itong pahina mo eh di mo man lang maayos ayon sa gusto mo? Hindi mo ito mapa-OK? Meyk ap yor maynd nga! Gusto mo pa ba ng tag bord o ano?!? gusto mo pa ba ng kaekekan sa sayds o sels o ano? Gusto mo pa bang gumuhit ng baner o ano? Gusto mo pa bang ilagay ang dati mo na ngang nagawang bakgrawnd o ano? Gusto mo pa bang baguhin ito o ano? Nauubusan ka na ng oras! mag-memey na!

Marahil nagulantang lang ako sa bagong pahinang nakita ko kanina(na binura ko kaagad) sapagkat nasanay ako sa isang maputing ekek na pahina, na may nakalagay na Paunawa sa taas. Kailangan ko lang na maging open sa pagbabago.

Naaasar ako for the meantime sa sarili ko, hindi ba ako ang nakilala mong chimi na ginagawa ang makakaya sa isang trabaho? tas, hinde ko magagawa ang nais ko!? nakakapanghina ng loob.

*end of monolog na walang kakuwenta kwenta sa iyo, sa sanlibutan, isang monolog na hindi napagdugtongdugtong ang thoughts nang maayos* pake mo?

sa tingin mo ba, tingin ko sa sarili ko na I SUCK? ehem, pinapaalala ko lang--> If flute saks, pano ka pa?!?

_____________________________________________________________________________________Flute: Am I REAL??? v0.0

E-wan

Saturday, April 24, 2004 bandang 11:33 p.m.

una sa lahat, tuusin muna natin ang pamagat ng *aakdain* ko ngayon. Ewan--ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang EWAN. In layman's term, ang katumbas ng salitang EWAN ay hindi ko alam, o sa Ingles ay I don't know at sa slang naman ay *ehem* I dunno.

Subalit ang salitang ito ay may iba pang mas malalalim na kahulugan o katumbas o, sabihin na nating, GAMIT. Ito, kumbaga para sa mga taong tamad, ang pinaka-handy na kasagutan sa lahat ng klase ng katanungan. Ito ang pinakamadaling paraan ng pagsasabi ng mga tugon sa isang kombo (convo), mga katagang gaya ng *Huwag mo akong guluhin*, *ayokong mag-isip*, *tantanan mo ako*, *pwede ba?!?!*, *ayoko kitang kausap*, at iba pa. Kung sabagay, kung iisipin nga natin, ang salitang Ewan ay dalawang pantig lamang at binubuo ng apat na letra... isigaw mo--> E-WAN!!!!

Iba pang karagdagan: ang salitang EWAN ay nagsisilbing isa sa pinakamaiikling paraan ng PAGMAMAANG-MAANGAN, ibig sabihin, alam mo talaga, pero hindi mo pa amining alam mo... Tas, ang salitang ito rin ang nagmimitsa ng kasamaan sa tao (yung taong sinasabi ko ay ang kausap ng nagsasabi ng salitang ewan)... at ang ilan sa mga kasamaang ito (na naiisip ko) ay ang mga sumusunod:
1. Ang pagiging mapanghusga sa kapwa (sasabihin ng taong sinabihan ng ewan, *ano ba ito, tatanga-tanga naman ang isang ito...* or the like);
2. Ang pagiging magpaghinala. Ito ay kawalan ng tiwala sa isang tao, at isang masamang indikasyon ng pagkakaibigan, pagkakasundo o pagsasama. Kung mapapansin natin, lalo na ng mga estudyante, kapag ang isang tao ay tinanungan natin ng tanong na para sa atin ay katumbas ng buhay at kamatayan at ang tugon lang sa atin ay isang napakalamig na EWAN, masasabi natin sa ating sarili... "@#$!... ang damot naman nito.. akala ko ba kaibigan ko itong mokong na ito.. parang tinatanong lang eh... @$#!"..

*sniff* biruin niyo, isang napakaikling salita, ang daming maaaring maidulot... pano pa kaya ang isang pangungusap? ang isang kanta? ang isang aklat? ang isang...

sus, ano ba naman itong pinaglalalagay ko... tsk, tsk. So balik na sa totoong business ko dito:: ang paglalahad ng aking kablahblahan.

Kahapon, obviously wala akong net card. abstinence kumbaga. Pumunta ako sa church kahapon, hinde alam ni mommy. Walang nakaaalam kundi sina honey, sarah, at kung sinu-sino pa.. at ikaw na rin! Ayoko ko kasing pagsabi. Ewan. So quick recap ng mga bagay-bagay kahapon:

1. Late ako kahapon. Nanood kasi ako ng Survivor Series---
2. At ano ang naganap sa survivor? Nanalo si Shii Ann. Ito na marahil ang pinakamatagumpay kong nakitang pagkakapanalo sa isang immunity challenge, with matching sabisabi pa siya ng "TAKE THAT!!!" sa faces ng then-Chapera tribe members. Syett~ victorious siya masyado. Hinde ko naman siya gusto talagang manalo. Pero wala lang. Di ko rin masisisi ang gaya niyang inoutcast ng ibang myembro ng chaboga mogo tribe.
3. Tas, pumunta na ako sa church, mga mag-aalas tres na ako nakarating. Nandon na ang grupo ni *Con at ni Cav.
4. Naglettering ako ng "Please Get One" 3x. Para sa Food... Food Committee Head ako di ba? Hehe.
5. Tas ayun, bumili kami ng yelo for the drinks. Kasama ko si (Ate) Marielle, at ang iba pang *kids, mga miyembro ng Ushering Committee.
6. Tas nagdatingan na ang mga peeps... 32 lang kami. Anyway, nag-Opening Prayer ako kahapon. Never in my entire life ako naglead ng prayer sa church. sabi sa akin ni Kuya Jessie (birthday pala niya nun~~ HAPPY BIRTHDAY PO!!!), "O gusto mo ikaw uli sa Next Friday?"... hehe.
7. Nag-ice breaker kami. Fish ang grupo ko. Masaya naman. No regrets.. as in pare, NO REGRETS (ohh... may ---- guitar ekek sa tenga ko!) lol
8. P&W na. tas, may icebreaker uli. Bibihisan ung king and queen ng group ng newspaper. Okay si Kuya Jordan gumawa ng crowns at si Ate Marielle naman sa robe. tas ung si Kuya Martin naman sa sword.. ako? sa finishing-tulong-ekek lang ako. Lol. Si Kuya Jordan ung king. Lol. (again, may guitar ekek sa tenga ko! lol) tas si Ina ung queen. Funny talaga, lalo na ung sword! ANG ANGAS! tas, para silang nakakapote! Well, it ended up na panalo ung Star of David Team, team nina Cav na naman (they won the first ice breaker). Pano ba naman, nilagyan nila ng caption ung ROBE ng king nila (si Jesse)...it reads:: vote: DA KING!!! o d ba? napapanahon.. tamang-tama pa, KING NA KING ang dating!
9. Tas, e di kumain na, then nagfill up na ng info sheet. (again, may ++++ guitar sa tenga ko! sa kamay ko na rin!) ako lang muna nakakaalam ng naganap na kababawan~~
10. Tas, umuwi na kami, kasabay ko si bev at Mich. tas may naganap dun sa hagdan. lol. Quiet, tas light ang footsteps. Syett~~ again, ako lang muna ang nakakaalam.
11. Nasa bahay na ako, at naunahan ko ang mga tao. Nagwonder ang nanay ko kung san ako pumunta (kasi tinanong niya ung katulong). Pati si bug, tas sabi ko, sumali ako sa Tau Gamma ekek aka FISHER's SOCIETY. sabi ko, naimbitahan ako online. tas naniwala si Bug. Ahaha. sandali lang naman, kasi sinabi ko kaagad na joke lang iyon. pero di ko sinabi talaga kung san ako pumunta.

yun ang naganap kahapon. ngayon? Ah, nagtest lang ako sa Araullo High School para sa isang *secret* test. Mala-UPCAT. tas nag-SM (nakita sina Jennylyn Cutaran at isang unknown). tas nagLRT, at umuwi. Di ako pumunta sa bday ni Lolo Fidel.

Nakakain nga pala ako ng sour gummy bright crawlers after many years.

At napansin ko, mas gusto kong magsulat sa Tagalog kesa sa Ingles, at mas gusto kong matutunan ang literatura ng Pinoy kesa ibang bansa.

NoyPi ako!

_____________________________________________________________________________________Flute: Am I REAL??? v0.0

Pre-enlistment at iba pang lista-lista

Thursday, April 22, 2004 bandang 03:35 a.m.

It's funny... really funny. I just pre-enlisted on my supposed-to-be GUSTONG subjects in UP, that is, an hour ago. O well, it turned out to be mga DI GUSTONG subjects and timeslots. O well again, what's funny is my PE subject--- WALKING for FITNESS! lol. *evil laugh* ... OoOoO umandar na naman ang pagiging twisted ko OoOoO

O well, maybe I'll just change my choice just in case ****. And if that would happen, i'll choose Contract Bridge.

darn! kasi naman, nag-ka-clash ang youth ministry sked ko at ang Bridge. Sa Friday, ewan. I might as well attend with the gang kesa sa game. Sniff, again, it's all about faith/fame *limpbizkit*

and i joined Zorpia. My username's FLUTEY! taken na ang FLUTE-- huhu.

what else? AH, i talked to honey on the phone. Matapos ang fasting sa fonecalls eh tumawag ako kay Honey... at we talked about 3A, Sir Jo, and funny memories. i'm so happy. tas, share siya about her enk. blah, blah, blah...

tapos, akala pa niya, ilusyon lang si bahistaman!

i soOoOooOOoo want a guitar!

_____________________________________________________________________________________Flute: Am I REAL??? v0.0

cool stuffs

Wednesday, April 21, 2004 bandang 11:42 a.m.

Hay, pag sinabi bang cool, ano naiisip niyo? Ako, pag narinig ko ang salitang iyon, ang pumapasok sa isip ko eh yung mga taong kakaiba Oh yeah! Tas, yung mga taong masayang kasama at gusto ng mga adbentyurs gaya ko. (ehem, mga adbentyurs rin na kaya ng sikmura ko!)

Ngayon, ang tanong ko::: cOoL kaya si bahistaman? *evil laugh*

iba pang bagay na cOol na naganap kahapon--->>>WALA

Hinde, i just went to church yesterday. Hay, nagprepare pa talaga ako dun---at ano ang get up? NAKAPAMBAHAY LANG! ahehehe. So ayun. Ang call time kasi eh 2:00pm. At nakarating ako ng 2:27pm, sabi ng cell ko. So ayun, nagdoorbell ako sa sanctuary at pinagbuksan ako ni Sis Zarina. Tas, naghanap-hanap ako ng mga iba pang tao... yun pala nasa isang sulok lang at ayun! sniff. Kami'y 6 lang doon. tas nagsidatingan na rin ang ibang tao.

We basically talked about things na makapagpapaganda sa aming gang. Owell, ang masasabi ko lang eh BORING ever ang meeting. Sniff. Simula pa lang kasi yan eh. Anyway, ayun, it ended up na ako ang mag-oopening prayer sa Friday at kami ni Cav ang sa Food Committee. I don't like it. Pero naman kasi, ang aarte ng mga kasama ko... to think na guys sila. sniff. well, eto ba ang napulot ko sa ParSci??? Yeah, man, self-confidence!

Tas, i found out na isa sa mga kasama ko dun eh si Gabrielle Nones aka Gabo. Grabe, kasi nung easter sunday, when I was hearing mass, nakita ko siya. tas, sabi ko "Kilala ko itong taong ito eh. Hindi ako maaaring magkamali.. pero sino ba siya???" Then nung kahapon, nung sinabing siya nga si Gabo sabi ko.. "Ah, yes, si gabrielle nones" Pero i did not talk to him. pif.

Tas ayun. Mommy texted me. Tanong kung nasan na ako. di ko sinabing nasa simbahan ako, and at my own expense di ko sinabi nga't napagalitan ako. pano, akala gumimik na naman ako mag-isa. Sheez.

another cool thing:::: ---------- INCUBUS

O well, napanood ko lang kasi sila sa MYX presents. at sobrang natuwa ako... grabe, Brandon was so hot!.. tas i've got to see their Old Videos na minsan lang sa buhay ko nakita dati. Yeah, there's Pardon Me, Drive, Stellar, Wish You Were Here, tas ung Live na Megalomaniac, tas many more videos... i feel so lucky yesterday.

tas ayun, pagkarating ko kahapon, nagnet na uli ako. tapos, nakatulog.. at nagising ako kanina lang umaga.. nanood ng Music Videos, at naginternet na, at nagsusulat na dito!

Alalahanin nga pala: Maging Gentleman that's cool!

_____________________________________________________________________________________Flute: Am I REAL??? v0.0

Pers Taym

Tuesday, April 20, 2004 bandang 01:51 a.m.

Maraming kakatuwang bagay ang naganap sa aking buhay ngayong araw, este, kahapon (april 19, 2004, monday). Di mapaliwanag ang katuwaang nagaganap sa buhay ko. sobra. Di rin mailarawan ang mga naganap na ito... yung tipong makukuwento ko sa inyo ang mga detalye gaya na lang ng pagkakakuwento ni Dr. Watson sa adbentyurs ni Ginoong Holmes.

So simulan na natin.

1. First time kong pumunta ng Munisipyo para kumuha ng pera. Ang masama nga lang eh di pala dun kukunin ang pera, kundi sa skul pa rin.
2. First time akong maging FC sa isang taong di ko talaga C. Anyway, kalog talaga ang taong iyon at mabait naman.
3. First time kong bumiyahe nang mag-isa papuntang sucat tatawid at mag-bus-- walang kasama, walang katsikahan.
4. First time kong magkunwaring magaling sa pagkokomyut. Di naman talaga. NI Mantrade ay di ko alam. Pero keep on pretending pa rin tayo. Ang inosente ko pare.
5. First time kong makalagpas sa bicutan ng walang kasama. Naiiyak na ako sa kababawan!
6. First time kong magpunta sa labas ng Pque City nang mag-isa. Muli, naiiyak ako sa kababawan!
7. First time kong magpunta sa Quezon City mag-isa. Sa UP na rin.
8. First time kong magpamedical kasama ang sangkatutak na BG sa paligid. Maganda yan~~
9. First time kong magliwaliw sa kalupaan ng Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Nakakaiyak ang feeling at kababawan!
10. First time kong sumakay ng jeep nang hindi alam kung saan talaga pupunta. Nomad kumbaga.
11. First time kong makita ang kotsekotsehang pampasikat ng kampo ni Roco.
12. First time kong makarinig ng live ang tila musikang inuugong ng kuryente sa may bandang EEE.
13. First time kong makainom ng tubig na maaaring ituring na sosyal na aystubig. 5 piso ito sa UP, at iniistro.
14. First time sumakay ng Ordinary Fare bus nang mag-isa. Ayun ay sa Philcoa.
15. First time kong makatulog sa Bus na walang kasama, as in mukhang nomad na tulog sa bus.. yung mga nakikita niyong workers na babangagbangag sa bus
16. First time kong kumain ng mag-isa sa Popeye's at manood ng sine. Passion ay ngayon ko lang napanood.
17. First time sa buong buhay ko na makakita ako ng inereng komersyal na nageendorso sa isang pulitiko sa isang sinehan. Kahindik-hindik! Si Gordon ang may kagagawan nito.
18. First time kong maranasan na biglang tumigil ang palabas sa sine sa kalagitnaan ng hikbi, hikbi at kagilagilalas na eksena. salamat sa SM.
19. First time kong tawagan ng isang tao galing sa Youth Ministry. Nakakalugod ng damdamin.
20. First time kong nireplyan ang pinost ni ralf sa frenster. Nakakagulat!
21. First time kong malaman na sila na ni robi at meara, at naging sila ni jb at meara.
22. First time kong sabihin sa mundo (through frenster) na gusto ko maggitara talaga. International yun!

Nahagilap ko na friendster account *niya.

_____________________________________________________________________________________Flute: Am I REAL??? v0.0

smiles

Monday, April 19, 2004 bandang 12:16 a.m.

bumalik ako sa bahay, kahapon. napa-aga kami ng uwi. angpanget kasi ng place.. mabulok na ang puerto galera! imagine, makakita ka ba naman ng ... enk. bukas ko na lang kuwento, tamad ako ngayon

random thoughts:
1. friend ko na si patrick sa friendster
2. attend ba ako sa youth sa friday? may commitment na ako sa bridge eh. pero what's more important: faith or fame? *limpbizkit*
3. galing na naman sa smb. saw *him.
4. nag bake si bug ng cookies. yummy
5. i wanna learn to play guitar. *he plays guitar.
6. aalis ako bukas. munisipyo at upd. allowance ekek at medical. sabi na, this will be the busiest summer so far.

*him (mami j, gaya lang!)

again, *him

_____________________________________________________________________________________Flute: Am I REAL??? v0.0

Bye Bye *sniff*

Thursday, April 15, 2004 bandang 11:24 a.m.

*sniff*

aalis na ako. nabasa mo ba?!? AALIS NA AKO! so di ko na mai-u-update itong pitas ko for a long time. HIndE na. *sniff*

Joke lang. Inexagge lang. I'll be gone for the meantime. Yun lang naman. SAndalI lang naman. pero siyempre, kahit sandali lang, eh nakakablah pa rin. Like, you (or most of the people), i'll be spending some days off-town (ayoko OUT OF TOWN gamitin... parang business ekek eh)

So sa mga kaYM ko, wag niyo nang isipin na nakainvisible na naman ako. Pag gabi ko lang talaga ginagawa yung invisibility ekek na yun. Anyway, once na nakabalik na ako, i'll tell type down the details ng aking will-be-adventure with bug. Yey! kasama si Bug. SI kuya ko ata hinde.

so tama na nga yang blahblah na yan.

Siya nga pala, nanood ako ng MTV kanina. Shucks, nagpagupit si ALANIS!!! ang mahaba niyang hair ay wala na. Well, sobrang ikli nga, pero ewan... i think that mas maganda ang magiging hair niya pag hanggang shoulders. sandali, bakit ba ako nakikialam?!? anyway, i like her songs naman, especially Hand in my pocket. ANg tagal-tagal ko na ngang sinusubukang imemorize yun, wala pa rin.

Speaking of songs, hook na hook ako ngayon sa Standing at the Edge of the Earth pati If you're Gone by Blessed Union of Souls at Matchbox Twenty, respectively. Ewan ko ba. Pero tulad ng Hands in my pocket, ang tagal-tagal ko na ngang minememorize yang mga kantang yan. Grrr.. nauna pa yung somewhere out there (lady of peace) ko na memorize last year. grrr...

Sandali!!!! bakit puro kanta itong nasasabi ko?!? hmmm. ewan. ewan. Oops, sabi nga pala ni Melai, makukuha na ang allowance bukas!!! pfft! eh wala nga ako bukas eh. grrr..

grr. oo nga pala, sa pagkakaalam ko, KAHAPON, opisyal na ngang sinara ang BUILDING ng Skul ko (natin) wala lang. share lang. kaya dehins na pwede kumuha ng kagamitan kung saan niyo ba siniksik ang gamit niyo... wala na! wala na!

nakapanood nga pala ako ng Blues Clues wahehehe. may salamin si Magenta, at may isang tao dun. parang enk sila ni Steve. wahehehe. tapos may pusa dun sa playground nila. At nag-PIKO sila! nyahaha

ayun lang. sige!

_____________________________________________________________________________________Flute: Am I REAL??? v0.0

Bridge - - - gusto ko nito!!! at iba pang storya

Wednesday, April 14, 2004 bandang 12:38 a.m.

Supposed to be, this is an entry for April 13, 2004 (tuesday) pero, dahil sa mga *sirkumstansya*, eto ako ngayon, naghihikahos para mag-blog ngayong hatinggabi. Oh well, who gives a damn? ~~pakersworldwide~~

So unahin na lang natin ang ibang storya, maya na ang BRIDGE ng buhay ko~~~~~~~

>>>> Nakuha ko na ang ubod ng pagkaganda-gandahang grad pic ko kanina. Bigla na lang inabot sa akin. pakdatdamsyet. ang *ganda-ganda* ko talaga! napaka-BUHAY ko. Owell, ganon lang talaga ang buhay. Salamat sa Angie's Studio, for the job.
>>>> At since nakuha ko nga, ibig sabihin, nasa skul ako. Nakarating ako ng mga 11:20 am. And ano ang calltime? 10. Ooh, saw Mang Deuda again (ty!). Anyway, una kong nakita si Ate Aprille. Oooh, i sOooooO admire her.
>>>> Ang RESEARCH ay minulto na naman ako. Grabe. akala ko na i at last escaped from its grip. pfft. akala ko lang pala. grrr. Si kenneth, ayaw maniwala na hinde ma-ano ni kuwan yung inanuhan nila nina chuo na blah. harhar. RIOT!
>>>> Sabi ni sir Jo (na may bagong hairstyle)... parang ilang buwan daw kaming di nagkita-kita. Oh well, ganon talaga. Halata rin ngang natutuwa siya na makita kaming mga estudyante niya *then* na magkakasama at nagtatawanan. Si r*-*- naman, eps. sabi ba naman na bumaba na kami dahil nag-iingay daw kami. Grr. parang blahblah. anyway, deadma lang.
>>>> pumunta kami (broche, ako, taren, cla, sarski, kemita)sa Jollibee sa Sucat tatawid at nakita namin ang french fries ni cla, at ang dating pinagkabaliwan at kinababaliwan ni taren.
>>>> Ang sayang kablahblah si Kaira! napakacute na bata. nagpunta kasi kami kanila Taren. ang layo!
>>>> tapos ayun, nanood kami ng flukey Love Storm at Naruto nina clarence at kemita. Oh well, 2nd ep na ang napapanood ko so far... okay na rin!
>>>> i forgot my consent form sa bahay nina Ana.. at imbis na 5:30 kami nakaalis kanina ana, 8:30 na... SALAMAT SA....

BRIDGE!!!!!!

at kay Mr. Dan Lulu, ang butihing tatay ni ana. Onti lang masasabi ko sa bridge. I think na i found the game na super great. at ito ang BRIDGE. ah, so nice talaga! Tinuruan niya kami FOR FREE at grabe, ang hirap. gumamit pa nga ang tatay ni ana ng internet at nag-log-in sa bridge online community para lang makanood kami ng live game. grabe, kami ay tinatawag na KIBITZERS or spectators, in other term. Ayun, akala talaga, simpleng game of chance lang ang bridge, subalit hindi pala. hindi siya gaya ng lucky nine, pusoy dos, poker, or tong-its. It is a game for intellectual minds, at sa lahat ng open ang isipan for such ekek. Sadly, the country has only few players (na talagang may PASSION) ng bridge. That's why nga, parang PAMANA ito ng tatay ni Ana. Oh well, i did enjoy so much. He is even willing to take us to Fort Bonifacio para maging kibitzers sa ibang players this saturday, the problem is we have our commitments already. Bale, we just agreed to have our second session on Next Friday. I'm excited. For sure, honey's gonna love the game. Moreover, kumplikado nga ang mechanics ng game, pero exciting talaga... plus, tatalas ang isip mo, and you could say to somebody sa college at pagtanda::: Hey, I know how to play Bridge. You know that? (nagyabang daw ba?) pero, siyempre, dito mo lang sa pinas pede gawin un. Siyempre, dubbed as the world's most famous card game, bridge(huits dati) is super kilala sa ibang countries, esp in the US, France and China(hongkong) and is even mentioned in classic books such as those of Jane Austen's. Sayang, it's a dying game sa Pinas. sayang talaga, samantalang kung iisipin, bridge has taken ana's dad to different continents and parts of the world-- likewise, it can be YOUR key to a greater, or better yet, new horizons. Hay, basta.. pagpasensyahan niyo na ako. Na-overwhelmed lang ako masyado. basta, i'm looking forward to Session 2.

_____________________________________________________________________________________Flute: Am I REAL??? v0.0

RANTING FOREVER

Tuesday, April 13, 2004 bandang 12:27 a.m.

galing ako sa UP then Megamall, at ang daming kalokohan ang naganap sa buhay ko. sobra. pero siyempre, meron ding OK pero nangingibabaw ang kalokohan. nakakaasar. Grabe ang kalokohan...

ieedit ko na lang ito bukas. mamaya pala, pag nakarating na ako... magpiprint pa ako ng blahblah ng ano sa UP.. ano?!? ano yung ano? wag mo muna alamin...

NAIINIS AKO!!!

EDITED::: April 14, 2004, Wednesday 1:45 am

oh well, ano ba? tinatamad ako actually, so i'll just name a few-- una, halos nabulok ako sa office ng mommy ko kakaantay. Well, naiintindihan ko naman si mommy. pero ang ayaw ko eh nilalamig na ako sa loob ng office nya. sobra. hinde talaga RANTY (?!?)yung isang yan. tapos yung buwisit na BUS na imbes na makababa kami sa bicutan eh sa sucat kami lumagpak... pero pinatugtog naman sa amfangs nitong estasyon ang SHE WILL BE LOVED ng Maroon 5, surprisingly! At ok naman.. pero kagulat-gulat na iplay siya dun. tapos, naging MONSTER tuloy ang nanay ko... creepy! horrendous! aw. At ang init-init nung araw na ito! un na lang... *yawns*

_____________________________________________________________________________________Flute: Am I REAL??? v0.0

Taking Lives and Life (itself)

Sunday, April 11, 2004 bandang 10:18 p.m.

Obviously, napanood ko na ang movie na Taking Lives. Owell, maganda naman ang movie. Magaling ang pagkakatahi (ooOoOoo) ng story. And the casting/casts is/are great. Yeah! Yun nga lang, i thought Kieffer Sutherland plays a super major role dun, hinde pala. Nyahahaha. Ethan Hawke plays good, as well as sexy Jolie. Nyahahaha(uli) So grabe rin ang ibang scenes.. and If you're into such films na super UNEXPECTED ang storylines or whatsoverS, you've got to watch this one! Unexpected, lalo na if you did not read reviews about it*. Rating is: ^^^^ out of ^^^^^. (4 out of 5 ^'s) ~~para maiba naman~~

AND LIFE (itself)---->>>>

Ano pa ba ang drastic na bagay-bagay ang naganap sa aking not-so-fun na buhay? Ahem. A oo, nagsimba pala ako, tapos eh di siyempre, about sa Resureksyon ang sermon ng pastor... may bagay akong napansin dun sa finlash na slide, which states that: The encounter with the resurrection of J should radically alter our lives... (or something like that). So basahin niyong maigi. As in basahin niyo... carefully read and understand the statement... tapos na? Oh well, ang palagay ko lang naman eh the word should must be replaced by would. You get what I'm trying to say, right? Well, the word SHOULD sort of... parang someone's compelling something... parang di pa siya absolute. Whereas, the helping verb (or auxiliary verb or whatsoever verb) WOULD suggests absolute value-ekek. Oh! you get what i mean~~~ sorry, i'm just not good at explaining things. So going back, nung sinabi ko ito kay bug nung papunta kami sa SM(b) eh parang nagsasabi ang kanyang mukha na SO WHAT? oh well, sabi ko, pag ang nakikinig sa kongregasyon ay katulad nina MR, Taren, or studes ng parsci, or GANOON ka edukado, maaaring mablahblah ang blahblah (o, parang ung buhay ni Chris McCandless... sino siya?? i-search niyo sa Web... biography niya ang blahblah sa INTO THE WILD)

so ang isa pang drastic na blahblah eh ang Chowking Expedition na un. AY NAKU! as in! nakakabanas! ang lagkit ng floor, ang dumi ng chairs, ang gulo ng tables, ang dami ng taong ekek, ang gulo-gulo. At bakit kami nandon??? kasi gusto ng aking ina na kumain ng halo-halo sa chowking... at HINDI AKO KUMAKAIN NG HALO-HALO!!! at dahil sa tingin ko ay kasalanan ni bug kung bakit inorderan rin ako ng nanay ko ng halo-halo, pinakuha ko sa kanya lahat ng toppings (o halo) ng share ko.. at bakit sa tingin ko siya ang salarin??? dahil alam niya na dehins ako kumakain ng halo-halo~~~na sinabi naman niyang hindi niya alam na di ako kumakain nun... ang gulo ng mundo ko kanina sa chowking.. by the way, di ko pa pala nakukuwento sa inyo, ayaw ko dun... wala lang... gusto ko McDo... wala lang uli, nag-pa-plug lang!

ayun, nakita ko rin si Mary Mae kanina sa SMB, bago kami manood ng Taking Lives. At nakakabano ang ISP kanina!!! nyemas, down ang server kaninang tanghali... takte talaga. grrrrrr... tapos ung Friendster naman nakakaasar dahil error nang error! Na-approve ko na ung testimonial, biglang, DI NA NAMAN!!! grrrrrrr... grrrrr... grrrr... oh well, di ko naman kayang TIISIN yang mga yan, siyempre, parte yan ng LIFE ko sa net.

_____________________________________________________________________________________Flute: Am I REAL??? v0.0

Pumpkins versus Chickens

Friday, April 9, 2004 bandang 09:35 p.m.

First of all, i changed the look of my tagboard pero ganon pa rin naman siya. erm, gets?

Anyway, today is Good Friday. So ayun, nandito lang kami sa bahay. Pero, we did eat... fish and veggies. Hmm.. i remember dati, we (ako pala) tried to eat nothing... inom-inom lang. Kumbaga, "tiis-tiis-muna-guys" wahehehe. pero kanina, nung dinner, nagulat ako: mayroong chicken blah-blah sa hapag-kainan. Sabi ko "Uy, ano ito? Test ba ito?". Pero di ako kumain nun. veggies na lang, para okay. masarap naman eh. Tapos sabay dating ni Kuya (galing lang naman sa kuwarto). Tulad ko, nagulat rin siya (ahahaha-- his usual look) tapos biglang sabi ni mommy "If you eat that, don't eat the other one...(ekek)" aba ingles! nyahahaha. going back-->>> sabi nga ng aking ina eh isa lang ang pwedeng kainin. syett, test of blahblah nga. Biglang ngumiti ang kuya ko, sabay lingon kay Bug, sabay tawa (nyahahaha) sabay sabi pa-->>> "Daddy, susubukan ko nga..." ang tatay ko naman ay sinabing: Wag!!! (well, minus the emotions) sabay nood ng balita sa ABSCBN.

well, to cut this short, Hindi ganon katapang ang kuya ko para mangahas na paghaluin ang mga pagkaing ipinagbabawal na pagsamahin ng mga matatanda (in other words... di niya kinaya) i guess, hindi naman dahil sa may balak magpaka-Impo ang kuya ko; ginamit lang niya ang kanyang kautakan::: parang--->>> Gusto ko pang mabuhay no! pero di ba, parang ganoon na rin un?!? wah??!!?? basta kumain siya ng chicken ngayon. nyahahaha. (pinapagulo ko lang isip niyo!)

aun, si bug abala pa rin sa pagbabalanse/pagau-audit niya ng mga halos isang-daang blahblahs ng mga kumpanya... di ko tuloy siya makausap. Kaya natulog na lang ako maghapon. Bummer's day na naman!

ayun. nanood kami ng Merika kanina bago kumain... sandali... bakit ganon? ang nanay ko pala'y nagbake ng rhum cakes... hmmm, bakit ganon? dapat walang gawa ngayon ah?!?

well, dahil di naman kami katoliko. Pero Kristyano naman kami. *tawa*tawa*tawa*

ayun. on monday, i'll be going to up. try to tell u the details next time. ngyorks, siyempre, wala pang details.

hanggang dito na lang... ang susunod na linya ay hindi para sa reader:::

salamat po sa Inyo.

_____________________________________________________________________________________Flute: Am I REAL??? v0.0

Maundy Thursday, condo unit, doorbell, blahblah

Thursday, April 8, 2004 bandang 09:28 p.m.

hello!!! kakachat ko lang with gandamato at nagtalo kami. inaway ko siya. Sorry talaga, bugso lang yun ng matindi kong damdamin at kabalastugan. bano ako eh. bano ka rin naman ah! sigh... bano tayong dalawa... sige na... peace na pare

Ayun na nga. Maundy Thursday ngayon at di ako dapat nagiinternet. tsk, tsk. ewan. bukas ako magPaPasting eh. wahehehe. So what's with maundy thursday?!? ewan malay ko ba kung bakit *Maundy ang tawag dyan. pakisabi naman kung ano yun o... pakisabi lang sa baba

Ayun, basically, isa lang ang talagang magandang naganap: ay dalawa pala: (1), nagkadoorbell na kami! After years ng pagkakasira ng first good doorbell namin, eto na, meron na rin kaming matinong doorbell. Hindi na muli ako sisigaw pag hapon ng Ate (name ng katulong) nandito na ako!!! nandito na ako!!! pabukas!!!

well, yun ay kung uwian pa ako... uwian pa. i mean, kung di ako magdodorm or board ever sa college. oh well, malabo na atang DI ako maguwian. (2)Tumingin na kami ng condo unit sa qc kanina. Well, di pa siya tapos (as in di pa talaga!!!) pero para kay mommy, okay lang. Nice na daw eh.. the resources--->malapit sa Fairview & Commonwealth Markets at sa (siyempre) MWSS (dami tubig) at pinakaimportante, sa loob siya ng isang tahimik na subdibisyon.

SUBALIT malayo siya sa UP campus. as in... kung mula sa dati kong skul (praise to you alma mater!) eh siguro... sa Tatawid pa ung condo na un.. o mas malayo pa... mga 1 matinong sakay sa bus o di kaya'y jeep ang layo (mula sa main entrance ng UPD)... bale, 2 matinong sakay lang.. compared sa 3 karumal-dumal na pagkokomyut mula sa *dati kong skul* hanggang dito sa bahay.

Sheez, talagang tumatanda na ako. Kung sa tingin niyo na I'm all that excited sa pagtira sa bagong bahay, eh, hinde. Una, maliit ang isang condo unit. Mahal pa. masaya na ako sa bahay namin ngayon. Pangalawa, I have to live alone (yeah, i could do my stuffs pero, there's always a BUT), wala si kuya't si bug at parents ko. Tapos bagong mga kapitbahay na di ko alam kung *monsters* ba. Walang computer dun (except kung papayag ang parents ko na tangayin ko itong PC dun). Tapos, malayo sa mga koneksyon ekek ko (the greater the separation distance, mas lumiliit ung force, may it be gravitational or electrical) *Sigh*

But guess na talagang ganon ang magaganap. I need to grow, man. YEAH!!! CHIMINESS, tumatanda ka na!!! Malaki ka na!

*ah, FREEDOM* ... **not so**... (isip si JC de quiña, famous line niya yan)

Gusto ko ng kantang CLOSING TIME by Semisonic (LSS). Kaya Aljo, wala akong ibig sabihin nung sinabi kong gusto ko ng kantang Closing Time. Tama ba naman na layasan mo ako? Bah, may kasalanan rin naman ako... etong sa iyo: nyahahahahahahahahahahahahahahahaha

siya nga pala, magSELFCONTROL bukas. araw araw na rin. Selfcontrol mga pare, self-control.

_____________________________________________________________________________________Flute: Am I REAL??? v0.0

Kakatamad naman ~~

Sunday, April 4, 2004 bandang 03:50 p.m.

BABALA: Ang mababasa mo ay walang kinalaman sa ikababago ng sanlibutan o ng sangkatauhan, walang maidudulot sa iyong mabuti. Ang mga sumusunod ay wala talagang kuwenta kumbaga, so bahala ka na.

~Syett~ nakakatamad nga naman ang araw ngayon. Pati kaya kahapon.

Sige, sige, kuwentuhan ko na lang kayo ng mga kabanuang naganap kahapon. *Ehem* so ayun... pagpupugay muna pala::: HAPPY BIRTHDAY PRINCESS at KC ~kapatid~ wahehehe, *Demi. aun nga. kabanuan nga naman. Ang naganap lang kahapon nga eh nakipag-chat ako sa mga tao sa YM at inimbita ko na nga pala *siya*... gamit ang pinakamamahal na laptop ni buggienesss. wahehehe uli. *Tapos* na eh. aun nga, una kong kachat si Cess... Talktalk about Parsci-ever kami. Tapos sa mga kaguruan--talktalk din kami dun. Tapos umalis na kami at nagpasama si Buggieness sa SMB. Bibili siya ng regalo para kay Lourde Maximus Rafael.

It ended up na bumili kami ng isang mala-pagong na hinahatakhatak na may bloke-blokeng shapes-shapes... ganon... mga mag tatatlong daan na un.. ang useless na bagay na iyon. Sabagay, nung bata kami gustong gusto namin ng mga ganong kakalatan sa bahay. Yung mga tipong patapong bagay... hay. sabi ko nga kay Bug, bilhin na lang niya ung bloke-blokeng letters. Hindi pala siya bloke-bloke... mala-bloke lang. kaso 5daan eh. Para sa mala-blokeng letra... sasabihan ko na lang si Ate Joanna na magsulat sa papel at turuan si Raprap. wahehe. (*loser) Tapos aun. Bumili rin kami ng Skrib-age. Hay, isa na namang hakbang na bugso ng aming pag-iisip bata't paglulustay ng kaperahan.

Kumain rin kami sa fave ni Bug na Gerry's Grill. Bakit ba pag kasama ko siya eh laging dun kami bumabagsak??? Anyway, pera naman niya lahat. Tama--pera naman niya. Nyahahahaha. Tapos nagpunta kami sa Bldg B. Bumili ako ng aking mga second-hand na libro sa *Diplomat. sa apat na librong nabili ko, ang pinakagusto kong libro eh ung sa Russian & European literature. Yeba! Yeba! mura lang siya--25 pesos--at halos kumpleto. Yeba! Yeba uli! Sale kasi sa buong ka-SM-an hanggang ngayong araw, at talaga nga namang nakakahilo. Muli, nakita ko ang presyo ng mga damit sa *Bayo't *Kamiseta na maging humble. (ampuch!)

Yun lang. Tapos umuwi na kami. Inunahan namin ung mga madre sa trike. Ahe, bitterness ba daw. *sigh* Pagdating ko dito sa bahay, internet agad. Nakausap ko sina KC, Thesa, Aljo at Zeus.

Naghanap na rin lang ako ng pesteng fonts nung tinamad nan akong makipagchat. Okay naman ung mga nakita ko. Nakakainis nga lang kasi pinapatulog na ako agad kagabi. Tumigil na ako sa pagnenet subalit... nanood na lang ako ng VH1. About sa music revo nung 1972 at 1970's. ang panget ni Elton John>> siya lang naman nakilala ko dun. ahehehe. Ang bano rin ni Nixon. Mga kano nga naman oo. bano. bano. bano.

Ngaung araw rin, sucker talaga. Sucker. Sucker. sucker. KATAMAD!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Anyway, I'll be going to school tomorrow. *Demi, ung clamp mo pala nasa akin. Binasa, este, tiningnan ko pala siya. Gusto ko ung guy-guy blah-blah-- ang sensual. ahahaha.

*Sigh*

_____________________________________________________________________________________Flute: Am I REAL??? v0.0

Ilan na ba ang naligaw?
mga naligaw


name 
url     


utang na loob ko ito sa...

::Links::
Definitely Deminess
Behind the Smile
Rainbow
Confused Lady
Are You Ready Kids?
Semi-semi Gallery
Friend Test

::More Links::
[Pitas] [Chipok!] [Blog Hop] [The Calling] [Friendster]
« # Pinoy Ako ? »

E-mail

::Archives::
next 2 1