ABS-CBN TV-BITS AND SCHEDS admin login
TV scheds and infos are subject to change and can be inaccurate at times. Check www.abs-cbn.com, kapamilya YG or kapamilya.now.nu
New Page 1

BORA - MAMAYA NA

Tuesday, March 1, 2005 06:33 a.m.
BORA - MAMAYA NA Sina William at Mary Checks ang mga bisita sa Krakatoa Bar. Sa unang tingin, mukha silang ordinaryong mag-jowa na gusto lang mag-relax sa Bora. Ang type nila ay walang air-con na kuwarto at ayaw nila ng maingay. Pero, sa unang gabi nila sa resort, bigla na lang nabulabog sila PJ dahil nakarinig sila ng sigawan mula sa kwarto nina William. Sa pag-aalala, kinatok ni PJ ang dalawa sa kanilang kuwarto, pero nagulat si PJ, dahil ang sigawan pala ng dalawa ay ugat sa kanilang pagruromansahan. Kaya ang ending, nagalit ang dalawa kay PJ dahil nasira ang kanilang moment. Sunud-sunod na insidente pa ang nangyari, dahil maraming bisita sa resort ni PJ ang umalis. Samantala, si Marlon naman ay walang sawa sa panghaharot kay Lotus at ito ay nadiskubre ng kanyang tiyahin na si Ursula. Dahil dito, tinakot ni Ursula si Marlon na tatanggalan ng lahat ng yaman. Deadma lang si Marlon at nagpatulong pa kay Lenin para magayuma si Lotus. Kung pamilyar kayo sa mga pangalang ito, alam niyo na na sila ang mga karakter sa Bora ng ABS-CBN 2. So, kayo na lang ang bahalang dumiskubre kung gaano pa kagulo ang mga eksena sa Bora. Ang Bora ay pinalalabas tuwing Martes at pinagbibidahan nina Piolo Pascual, Bernard Palanca, Diether Ocampo, Jericho Rosales at Carlos Agassi. Kasama rin sina Pauleen Luna, Pia Romero, Jaymee Joaquin, Joyce So, Mickie Joy Hyatt, Bentong, Luis Manzano, Roderick Paulate, Dennis Padilla, Gerhard Acao, Empoy Marquez at Caridad Sanchez. Ang Bora ay mula sa panulat ni Joey Reyes at dinirek ni Johnny Manahan. Guest sa episode na ito sina Chokoleit, Apreal Tolentino at Justine Cuyugan.

New Page 1

How to Prevent Fires on Magandang Umaga Bayan

Monday, February 28, 2005 07:55 p.m.
Sadly, the month of march, also known as Fire Prevention Month, is the month were most cases of fire occurrences happen in Metro Manila and nationwide. Find out from Erwin Tulfo, Bernadette Sembrano, Connie Sison and the Morning Patrol more useful tips on how to prevent fires for the Fire Prevention Month on Magandang Umaga Bayan, tomorrow at 5:30am, after Kumikitang Kabuhayan (5am) and before Happy Kiddie TV (8:30am), only on ABS-CBN.

New Page 1

Ostriches as One Business on Kumikitang Kabuhayan

Monday, February 28, 2005 07:53 p.m.
Sure, ostriches are cute and lovable even if they're bird brained, but these can be a source of income! Find out how you can have a pot of gold from a working business with a farm of ostriches on Kumikitang Kabuhayan, tomorrow morning at 5am, after the replay of ABS-CBN Insider and before Magandang Umaga Bayan, only on ABS-CBN.

New Page 1

Chockoleit sa Bora

Monday, February 28, 2005 11:12 a.m.
Si Marlon (Dennis Padilla) at ang lahat ng mga taga-Boracay, kasama na sina PJ (Piolo Pascual), Alon (Jericho Rosales), Caloy (Carlos Agassi), Lenin (Bernard Palanca) at Ditoy (Diether Ocampo) ay nagulat sa pagdating ng tiyahin ni Marlon (Chockoleit) na sumusuri kung nambababae si Marlon o hindi. Halos napahagikgik at napasuka sila sa mga pamamasyal ni Marlon at ng kanyang tiyahin sa Bora! Makakaligtas pa ba si Marlon sa mga sitwasyong ito? At ano na naman ang kaguluhan sa pagitan ng isang mag-asawa (Justin Cuyugan at Apreal Tolentino) na nag-aaway pa at naninira sa matahimik na Bora? Alamin sa Bora, ngayong Martes, alas-10 ng gabi, pagakatapos ng Primetime Bida at bago ang ABS-CBN Insider, dito lang sa ABS-CBN.

New Page 1

"Buwis-it" Mamaya Sa The Correspondents

Monday, February 28, 2005 11:11 a.m.
Kinakapos na umano sa pera ang gobyerno. Ito ba kaya ang dahilan kung bakit pinipilit na dagdagan ang value-added tax? Ang tanong: kaninong bulsa ang tatamaan? Sa mahihirap, middle class o mayayaman? Ito ang imbestigasyong ilalahad nina Patrick Paez at Gigi Grande sa The CORRESPONDENTS, Lunes, Pebrero 28, 2005, pagkatapos ng Insider, dito lang sa ABS-CBN.

New Page 1

Ketchup and Paw on OK Fine

Monday, February 28, 2005 11:10 a.m.
Catch Ketchup Eusebio and Paw Diaz as they kick on some gags with Aga Muhlach, Edu Manzano, John Estrada and Bayani Agbayani with the entire gang of OK Fine 'To Ang gusto Nyo, tonight at 10:00pm, after Primetime Bida and before ABS-CBN Insider, only on ABS-CBN.

New Page 1

PRIMETIME BIDA LAST FRIDAY (2/25/2005)

Monday, February 28, 2005 11:03 a.m.
SPIRITS

Nagkausap sa daan sina Dumala at si Lloyd, dito nasabi ni Dumala na naramdaman niyang mas malapit ang loob ni Gabby doon sa isa pang kabalyero (Red). Pero ayos lang daw ito kay Lloyd dahil hindi naman daw nun mababago ang nararamdaman niya para kay Gabby. Naikwento rin ni Dumala ang history ng pakikipagugnayan ng mga engkanto at tao.

Medyo nagtataka na si Gracie dahil kakaiba ang kinikilos ng mga kaibigan ng ate niya at ni "Gabby". Samantala doon sa mundo ng mga engkanto, naaalala ni Lloyd si Gabby at muntik pa mapaaway si Jesse dahil sa larong sinalihan niya at ni Bughaw. Napagalitan tuloy ng isang werewolf si Bughaw dahil saliwang saliwa raw ang isip nito sa kanilang lahat.

Nagkakahirapan na sa pagbabantay kay Sola ang apat na natira sa mundo ng mga tao. Miss na miss na ni Red si Gabby at worried na siya dahil wala siyang magawa para dito. Kay Sola niya nasabi ang kanyang damdamin kahit na hindi naman nito maintindihan ang mga sinasabi nito. Pero nang umalis si Red bakit sumunod si Sola?

Gulat na gulat naman si Bughaw dahil may lumapit na uwak sa kanya. Ang alam niya ang TagaSundo ang nagaalaga ng uwak at ginagamit ito sa pagsundo ng mga kaluluwang namatay na. Anong mangyayari kay Bughaw?

++++

KRYSTALA

Habang may isinasagawang ritwal ang tribo sa kanyang nanay Aleta, kausap ni Tala si Ima. Ayaw na raw niya maging Krystala, madaming nawawala dahil sa kanya, si Mokong tapos ang kanyang nanay Aleta. Pero sabi ni Ima dahil nasa digmaan siya kailangan may magbuwis ng buhay at magsakripisyo. Wag daw sana siya sumuko dahil ang pagayaw ay tiyak na pagkatalo.

Kinausap rin ni Lualhati si Tala, kailangan daw niya si Tala. Kailangan niyang mapigilan ang mga masasamang loob na lumalabas, siya lang ang pwede. Maiiwasan pa rin naman raw ang paghahari ng SND, hindi nalang raw siya magpapakasal. Isasakripisyo niya ang kanyang pagmamahal.

Naisip rin niya na ipaghiganti ang kanyang ina sa pamamagitan ni Krystala. Pero pinaalala ni Ima na siya ang Sugo ng Kabutihan kung kaya't hindi niya ito dapat gawin. Samantalang galit na galit naman ang ama ni Igo sa kanya, tinalikuran raw niya ang pagkaMadulom niya. Nagpapaliwanag si Igo, naging biktima lang rin daw siya ng mga pangyayari.

Matapos maihatid ang kanyang ina sa huling hantungan, itinanong ni Igo kung bakit hindi nalang raw nila ipagpatuloy ang naputol nilang pagiibigan. Tumanggi si Tala kaya inisip ni Igo na si Miguel ang tunay na dahilan ng dalaga. Nagpaalam na rin si Tala at bumalik na sa Maynila, sumama rin si Igo. Ipaglalaban daw nito ang pagibig sa kanya.

++++

HIRAM

Diana goes and talks with Derek, trying to convince him to soften the sanctions they will be imposing on her friend. Ayaw nito nung una, gusto daw niya ng solid na reason kung bakit dapat bigyan pa ng pagkakataon si Sophia. So under Derek's promise na hindi niya sasabihin kahit kanino ang rason na ito, Diana tells him why Sophia has been troubled lately.

Meanwhile patuloy naman ang pagsesetup ni Stephanie kay Margaret at Harry sa trip na ito. Ito namang si William nagbabalak na mahalikan si Margaret bago matapos ang outing nila. Magtatagumapy ba si Stephanie eh parang wala rin naman nangyayari dahil umiiwas si Harry at Margaret sa isa't isa.

Kabadong kabado naman si Sophia sa maaaring maging desisyon ng board sa kanya. Ang buhay daw niya ay ang trabaho niya, ito na lang daw kasi ang natitira sa kanya. Kaya ng mademote siya bilang Production Manager nalang ay halos nagwala siya. She accused Derek of being jealous of her kaya dinemote siya. In a fit of rage nasabi ni Derek na alam niya ang sikreto ni Sophia.

Galit na galit na sumugod si Sophia kina Diana, tinulak pa niya ito at sinabing doon na nagtatapos ang pagkakaibigan nila. Gagantihan siya ni Sophia, wala naman nagawa si Diana kundi umiyak dahil inisip lang naman niya ang tulungan ang kaibigan niya.

++++

TILL DEATH DO US PART

Dash tries to tell Ysabel na ipaglaban ang pagibig nila ni Manuel. Kaya lang iniisip daw niya ang anak ni Manuel kaya wag na raw. Roxanne gets a call about a plum role for her kaya lang di niya matanggap dahil buntis siya. Asar na asar siya dahil dito. Meanwhile nagpakita ulit si lolo Damian kay Ysabel.

Nagkwento pa ito sa kanya about his 25 years in Saudi, Ysabel asks him kung sinasabi ba nito na wag na siya sumama kay Drew sa Singapore. Manuel asks Roxanne na kung pwede sa huwes nalang raw sila magpakasal, akala niya tulog ito pero yun pala gising at rinig na rinig ang mga sinasabi niya. Lola Conching and Lola Lulu put the pressure on Ysabel to go with Doc to Singapore.

Away pa rin ng away sina Darling at Roxanne at sa paguusap nila ng kuya niya, narealize ni Manuel ang mga implikasyon ng pagpapakasal niya kay Roxanne. Pinuntahan tuloy ni Darling si Ysabel as a last ditch effort na hindi matuloy ang kasal ng kuya niya kay Roxanne. Nagtatalo raw ang isip at puso ni Ysabel, samantalang si Roxanne naman nakapagdesisyon na, ayaw na niya magpakasal. Ibibigay nalang daw niya ang bata kay Manuel dahil alam niyang magiging mabuting ama ito.

Drew also finally lets Ysabel go, hindi na raw niya dadalhin si Ysabel sa Singapore. Ysabel still hopes na sana balikan siya ni Manuel and asks for a sign from God. Paguwi niya bigla namang halos mabangga ng jeep na sinasakyan ni Ysabel ang karo ni Manuel. Ito na ang sign!!!

++++

Watch Primetime Bida tonight at 7:30pm to 10:00pm after TV Patrol World and before OK Fine, only on ABS-CBN.

New Page 1

DM and Other Guests on Homeboy

Monday, February 28, 2005 10:13 a.m.
DM Sevilla joins the ordinary guests and celebrity guests in this unique episode of Homeboy, with host Boy Abunda, today at 10am, after Mission Odyssey and before MRS, only on ABS-CBN.

New Page 1

Welcoming Baby Antonia Bersola Babao on MUB

Sunday, February 27, 2005 03:33 p.m.
How will the Morning Patrol greet the newly born Baby Antonia Bersola Babao and her happy father and mother, Julius Babao and Tintin Bersola Babao? Join Erwin Tulfo, Connie Sison, Bernadette Sembrano and the Morning Patrol this week on Magandang Umaga Bayan, Mondays to Fridays, 5:30am, on ABS-CBN!

New Page 1

Puto, Kutsinta At Iba Pa Ba sa Kumikitang Kabuhayan

Sunday, February 27, 2005 03:30 p.m.
Puto, kutsinta, kakanin, at iba pa--alamin ang mga negosyo sa loob ng kusin at kung papaano magsimula at magtagumpay sa mga negosyong ito dito lang sa Kumikitang Kabuhayan--ngayong Lunes, alas-5 ng umaga dito lang sa ABS-CBN.

New Page 1

Entrapment on Sunday Family Cinema (2/27/2005)

Sunday, February 27, 2005 11:19 a.m.
Witness a multimillion dollar heist happening on Millennium New Year's Eve at Kuala Lumpur planned in New York by one middle aged man (Sean Connery) and one lady (Catherine Zeta Jones). Will they succeed? Find out in the movie Entrapment, this Sunday's feature on Sunday Family Cinema, this Sunday right after Wansapanatym and before the ABS-CBN Weekend News only on ABS-CBN.

New Page 1

More Partying at ASAP Mania and ASAP Fanatic (2/27/2005)

Saturday, February 26, 2005 05:38 p.m.
Celebrate Christian Bautista's first solo concert, the Platinum Awards for the Star Records albums of Vhong Navarro and Sandara Park, the Gold Award for the album of the Concert King Martin Nievera, the first album of Sheree, and the first introduction to the public of the Champions League of 10 of the Sraech for the Star in A Million on ASAP Manila! And party on as Errol Abalayan celebrates his brithday on ASAP Fanatic! Experiecen double the fun on ASAP Mania, this Sunday at 12noon after Lovers in Paris The 2nd Time Around, and ASAP Fanatic, this Sunday after ASAP Mania and before SCQ Reload OK Ako. Experience that only on ABS-CBN.

New Page 1

D'Supers The Finale sa Wansapanatym Ngayong Linggo! (2/27/2005)

Saturday, February 26, 2005 05:38 p.m.
Ngayong Linggo ng gabi, sa huling pagkakataon, isusuot ng ating mga bida ang superhero costumes para gampanan ang role nila bilang D'Supers sa final episode nito sa Wansapanataym. Para makuha muli ang kanilang super baby, nawalan ng powers ang dalawang pamilya ng superheroes at lumipat ang kanilang powers kay Black Widow! Ngayon, sobrang lakas na si Black Widow at gusto niyang mawala na si Dr. Wiza. Naramdaman ni Dr. Wiza na ginamit lang siya ni Black Widow kaya tinulungan niya ang dalawang pamilya ng superheroes para maibalik ang kanilang powers. Sa wakas, matatalo na ba ng mga superheroes si Black Widow? Makisali kina Jackie Lou Blanco, Carlos Morales, Andrea Nicole Guck, Japoy Lizardo, Marco Alcaraz, Rica Peralejo at iba pa ngayong Linggo sa laban kontra sa kasamaan! Ang D'Supers ng Wansapanataym ay dinerehe nina Wenn Deramas at Malu Sevilla. Ito'y mapapanood ngayong Linggo pagkatapos ng TV Patrol World Weekends at bago ang Sunday Family Cinema dito lang sa ABS-CBN.

New Page 1

Marvin Agustin's Controversy and More on The Buzz (2/27/2005)

Saturday, February 26, 2005 05:38 p.m.
More buzz on the kidnapping case against former actor Dennis Roldan and another series of sex videos featuring popular celebrities, plus Marvin Agustin's controversy of being an unwed father are in store from Boy Abunda, Kris Aquino and Cristy Fermin with the Star Buzzers on The Buzz, this Sunday at 4pm, after SCQ Reload and before Goin Bulilit, only on ABS-CBN.

New Page 1

Boy Abunda's Home on At Home Ka Dito (2/27/2005)

Saturday, February 26, 2005 11:56 a.m.
Enter the spacious and wonderful home of the Philippine King of Talk Boy Abunda with Miss Charlene Gonzales on At Home Ka Dito, this Sunday at 10:30am, before Lovers in Paris The 2nd Time Around only on ABS-CBN.

New Page 1

People on the Spotlight on Kontrobersyal Tonight (2/26/2005)

Saturday, February 26, 2005 10:50 a.m.
Get the real score on the MMDA Chairman Bayani Fernando and see the real story behind the sexual harassment case filed by Hotbabe Ana Leah Javier against a congressman with Boy Abunda on Kontrobersyal tonight after Star Cinema Presents and before the Sports Unlimited only on ABS-CBN.

New Page 1

Bagong Pagsisimula sa Rated K (2/27/2005)

Saturday, February 26, 2005 10:49 a.m.
Saksihan ang pagbabagong buhay ni Dolphy Jr., isang pasaway na anak ng Hari ng Komedyang Pilipino na si Dolphy, ang bagong simula na buhay ng "celebrity couple"--mga "sexy star" na sina Rodel Velayo at Daniella--at ang bagong pag-asa para sa Pamilya Octubre, kasama ang nag-iisa at walang iba, si Miss Korina Sanchez, sa "Rated K: Handa Na Ba Kayo?" ngayong Linggo, pagkatapos ng Goin Bulilit at bago ang TV Patrol World Weekends dito lang sa ABS-CBN.

New Page 1

Makibaka Na sa Goin Bulilit! (2/27/2005)

Saturday, February 26, 2005 09:45 a.m.
Simula nang ito'y magsimula noong ika-6 ng Pebrero, naging pambansang kaugalian na ito ng mga pamilya, kasama ang mga bata--at iyan ay panoorin ang kakaibang "gag show" na tampok ay mga Kapamilya Kids kasama si Dagul! At ngayong Linggo, ito ang ating aasahan: mas maraming kwelang tagpo sa Lovers in Pares, mas nakakatawang biro ng mga batang sundalo, at mas madaming nakakatuwang hirit bilang pagdiriwang ng EDSA 1! Saan ka pa, kundi sa programang "Ang kyut, di ba?" Ito po ang Goin Bulilit, ngayong Linggo, ika-6:30 ng gabi, pagkatapos ng Tha Buzz at bago ang Rated K, dito lang sa ABS-CBN!

New Page 1

Mga Dapat Abangan Ngayong Linggo sa SCQ Reload (2/27/2005)

Saturday, February 26, 2005 09:45 a.m.
Ano na ang magaganap ngayong magkasintahan na sina Joross at Roxanne? At maitatakas kaya ni Hero sina Sandara at ang kanyang ina na si Helen (Jaclyn Jose)? Sundan ang mas pinatindi, mas pinakwela at mas pinakilig na "SCQ Reload OK Ako!" ngayong Linggo pagkatapos ng ASAP Fanatic at bago ang The Buzz dito lang sa ABS-CBN.

New Page 1

Ulcer Talks on Salamat Dok (2/27/2005)

Saturday, February 26, 2005 09:44 a.m.
Join Cheryl Cosim, Dr. Bong Buencamino and the Kapamilya Doctors as they tackle on the facts of ulcer and how ulcer can be treated on Salamat Dok, this Sunday at 5:30am, only on ABS-CBN.

New Page 1

Buboy and Sunshine's Renewal of Marriage Vows Underwater on Sports Unlimited (2/26/2005)

Saturday, February 26, 2005 09:44 a.m.
Join Dyan Castillejo and the Sports Unlimited Team as they join Kapamilyas Cesar Montano and Sunshine Cruz with thousands of local and foreign couples on a special renewal of marriage vows underwater in Thailand on Sports Unlimited tonight right after Kontrobersyal and before the ABS-CBN Weekend News only on ABS-CBN.

New Page 1

Dennis Roldan and A Lot More on Magandang Gabi Bayan (2/26/2005)

Saturday, February 26, 2005 09:43 a.m.
Find out the latest updates on the abduction case filed against former actor Dennis Roldan, the real story behind the corpse found in a water drum in Davao City, the investigation on a faith healer who is doubted in the midst of his effective healing cases, and the new challenges for the Master of Pain with Erwin Tulfo and Katherine de Castro on Magandang Gabi Bayan, tonight at 8:30pm, right after TV Patrol World Weekends and before Star Cinema Presents, only on ABS-CBN!

New Page 1

Kapamilya Challenge sa Star Dance (2/26/2005)

Saturday, February 26, 2005 09:43 a.m.
Matapos humarap sa iba't ibang hamon, at natanggal sina Christian at John Zander, humahataw pa rin sa panlasang Pinoy ang programang ito: ang kauna-unahan at nag-iisang primetime dance-reality show kasama sina Marvin, Archie, JC, Bianca at Vanessa! Ngayong Sabado, kakayanin kaya nilang turuan ng mga kalahok ang kanilang mga sariling kapamilya? Iyan ang Kapamilya Challenge, at haharap dito ang mga natitirang sina Leah, Russel Ann, Froilan, Christaliza, Daniel, Reina, Jhoey, Dang, Ryan at DJ! Kakayanin kaya nila ito? Abangan sa Star Dance ngayong Sabado pagkatapos ng Nginig at bago ang TV Patrol World Weekends, dito lang sa ABS-CBN.

New Page 1

Singil: Ngayong Sabado sa Nginig! (2/26/2005)

Saturday, February 26, 2005 09:42 a.m.
Lahat daw ng dagat ay naniningil. Ito ang kuwento ng dalawang magkaibigan na nagbakasyon sa isang isla sa Mindoro. Pero ang dapat na masayang bakasyon ay nauwi sa isang nakakatakot na engkuwentro sa isang masamang espirito na naniningil ng labindalawang kaluluwa sa dagat. At ang napili nyang ika-labindalawang biktima ay isa sa dalawang magkaibigan. Panoorin ang kakakilabot na kwentong ito dito sa "Nginig!" ngayong Sabado bago ang Stardance dito lang sa ABS-CBN.

New Page 1

Freezy and Saucy Challenges on "Kaya Mo Ba To?" (2/26/2005)

Saturday, February 26, 2005 09:41 a.m.
SCQ Finalists RJ Martinez and DM Sevilla will be tested on how far they will stand the freezingly cold challenges and Roderick Paulate and the Star In A Million Finalists Erik Santos and Christian Bautista will try out in finishing glasses full of sauces and condiments! Who will survive? Find out with Carlos Agassi and the Tropang Kalog: JE Sison, Chockoleit Nuts, Kitkat and Ella V on Kaya Mo Ba To, today right after ETK only on ABS-CBN.

New Page 1

Special Dance Showdown sa Wowowee (2/26/2005)

Saturday, February 26, 2005 09:40 a.m.
Magkakaroon ng special dance showdown ang mga cohosts ni Willie Revillame--sina Iya, Kat at Janelle! Sino kaya ang magwawagi at tatanggap ng natatanging papremyo na inihanda ni Willie? Malalaman na sa Wowowee mamayang ika-1 ng hapon pagkatapos ng "Pilipinas, Game Ka Na Ba?" at bago ang ETK dito lang sa ABS-CBN.

New Page 1

EDSA People Power Revolution 1's 19th Anniversary on ABS-CBN

Friday, February 25, 2005 11:24 a.m.
Watch the live coverages and the special reports on the 19th anniversary of the EDSA People Power Revolution 1, direct from EDSA Shrine, the People Power Monument, the Gawad Kalinga Housing Project Site, and the rest of the country and the world today, February 25, on all the news programs of the ABS-CBN Network.

New Page 1

Pekeng Dentista sa Private I (2/25/2005)

Friday, February 25, 2005 11:24 a.m.
Kahit buo pa ang iyong ngipin, ito raw ay kanyang bubunutin! Itong pekeng dentista, habol lang ay ang iyong kwarta!

Ikaw ba'y naging pasyente n'ya?

Kalokohan niya'y ibubuko ni Gus Abelgas at ang buong brigada ng Private I., ngayong Biyernes ng gabi, alas-11:30 ng gabi, pagkatapos ng Insider at bago ang 700 Club dito lang sa ABS-CBN.

New Page 1

Who'll Be the 10th Finalist on SFTSIAM Special Edition?

Friday, February 25, 2005 11:21 a.m.
After selecting the 9 finalists, find out who will be the 10th Finalist who will compete for the Champions League of 10 tonight with Christian, Mark, Sarah and Erik on the Special Edition of the Search for the Star In A Million, tonight at 10pm, after Primetime Bida and before ABS-CBN Insider, only on ABS-CBN.

New Page 1

Himayin Natin ang Kaso ni Dennis Roldan Mamaya sa Dong Puno Live

Thursday, February 24, 2005 06:24 p.m.
Ating hihimay-himayin at lilinawin ang mga aspeto hinggil sa kasong pagdukot na isinampa laban kay dating aktor at konsehal na si Dennis Roldan kasama si Atty. Dong Puno at Doris Bigornia sa Dong Puno Live, ngayong gabi, ika-11:30ng gabi, pagkatapos ng ABS-CBN Insider, dito lang sa ABS-CBN.

New Page 1

The Repador Survival Story on Maalaala Mo Kaya: Mamaya Na!

Thursday, February 24, 2005 05:45 p.m.
ABS-CBN's long-running primetime drama anthology Maalaala Mo Kaya puts a human face on a very recent tragedy as it dramatizes the story of the remarkable survivors of the Repador Building tragedy this Thursday, February 24, 2005. On November 29, at the height of one of the most brutal typhoons of the year, the Repador Building in Real, Quezon, collapsed, carrying with it the lives and destinies of the estimated 100 persons from Barangay Tignoan who took shelter in it to avoid the swelling floods. After days of digging through mud and debris, most of the rescue workers believed that they were only retrieving corpses – until December 9, the tenth day of rescue efforts, when they found four people still alive underneath the rubble. This is their story. The re-creation of this incredible story of survival was spearheaded by top-notch director Wenn Deramas (Marina, "Ang Tanging Ina"), from a script by Keiko A. Aquino. The episode is also packed with great performances from one star-studded lineup that includes Wowie de Guzman, Caridad Sanchez, Pen Medina, Desiree del Valle, Nerizza Naig, Raphael Martinez and Crispin Pineda. This must-see episode also includes actual footage of the rescue and interviews with the survivors and their family members. Watch a remarkable story of the strength of the human spirit: the story of the Repador Building Tragedy on Maalaala Mo Kaya this Thursday right after Primetime Bida only on ABS-CBN.

New Page 1

Primetime Bida (2/23/2005)

Wednesday, February 23, 2005 05:48 p.m.
SPIRITS

Napilitan si Liz gamitan ng mind control ang daddy niya para lang hindi nito tignan ang kalagayan ni Gabby. Samantalang patuloy na nangaasar ang TagaSundo, pilit niyang nilalagay sa isip ni Gabby na wala nang plano ang mga kaibigan niya na sagipin pa siya. Pero matatag si Gabby, marami na raw siyang nalagpasan kaya hindi basta basta masisira ang loob niya.

Medyo nagtataka na rin si tita Marita sa kakaibang ikinikilos ni Gabby kung kaya't ginagamit pa rin ni Liz ang mind control powers niya. Hindi na masasamahan ni kuya Dong ang apat dahil kailangan niyang asikasuhin ang pagbabalik ni Brita. Lloyd is torn between his mother and wanting to help rescue Gabby.

Tinulungan ng apat na diwata na makabalik sa mundo ng mga engkanto sina Red at Jesse, naiwanan sina Red at Thor dahil naghesitate si Thor sa pagpasok. Yun pala isinara ng TagaSundo ang daanan kung kaya't naiwan ang dalawa sa mundo. Sumama ang magpinsan kay Dumala na nuong una'y ayaw silang pasamahin kaya't kailangan nilang ipakita ang kanilang mga kapangyarihan.

Handa na sumugod ang hukbo ni Dumala, kasama si Jesse at Lloyd. Anong naghihintay sa kanila sa lugar ng TagaSundo?

++++

KRYSTALA

Sa pagpapatuloy ng flash forward into the future, Tala is shown putting Mokong in the time capsule. And recording a message for Krystala to help Mokong and save the world from the Sugo ng Kadiliman. Iyak ng iyak ang batang si Mokong nang papunta na siya sa 2004. Kaya naman pala ganun ang reaksyon ni Mokong nung makita si Tala sa may palengke.

Back to the present, halos magwala si Tala sa mga nalaman niya. Ililigtas daw niya ang anak, hindi daw niya papabayaang makasal siya sa maling lalaki. Isasakripisyo niya ang lahat para sa anak. Habang nagplaplano naman ang Sugo ng Kadiliman sa pangalawang pagpilay kay Tala. Ang pagkuha niya sa kanyang mga magulang at kaibigan.

Nakapagdesisyon na si Tala na hindi siya magpapakasal sa kahit na sinong lalaki, hindi raw niya isusugal ang kinabukasan ng mundo. Samantalang nagtataka naman si Donna kung bakit inuutos sa kanyang sirain ang buhay ni Tala eh kaibigan niya naman ito. Dito ipinakita ng TagaSundo kung si Krystala, inudyok niyang gumanti si Donna.

Nagpapanic naman si Zora at gustong tumawag ng pulis, pero ayaw pumayag ni Tala. Nagpaparamdam naman ang SND kay Tala, sa compound naman naghihintay si Kim kay Loverboy. Di naman masyadong worried si Mang Jorge dahil dati nawala na rin naman daw ito at bumalik din, eh ngayon pa raw na may babalikan siya kay Kim. Nagkaharap si Krystala at ang Sugo ng Kadiliman, habang bigla namang nagbrownout kina Zora. May lumitaw na nakasisilaw na liwanag, si Donna naging si Luminax!

++++

HIRAM

Inabutan ni Aling Ana si Harry na nageensayo para haranahin si Stephanie. Napagusapan nila ang pagtitiis ni Harry para sa pinili niya, masaya na rin daw si Aling Ana para kay Harry. Habag si Francis naman pinapalakas ang loob ni Edward kung kaya't nagpunta na rin ito kina Diana. Nagpangabot silang dalawa sa gate ng bahay at sabay na nilang hinarana si Stephanie at Diana.

"Diana I'm sorry" sabay spells out sorry with his butt. Napatawa niya si Diana, later kinausap niya ito. Sinubukan niya ulit na kumbinsihin si Diana na tanggapin siya ulit nito. At last she accepts him and wears the ring again. Nakita ni Margaret ang pagbabati nila at nasaktan ito. Margaret tried to talk her out of reconciling with tito Edward pero mahal ni Diana si Edward at ipinakiusap niya sa anak na subukan na patawarin na ito at intindihin siya.

Sophia misses the important presentation for Royalty Inc. and earns the ire of Derek, he actually wants her fired. Nalaman kasi nitong naglasing ito the night before the presentation mula sa driver ni Sophia. The board deliberates what kind of sanction ang iiimpose nila kay Sophia. Tsk tsk! Poor Sophia...

Masaya naman si Stephanie at Margaret and to celebrate their friendship, bigla nilang naisip magouting! Sa pagpapaalam ni Margaret sa mama niya, nagkausap ulit sila. When her mother apologizes, Margaret says na basta masaya ang mama niya, susuportahan naman niya ito. Habang nagiimpake sila Stephanie calls Harry up and invites to come along. Harry gets his hopes up pero plano pala ni Steph na magreconcile na sila Margaret at Harry! Nako trouble is brewing in this outing...

++++

TILL DEATH DO US PART

Nagtampo ng husto si Ysabel sa lola niya at kay Drew. Hindi man lang kasi siya kinunsulta tungkol sa supposed pregnancy niya. Sinugod pa ni Drew si Manuel kung kaya't hiyang hiya siya dito at inasikaso pa niya si Manuel. Pero hiyang hiya nga ba o concerned lang siya kay Manuel? Nagaway na rin si Drew at Ysabel!

Worried naman si Manuel na baka ipalaglag ni Roxanne ang baby niya, gagawin daw niya amg lahat para lang ipanganak ni Roxanne ang baby niya. Sa panaginip ni Ysabel kinausap siya ni lolo Damian niya, pinasusunod nito ang dikta ng puso niya at siya raw ang bahala kay Ysabel kahit na magalit si lola Conching niya.

Roxanne goes to Drew to ask for an abortion kaya lang ayaw nitong tulungan siya. Napilitan tuloy siyang magpunta sa isang abortionist. Nagkasalubong si Ysabel at Manuel sa mall habang namimili ito ng microwave ang dalaga at mga gamit pangbaby ang binata. Roxanne goes to find Manuel pero si Darling ang inabutan nito. Nakapagdesisyon na raw ito sa gagawin niya sa problema niya.

Nagalit tuloy si Manuel nang malaman niya ang pagpunta ni Roxanne sa kanila. Tinawagan niya si Frida para malaman kung san nagpunta si Roxanne para magpalaglag. Traffic kaya natagalan siya and to his good fortune, inabot niya si Roxanne. Kaso nga lang isinasakay na ito sa police car dahil niraid ang abortion clinic na pinuntahan niya. Buti naman!

++++

Manood na sa mga bigating teleserye mamayang gabi sa Primetime Bida dito lang sa ABS-CBN!

New Page 1

Dennis Roldan Et Al Mamaya sa Special Assignment

Wednesday, February 23, 2005 05:47 p.m.
Si Dennis Roldan, ang dating artista at kongresista, ngayon ay sangkot umano sa pagdukot ng bata. Itinuro ng anim na mga suspek sa isang kaso ng kidnapping sa Quezon City si Roldan bilang utak ng pagdukot sa tatlong taong gulang na biktima. Sa salaysay ng mga salaring sina Adrian Domingo, Alberto Pagdanganan, Octavio Garces, Noel San Andres, Rowena Prado at Romeo Orcajada sa National Anti-Kidnapping Task Force, kay Roldan nanggaling ang utos para tangayin ang biktima. Tunghayan ang imbestigasyon sa mga pangyayari sa likod ng bintang kay Roldan, at ang iba pang mga kuwento't balita hatid ng batikang broadkaster na si Ms. Luchi Cruz Valdez at ng mga ABS-CBN Integrated News and Current Affairs Reporter sa Special Assignment, ngayong gabi sa ganap na ika-11:30 ng gabi pagkatapos ng ABS-CBN Insider, dito lang sa ABS-CBN.

New Page 1

Watch the First Anniversary of Yes Yes Show!

Wednesday, February 23, 2005 05:47 p.m.
Yes! Yes! Yes! Your favorite gag show every Wednesday night on ABS-CBN is now 1 year old! A special first anniversary is all set by the Yes Yes Tropa, with the Hotbabes, the TV Idols, the Star Circle Questors Batch 2, and with the special series of gags from the legendary action/drama star turned comedian Eddie Garcia (after his first guesting on ABS-CBN @ Christmas 2004 via ace comedian Dolphy's Home Along da Airport). It's definitely one special night of remembering the hilarious times of the Yes Yes Tropa over the year that was! So are you going to miss this wonderful fun-filled first anniversary? Tune in tonight on Yes Yes Show: the First Anniversary, tonight at 10pm, after Primetime Bida, only on ABS-CBN!

New Page 1

Primetime Bida (2/22/2005)

Wednesday, February 23, 2005 05:46 p.m.
SPIRITS

Ayaw raw ipagamit ng kanyang ama ang hukbo para sa isang digmaang inaasam ng TagaSundo. kung kaya't bubuo nalang raw ng sariling hukbo si Dumaal, kasama ng kanyang mga kaibigan mula sa kanluran, mga taong araw at mga iba pang pwede niyang isama. Habang papunta na sila sa mundo ng mga engkanto ay naramdaman ni Lloyd ang kanyang ina.

Habang isinasagawa ni Brita ang ritual upang siya'y mabuhay ulit, nagdesisyon naman ang tatlong binata natin na samahan si Lloyd sa pagpunta sa kanyang ina. Habang andoon na rin si Kuya Dong, nagmamatyag sa mga nangyayari. Nasalubong niya ang apat at itinago niya ito para hindi makita ng mga mangkukulam na nagsipunta sa lugar ni Brita. Nagtagumpay ang nanay ni Lloyd at bumalik siya sa mundo ng mga tao bilang bihay na nilalang.

Gagamitin sana ni Kuya Dong ng kapangyarihan si Brita pero naprotektahan siya ng mga mangkukulam na kasama niya. Kumampi na naman si Lloyd sa kanyang ina, hindi raw siya papayag na saktan ni Kuya Dong ang ina. Patuloy namang nangangalap ng hukbo at suporta si Prinsipe Dumala para kay Gabby, naibalita pa ito ni Bakshi kina Kuya Dong.

Gabby clings to the hope that someone will rescue her, darating raw kung sinong may gusto. The TagaSundo tries to to undermine her faith and courage. Samantalang ginagawan na ng ritwal ng mga mangkukulam si Brita. Ano ang magaganap ngayong muling nabuhay si Brita?

++++

KRYSTALA

Tala sees a vision of the future! Magwawakas si Krystala sa araw ng kasal niya, magagamit ng Sugo ng Kadiliman ang lalaking pipiliin niyang pakasalan. Lahat ng mahal niya sa buhay ay sinira rin ng Sugo, binuhay siya ngunit naghari naman ang kasamaan sa mundo.

Sinagip ng mga rebelde sa pamumuno ni Joram at Mang Jorge si Tala. Ilang taon rin siyang namuhay ng masaya sa poder ng mga rebelde, kasama ang lalaking pinakamamahal niya! Sinabi sa Sugo na isang bata raw ang magdadala ng katapusan niya kung kaya't pinadakip niya ang lahat ng mga bata at ipinagbawal ang panganganak sa natural na paraan.

Pero naitakas ang panganganak ni Tala kay Mokong. Sa kasamaang palad, namatay ang ama ni Mokong noong tatlong taon pa lamang siya. Pero patuloy pa rin ang Sugo ng Kadiliman sa paghahanap kay Tala, nakagawa pa nga siya ng isang super soldier gamit ang dugo ni Tala. At ang soldier na ito ay walang iba kundi si Loverboy!

Isang kasamahan ang nagtraydor kina Tala at Mokong, kung kaya't pilit silang tumakas nito. Nagpunta sila sa isang lugar kung saan papatakasin niya si Mokong. Papasakayin niya ito sa isang time capsule at pababalikin sa 2004. Kailangan raw sabihan ni Mokong si Krystala ang Sugo ng Kabutihan sa mga maaaring maganap. Kaya pala napunta si Mokong sa 2004!

++++

HIRAM

Inabot ni Diana si Sophia sa bahay nila, nagbabakasakali raw ito na sa araw na yun ay mapatawad na siya ng kaibigan. Hindi raw dahil sa magkaibigan sila ay pwede nilang paghatian ang lahat ng bagay, sabay walkout na si Diana. Stephanie calls her mother "mangaagaw" bago ito umalis. Ouch!

Ayaw ni Stephanie papasukin si Harry pero nakiusap si Margaret na papasukin na niya, nagabot pa nga si Harry at Edward sa labas. Nagpaliwanag naman si Edward kay Margaret, pero hindi pa rin daw niya ito matatanggap para sa mama niya. Patuloy naman ang pangiignore ni Stephanie kay Harry. Pero sa gabi ipinagdadasal naman niyang kayanin niya ang pagtulak niya kay Margaret at Harry na magkabalikan na muli.

Affected na ang trabaho ni Sophia sa kompanya. Derek already took notice at kinausap siya nito. Offended pa si Sophia at sinabing siya na ang bahala sa presentation na ito. Pinagalitan ni Sophia ang team niya, hindi daw niya kailangan ang mga ito. Siya nalang raw ang gagawa nito.

Diana goes to a priest and talks about her problems with him. He asks some questions and deduces that Diana still loves Edward. Hindi raw dapat ito magpadalos dalos, biglang dating naman ni Edward. Dito ibinuhos niya ang sarili sa pangungumpisal kay Diana ng buong katotohanan. He asks her to wear the ring again but she asks for more time. Hindi pa raw siya ready, kailangan pa raw niya ng panahon.

++++

TILL DEATH DO US PART

Sa una'y ayaw maniwala ni Manuel na buntis si Roxanne, pero halos magfreak out ito kaya nagpunta sila sa hospital para magpaultrasound. Dito naconfirm na 10weeks na ngang buntis si Roxanne. Halos mabaliw rin si Ysabel sa pagiisip kung si Manuel nga ang nakabuntis kay Roxanne. Nagwoworry siya dahil magagalit ang mga lola niya kay Manuel.

Nagoffer si Manuel na sustentuhan ang bata, di daw niya kayang ibigay ang kasal ka Roxanne. Ayaw naman din ni Roxanne kahit pero o kasal. Ang gusto niya ay magpaabort dahil gusto niya maibalik ang figure at career niya. Di daw siya ready magkaroon ng baby, nagaaway pa sila ni Manuel dahil ayaw nito ipalaglag ang bata.

Ysabel's lola overhears the telephone conversation between Dash and Ysabel while preparing for their handaan. Inakala tuloy nilang buntis si Ysabel. Kasi pinaguusapan naman nila si Roxanne at ang pagbubuntis nito. Manuel tries to ask Dash for help pero hindi daw maipangako nito ang tulong niya.

Lola Conching confronts Drew about Ysabel's supposed pregnancy pero wala rin namang alam ito. Hindi maipinta ang mukha ni Drew ng sinabing buntis si Ysabel, imposible daw yun. Halos atakihin naman sa puso si Conching ng maisip na baka si Manuel ang ama ng ipinagbubuntis ni Ysabel. Drew goes and puches Manuel in his own home! Anong mangyayari sa tagpong ito?



Abangan ang mga mas matinding pangyayari sa mga paborito ninyong teleserye sa Primetime Bida, ngayong gabi, dito lang sa ABS-CBN.

New Page 1

Eddie Garcia on Yes Yes Show (2/23/2005)

Tuesday, February 22, 2005 08:19 p.m.
After his first guesting on ace comedian Dolphy's Home Along the Airport last year, the legendary action/drama star-comedian Eddie Garcia is back and out for laughs and gags with Bayani Agbayani, Vhong Navarro and the Yes Yes Tropa on Yes Yes Show, this Wednesday at 10pm after Primetime Bida only on ABS-CBN!

New Page 1

Mon Fernandez and Wife Tonight on Pipol (2/22/2005)

Tuesday, February 22, 2005 08:17 p.m.
Find out the scandal that involved the 27 years of marriage about to be broken between one controversial couple--former basketball star Mon Fernandez and his wife--as related by reknowned broadcaster Ces Drilon on Pipol tonight at 11:30pm after ABS-CBN Insider only on ABS-CBN.

New Page 1

Giselle Sanchez and Ya Chang on Bora

Tuesday, February 22, 2005 05:14 p.m.
SINO SI HIROTO?

Isa na namang gabi ng katatawanan kasama ang ABS-CBN Star Magic’s Hunks na binubuo nina Piolo Pascual, Diether Ocampo, Carlos Agassi, Bernard Palanca at Jericho Rosales, sa pangalawang episode ng Bora ngayong Martes. Matagumpay na nag-launch ang Bora noong February 15 and masasabing maganda ang feedback ng viewers.

Si Hiroto, isang Japanese businessman na pumunta sa Bora kasama ng kanyang asawang Pinay na si Diwata. Hahanapin nila ang nawawalang kapatid ni Hiroto. Ipinangako kasi niya sa kanyang ama bago ito mamatay na hindi niya titigilan ang paghahanap sa kanyang kapatid na walang iba pala kundi si Ditoy (Diet). Nagkita sila at agad namang tinanggap ni Ditoy si Hiroto. Maaon ay nawala na lang si Hiroto! Saan siya napunta? Mahahanap pa kaya siya? Ano ang mararamdaman ni Ditoy pag nalaman niyang missing ang kanyang long-lost brother?

Guest ngayong Martes sina Ya Chang at Giselle Sanchez. Nasa Bora rin ang fellow Star Magic artists ng Hunks na sina Pauleen Luna, Pia Romero, Jaymee Joaquin, Joyce So, Mickie Joy Hyatt at Bentong. Kasama rin sina Luis Manzano, Roderick Paulate, Dennis Padilla, Gerhard Acao, Empoy Marquez at Caridad Sanchez. Ang Bora a sa panulat ni Joey Reyes at directed by Johnny Manahan. Huwag palampasin ngayong Martes pagkatapos ng ‘Til Death Do Us Part dito lang sa ABS-CBN!


New Page 1

Primetime Bida (2/21/2005)

Monday, February 21, 2005 04:36 p.m.
SPIRITS

Sa portal biglang may itim na usok na kumuha kay Gabby, hindi inabot ni "Dude" o kaya ni Red at Lloyd si Gabby. Yun pala ang TagaSundo ang kumuha sa kanya, galit na galit si Prinsipe Dumala. Ikinulong ng TagaSundo si Gabby sa kanyang liblib na tahanan, palalayain daw niya ang mortal kapalit ang kalayaan ni Prinsipe Dumala.

Hirap na hirap na sa pagtatago ng katotohana ang mga bida natin. Ipapasuspend ni tito Manuel silang lahat kapag hindi daw nila itinuro si Gabby. Sinubukang sabihin ni Red ang totoo, pero tumawag si tita Marita sa kanila para sabihing andito na si Gabby. Yun pala hindi ito si Gabby kundi si Sola, pinadala ni Dumala para magpanggap na si Gabby.

Pinasabi ni Prinsipe Dumala na siya na raw ang bahala sa pagliligtas kay Gabby. Umalis ang mga boys habang inaalagaan si Sola ni Maya at Liz.

Si Brita naman ay handang handa na magbalik sa mundo ng mga nabubuhay. Andoon na siya sa may ilog, nagsasagawa ng ritual at sumisigaw "Mga kaaway, kaibigan, mahal sa buhay. Saksihan ang aking pagbabalik. Ang pagbabalik ko sa kapangyarihan!" Scary!!! Magtagumpay kaya siya?

++++

KRYSTALA

Nagulat si Tala sa muling pagkikita nila ni Igo habang si Miguel ay pinauwi naman ni Bulinggit dahil nga sa nangyaring pagbabalik ng tatay ni Kim. Hiniling naman ni Igo kay Tala na makapagusap sila kahit sandali. Sa paguusap nila, nagexplain si Igo sa mga nangyari at napatawad na naman siya ni Tala. Sinabi rin ni Igo na mahal pa rin niya si Tala pero ayaw na ni Tala. Malaki na raw ang ipinagbago niya at ayaw na daw niya. Mapilit pa rin si Igo!

Pinilit naman ng tatay ni Kim na bumalik ito sa Korea pero nagmatigas si Kim, mahal daw niya si Loverboy. Kaya kahit idisown siya ng sariling ama, she chose to stay here and be with Loverboy forever!

Mukhang trouble is brewing in paradise, dahil parang hindi maiwasang magcompete ng dalawang ina ni Tala. Nagkakabangga na si Aleta at Zora, iniisip tuloy ni Joram na dapat umalis na sila doon. Worried na ang lahat dahil wala pa si Mokong at hindi pa macontact ni Tala si Loverboy. Kahit si Kim ay hinahanap na siya.

Oh no! Tala thinks Loverboy came to kill Mokong dahil sa nadiskubre niyang message ng heneral kay 14344. Nagwala siya sa laboratory ni Loverboy and she stumbles upon a hologram message of her in the future asking for help. Dito nakita niya ang mangyayari sa kanila. Anong gagawin ni Tala ngayong alam na niya?

++++

HIRAM

Parehong nasasaktan ang damdamin nina Diana at Edward sa mga nangyari. Kausap ni Diana ang anak niya about the pain that she feels, Margaret tries her best to encourage her. Hindi raw siya pababayaan na maging malungkot ang mama niya.

Mukhang nakarecover na rin si Stephanie at nakakapagexercise na ito. Pero hindi pa rin niya titigilan ang pagiging cold towards Harry, pinagtawanan ba naman ito nung nadulas ito sa kitchen nila. Pathetic daw ito.

Habang nagdudusa rin si Sophia habang nagdadramahan sila ni Paul. Pareho lang daw sila, nagpapakacheap dahil sa pagibig.

Si Edward naman wala nang pakialam kay Sophia kaya natigilan si Sophia sa paghabol habol niya kay Edward. Nagsusuffer na rin ang work ni Sophia, pinagchichismisan na rin siya sa opisina.

Kinausap naman ni Margaret si Stephanie regarding Harry. Wala na raw sa puso niya si Harry kaya wag na raw sana pigilan ni Stephanie ang nararamdaman niya para dito. Dumating si Sophia at kinausap si Margaret, umamin ito sa mga kasalanan niya. Narinig ni Stephanie ang lahat ng sinagot ni Margaret! Hhhhmmmm...

++++

TILL DEATH DO US PART

Si Manuel ang tinawag para magasikaso sa burol ng lolo ni Ysabel. Tumututol pa sana si Conching pero wala rin itong nagawa dahil malapit naman ang lolo niya at si Manuel. Lungkot na lungkot si Ysabel sa ginawang pagiwan ng lolo niya sa kanya. Matapos ang lahat nagpasalamat rin ang lola niya kay Manuel.

Matapos ang lahat, nagpakabusy na si Manuel sa business nila, okay na raw yun para kumita sila. Si Ysabel naman nagtataka kung bakit after ng libing ng lolo niya ay hindi na nagpakita si Manuel sa kanya. Minsan habang kumakain sina Drew at Ysabel nabanggit niya sina Manuel at Roxanne.

Nagkita yung dalawa sa mall at halatang excited sila sa pagkikita nila. Nagkumustahan sila over hot chocolate and pastries, hindi na raw nangabala si Manuel dahil mukha naman daw masaya na si Ysabel kay Doc. Sa pakikipagusap ni Ysabel sa isa niyang lola, lumabas ang katotohanang si Manuel ang mahal niya at hindi si Drew kahit ito ang boyfriend niya.

Nagkausap naman si lola Conching dahil maayos naman ang relasyon nila ni Doc. Naikwento niya kay Ysabel na hindi naman daw si Damian ang mahal niya, pero natutunan naman din daw niyang mahalin ito. Napagdesisyunan naman ni Ysabel na hindi siya magpapakasal sa taong hindi niya mahal. Habang naguusap sila ni Manuel ay dumating si Roxanne! Pinauwi raw siya nito dahil buntis siya! Hala pano na si Manuel at Ysabel?



Watch Primetime Bida tonight at 7:30pm after TV Patrol World and before Bora only on ABS-CBN.

New Page 1

Pinoy Doctors in Kenya on Correspondents (2/21/2005)

Monday, February 21, 2005 04:33 p.m.
Watch the tales of Pinoy doctors devoted to saving and aiding the lives of AIDS victims and AIDS children in Kenya as told by brilliant broadcast journalist Karen Davila, on The Correspondents, tonight at 11:30pm, after ABS-CBN Insider only on ABS-CBN.

New Page 1

Last Friday (2/18/2005) on Primetime Bida

Monday, February 21, 2005 04:28 p.m.
SPIRITS

Pinagtulungan nina Lloyd at Red ang ilang gwardiya kaya nakatakas sina Hamog pati na ang lahat ng mga alipin. Naitali na nila ang mga gwardiya at nasorpresa si Dahong Palay.

Habang nanalo naman si Gabby laban sa TagaSundo. Kung kaya't sinubukan nitong mandaya pero may Bantay Daya na nagpaalala kung kaya't hindi ito nakapandaya. Nanalo na si Gabby! Inilaban ni Prinsipe Dumala ang kasunduan ni Gabby sa TagaSundo, ang paglaya ni Lloyd at Red.

Inihatid ni "Dude" si Gabby sa tulay na naghihiwalay sa kanilang magkaibang mundo. Dito naging emotional na ang dalawa, nahirapan silang magpaalam. Lubos ang pasasalamat ni Gabby sa prinsipe, hiniling lang niya na makapagpaalam sa tunay na anyo ni Dumala. Binigyan ni "Dude" ng singsing si Gabby, habang suot raw niya ito ay lagi daw siyang ligtas at para na rin daw silang magkasama.

Nang naharap na sa portal, nakita pa niya si Red at Lloyd sa kabilang side. Kahit halos ayaw nang magbitaw ni Dude at Gabby, nagawa rin niyang pumasok sa portal. Pero anong nangyari? Biglang napasigaw si Gabby, did she make it safely to the other side?

++++

KRYSTALA

Good things happen to good people, ito ang sabi ni Kim tungkol sa pagkakaroon ng bagong trabaho. Kaya lang parang hindi ata good things are nangyayari kay Kim, pati na kay Loverboy. Laging tinatawagan ng kanyang ama si Kim, habang si Loverboy naman a bothered dahil sa personal mission niya.

Nagtagpo sila sa shop ni Loverboy at dito nangako sila sa isa't isa. Paulit ulit na nagsambit ang dalawa na mahal nila ang isa't isa, sana raw kahit anong mangyari ay tandaan ni Kim na siya lang ang mahal ni Loverboy at ang pinakaimportante sa kanya. Sa gitna ng kanilang bittersweet na tagpo ay dumating ang tatay ni Kim para ibalik na siya sa Korea! Ayaw sumama ni Kim pero matigas ang tatay niya. Oh no pano na ang love story nila?

Samantala maayos namang lumipas ang unang araw sa trabaho ni Miguel. Mabait si Sir Igo niya at ang trabaho ay kinasanayan na rin niya. Naisave pa niya ang shop mula sa isang sunog kung kaya't ginawa na siyang regular sa shop. Nagpabisita tuloy si Miguel kay Tala.

Loverboy refuses to do his mission kahit na raw na mamatay siya. Pinuntahan niya si Tala pero si Mokong lang ang inabutan niya. Sa shop, nagkita si Igo at Tala! Nako ano bang kamalasan ito? Nahigop na naman ng portal si Loverboy at si Mokong! Ano na ang mangyayari sa kanila?

++++

HIRAM

Harry comes to visit Stephanie pero she turns him away, pinaalis na rin ni Diana si Edward. So many hearts are breaking talaga! Nagsorry si Margaret sa mama niya, hindi daw niya dapat sinabi sa mama niya dahil walang siyang karapatan. Kahit ano pa man daw paraan na malaman niya ay masasaktan pa rin daw siya, sabi ni Diana.

Margaret and Stephanie talk about Diana's strength and how she'll recover from this. Nangako ang magbest friend na hindi nila sasaktan ang isa't isa. Diana talks to Beatrice about Sophia, bakit daw pati pangarap niya kinukuha ni Sophia. Hindi na daw niya alam kung kakayanin pa niyang patawarin ang kaibigan.

Stephanie talks with her mother and sinabi niya ang lahat ng nalalaman niya. Gulat na gulat si Sophia at nagpanic na ito, habang takot na takot si Edward na mawala na si Diana sa kanya. Sophia goes and apologizes to Diana pero hindi daw alam ni Sophia ang ibig sabihin ng salitang pagkakaibigan. Pinaalis na siya ni Diana.

Edward comes to visit Diana, ayaw daw niyang mawala ito sa kanya. She takes her engagement ring off and gives it back to him. Hindi na raw niya dapat isinusuot ang singsing dahil isang malaking kasinungalingan lang daw ito. Wala na kayang pagasa para sa kanilang dalawa?

+++

TILL DEATH DO US PART

Sa pagtalon ni Ysabel para isave si Roxanne, nagtrash about ito sa pagpapanic. Manuel jumps in to save them both kaya lang asar si Roxanne, mahal pa rin daw kasi ni Manuel si Ysabel. Habang nagtatanong naman si Dash sa kung pano nagagawa nitong mahalin ang taong di niya mahal at pigilan ang damdamin sa taong tunay niyang mahal.

Samantala bumisita si Allan sa bahay nina Darling, nagaalala daw kasi ito dahil hindi ito nakaattend ng prayer meeting nila. Pinakita niya sa binata kung ano ang trabaho nito. Bilib si Allan sa kanya habang si Ysabel at Manuel ay patuloy na nagiging okay na ulit. Si Roxanne naman ay nagpunta kay Drew para iwarn siya about his girlfriend.

Nagkaroon naman ng time na magusap si lolo Damian at si Ysabel, ibinigay nito sa apo niya ang kanyang pinaka treasured possession. Itago daw dahil sa hinaharap daw ay magagamit niya ito. Samantala mukhang may hinandang surprise si Allan para kay Darling sa simbahan. I really like you Darling, ang sambit nito may kasama pang pizza.

Kinareer na ata ni Manuel at ni Ysabel ang pagiging textmate. Pero ano ba ito? Nastroke si lolo Damian! Ibinilin nito kay Ysabel na laging susundin ang puso niya para hindi ito magkamali. Her lolo dies as she watches over him.

Watch Primetime Bida tonight at 7:30pm, after TVP World only on ABS-CBN!

New Page 1

THE MUMMY RETURNS on ABS-CBN Sunday Night

Friday, February 18, 2005 03:47 p.m.
Join Brendan Frasier and an all-star cast in one exceptional adventure spanning from New York to the Great Pyramids of Egypt and thousands of years of history with Arabian hordes, Central African tribes and Egyptian mummies as they battle a fierce and vengeful reincarnated mummy with other evil men in "The Mummy Returns" this Sunday after Wansapanatym, only on ABS-CBN!

New Page 1

Battered Women Out on MAGANDANG GABI BAYAN

Friday, February 18, 2005 03:47 p.m.
Cases of battered women are now a reality, and now more and more ladies who suffered from the cruelties of their husbands are coming out! How do they manage to come out in the open, and what are the steps to undertake for a battered wife? These and other stories are on the go with Erwin Tulfo and Katherine de Castro on Magandang Gabi Bayan, this Saturday, after TV Patrol World Weekends, and before Star Cinema Presents, only on ABS-CBN!

New Page 1

Star Cinema Presents GAGAMBOY

Friday, February 18, 2005 03:46 p.m.
Funnyman Vhong Navarro portrays a distinct modern day superhero all out to save the weak and the helpless and defeat the evil forces with his spider-oriented powers as Star Cinema Presents "Gagamboy", this Saturday right after Magandang Gabi Bayan and before Kontrobersyal only on ABS-CBN.

New Page 1

Seaman's Wife sa NGINIIG - BUKAS NA!

Friday, February 18, 2005 03:46 p.m.
Ang kwento ng isang Seaman’s Wife ang tampok na kakatakutan sa Nginiig ngayong Sabado. Hindi matanggap ni Vivian (Cherry Pie Picache) ang pagkamatay ng kanyang asawang seaman kaya naging dagok ito sa kanilang pamilya. Halos mabaliw-baliw si Vivian sa kalungkutan kaya madalas niyang pinagdarasal ang yumaong asawa. Hindi niya sinasadyang matawag ang mga kaluluwa ng mga salvage victims na dating tinatapon sa lugar nila noong hindi pa ito subdibisyon. Dito nagsimula ang gulo sa buhay nina Vivian. Hindi niya akalain na ang multo ng asawa niya ay iba palang kaluluwa. Punumpuno ng galit at handang pumatay dahil sa galit nito. Kasama rin sina Roxanne Guinoo, Kris Martinez, Gandong Cervantes at AJ Dee mula sa direksyon ni Luigi Santiago. Panoorin ninyo ang kakakilabot na kabanatang ito sa Nginig, ngayong Sabado bago ang Star Dance dito lang sa ABS-CBN!

New Page 1

"KAYA MO BA 'TO?" BUKAS NA!

Friday, February 18, 2005 03:46 p.m.
Ngayong Sabado na magsisimula ang pinaka-daring reality show sa bansa! Ating saksihan ang mga reality dares ng mga karaniwang tao at mga artista na talagang inyong kagigiliwan at katatawanan! At ang totoo, hindi ito pa-Victim at wala pang dagdag na pahirap o pa-Challenge! Iyan ang hatid ni Carlos Agassi at ang Tropang Kalog: sina Ella V, Kitkat, JE Sison at Chocoleit! Kaya tanong nila: KAYA MO BA 'TO? Kayang-kaya! Magsisimula na ang saya, kaya "Kol Na Tayo Diyan!" ngayong Sabado, ika-19 ng Pebrero, ika-4:30ng hapon, dito lang sa ABS-CBN!

New Page 1

Body Odor Talks on Salamat Dok

Friday, February 18, 2005 03:45 p.m.
Body odor is a common health problem most Pinoys face. What are the smelly facts and how to control this are to be talked about by Cheryl Cosim and the Kapamilya Doctors on Salamat Dok, this Saturday @ 5:30am only on ABS-CBN.

This a blog tv update page from the following sites. http://groups.yahoo.com/group/kapamilya_abscbn AND http://kapamilya.now.nu . If you have been forwarded here through a search engine (google / yahoo), please visit the main sites posted above for more content and interactive forum. Thank you and welcome to ABS-CBN KAPAMILYA fan site.
ARCHIVES