ABS-CBN TV-BITS AND SCHEDS admin login
TV scheds and infos are subject to change and can be inaccurate at times. Check www.abs-cbn.com, kapamilya YG or kapamilya.now.nu

NEWS FLASH

Watch the new face of Pinoy reality TV with KAMAO - the first sports reality series in the land. Catch it daily after Hiram. MABUHAY KA PACMAN! AMING CHAMPION - AMING BAYANI!

New Page 1

Will Chockoleit Win This Holy Week on GKNB?

Monday, March 21, 2005 10:28 a.m.
Chockoleit is last Saturday's defending champ! Will he stay on for the entire Holy Week? Watch with Miss Kris Aquino on PILIPINAS GAME KA NA BA? this Holy Monday at 12:00nn after RUBI and before WOWOWEE, only on ABS-CBN.

New Page 1

CORRESPONDENTS:"Ilegal na Kapitbahay" sa Pilipinas at Indonesya

Monday, March 21, 2005 09:10 a.m.
"Ilegal na Kapitbahay"
(Mga Pinoy sa Sabah, mga Indonesian sa Mindanao)

Target ngayon ng pamahalaang Malaysia na patalsikin sa kanilang bansa ang mga dayuhan na walang legal na papeles ng paninirahan doon. Ang problema, damay rito ang 200,000 mga Pilipino na matagal nang naninirahan sa Malaysia, partikular sa Sabah. Nitong Marso, sinimulan na ng pulisya sa Sabah ang panghuhuli sa ilegal na mga dayuhan matapos ang taning sa amnestiya. Samantala, sa Mindanao, libo-libo ring mga Indonesian ang bumibilang na ng dekada ng paninirahan sa iba't ibang mga lalawigan sa isla. Pero imbes na palayasin, nagsisikap ang pamahalaang Pilipinas na gawing legal ang paninirahan ng mga dayuhan doon. Ang mga Pinoy sa Sabah at mga Indonesian sa Mindanao: dalawang mukha ng magkapitbahay na ilegal. Ang kanilang kwento, itatampok ni Correspondent Aladin Bacolodan sa The CORRESPONDENTS, ngayong Lunes Santo, ika-21 ng Marso 2005, alas-11:30 ng gabi, pagkatapos ng INSIDER at bago ang 700 CLUB, dito lang sa ABS-CBN.

New Page 1

Bagong PRIMETIME BIDA sa Lunes Santo

Monday, March 21, 2005 09:07 a.m.
Simula 21 Marso 2005 (Lunes Santo), ito na ang bagong PRIMETIME BIDA!

6:00ng VID JOKING
6:30ng TV PATROL WORLD
7:30ng HIRAM
8:00ng KAMAO: MATIRA MATIBAY
8:30ng KRYSTALA
9:00ng SPIRITS
9:30ng SAVE THE LAST DANCE FOR ME

Manood na simula ngayong Lunes Santo pagkatapos ng NARUTO 1 at bago ang OK FINE 'TO ANG GUSTO NIYO, dito kung saan kayo ang tunay na bida--ABS-CBN!

New Page 1

Mamaya sa mga Pinoy Teleserye ng PRIMETIME BIDA

Monday, March 21, 2005 08:46 a.m.
HIRAM (7:30-8:00 ng gabi)

Ano na ang magaganap ngayong ikinasal na sina Diana at Edward, at magpapakasal na sina Margaret at Harry?

http://www.abs-cbn.com/entertainment/show-synopsis-hiramarch4.aspx

+++++++

KRYSTALA (8:30-9:00 ng gabi)

Paano makakabalik si Tala bilang Krystala ngayong nalaman niya na pag-ibig ang susi sa pagpapanumbalik ng kanyang kapangyarihan?

http://www.abs-cbn.com/entertainment/show-synopsis-krystala.aspx

+++++++

SPIRITS (9:00-9:30 ng gabi)

Mabubuhay kaya muli si Gabby? Magtatagumpay kaya sina Lloyd, Jesse at Dumala?

http://www.abs-cbn.com/entertainment/show-synopsis-spirits.aspx

+++++++

Manood na ngayong Lunes Santo sa PRIMETIME BIDA, dito lang sa ABS-CBN.

New Page 1

Gladiator on Sunday Family Cinema

Sunday, March 20, 2005 07:08 p.m.
Watch Hollywood action star Russell Crowe in the Academy Award nominated film inspired by the gladiators in the ancient city of Rome--"GLADIATOR"--on SUNDAY FAMILY CINEMA, this Palm Sunday @ 10:00pm, after SEARCH FOR THE STAR IN A MILLION and before THE WEEKEND NEWS, only on ABS-CBN.

New Page 1

Lenten Traditions on Magandang Umaga Bayan

Sunday, March 20, 2005 04:13 p.m.
Discover (and rediscover) the Holy Week Traditions we have in the Philippines with Erwin Tulfo, Bernadette Sembrano, Connie Sison, TJ Manotoc and the Morning Patrol, on Magandang Umaga Bayan, this Holy Monday @ 5:30am, after Kumikitang Kabuhayan and before Madeline, only on ABS-CBN.

New Page 1

Gags on Cheering Contests on Vid Joking

Saturday, March 19, 2005 08:29 p.m.
Loads of gags and laughs from videos of local cheering competitions are on store from Marc Logan on VID JOKING, this Holy Monday at 6:00pm, after NARUTO and before TV PATROL WORLD, only on ABS-CBN.

New Page 1

Solutions on Eye Problems on Salamat Dok

Saturday, March 19, 2005 08:26 p.m.
Solutions on various eye problems and a hundred pairs of eye glasses await all people with eye problems at ABS-CBN Studios, as Cheryl Cosim, Doctor Bong Buencamino and the Kapamilya Doctors are there on SALAMAT DOK, this Palm Sunday at 5:30am, after LATE NIGHT NEWS REPLAY (THE WEEKEND NEWS) and before TV PATROL WORLD, only on ABS-CBN.

New Page 1

Holy Week Special of Goin' Bulilit

Saturday, March 19, 2005 08:24 p.m.
Watch the special Holy Week presentation featuring the gags set in the Holy Land, and the special appearance of Moi Moi Tan--better known as Moi Moi of ABS-CBN's Home Along da Riles--on GOIN' BULILIT, this Palm Sunday at 6:30pm, after THE BUZZ and before RATED K, only on ABS-CBN.

New Page 1

"Saga of the Phoenix" on Kung Fu Fight Nights

Friday, March 18, 2005 08:13 p.m.
Watch drama, history, magic and lots of Kung Fu on "Saga of the Phoenix", tonight's feature on KUNG FU FIGHT NIGHTS, tonight at 10:00pm, after Primetime Bida and before ABS-CBN INSIDER, only on ABS-CBN.

New Page 1

Willie ng Wowowee, Ikakasal Na!

Friday, March 18, 2005 08:01 p.m.
Abangan ang pagbubunyag ni Willie Revillame sa kanyang nalalapit na kasal--bukas sa WOWOWEE (1:00 ng hapon, bago ang ETK at pagkatapos ng PILIPINAS GAME KA NA BA?), bukas sa ETK (3:00 ng hapon, bago ang KAYA MO BA 'TO at pagkatapos ng WOWOWEE), at sa Linggo ng Palaspas sa THE BUZZ (4:30 ng hapon, bago ang GOIN' BULILIT at pagkatapos ng SCQ RELOAD) dito lang sa ABS-CBN!

New Page 1

Manny Pacquiao on SPORTS UNLIMITED and RATED K

Friday, March 18, 2005 04:58 p.m.
Catch the special interviews of Pinoy Boxing People's Champ Manny Pacquiao with Sports Patroller Dyan Castillejo direct from Los Angeles to Las Vegas, on SPORTS UNLIMITED, this Saturday after Kontrobersyal and before The Weekend News, and with ABS-CBN's (and even the Philippines' first) Chief Executive Philippine/Global Correspondent Miss Korina Sanchez, on RATED K, this Palm Sunday after GOIN' BULILIT and before TV PATROL WORLD, only on ABS-CBN.

New Page 1

Buboy and Judai on STAR CINEMA PRESENTS: SANGGANO

Friday, March 18, 2005 04:57 p.m.
Watch one rare team-up of Action Star Cesar Montano and Superserye Queen Judy Ann Santos in Sanggano, this week's feature on STAR CINEMA PRESENTS, this Saturday at 10:00pm, after MAGANDANG GABI BAYAN and before KONTROBERSYAL, only on ABS-CBN.

New Page 1

Anne Curtis on QUIZON AVENUE

Friday, March 18, 2005 04:57 p.m.
Anne Curtis dashes out loads of gags and laughter with Comedy King Dolphy and the rest of the Royal Comedy Family and the entire gang on QUIZON AVENUE, this Saturday at 7:30pm after STAR DANCE and before TV PATROL WORLD, only on ABS-CBN.

New Page 1

Wild Card Competition Part 1 on STAR DANCE

Friday, March 18, 2005 04:57 p.m.
Watch Part 1 of the Wild Card Competition happening only on STAR DANCE, this Saturday at 6:30pm, after NGINIG and before QUIZON AVENUE, only on ABS-CBN.

New Page 1

Kinulam: Starring Rafael Rosell and Toni Gonzaga on NGINIG!

Friday, March 18, 2005 04:57 p.m.
Rafael Rosell and Toni Gonzaga come out in Kinulam, in this special episode of NGINIG, this Saturday at 5:30pm, after KAYA MO BA 'TO and before STAR DANCE, only on ABS-CBN.

New Page 1

Kaya Mo Ba 'To Boracay Special Part 2

Friday, March 18, 2005 04:56 p.m.
Tuesday Vargas meets Kitkat finally! John Pratts finds a dream date for himself! AJ Dee takes on the hardest challenge of his life. And many challenges await the people of Boracay, with the celebrity tourists also! What will be next? Find out with Carlos Agassi, Ella V, Kitkat, Chockoleit and JE Sison on Part 2 of the Boracay Summer Special of KAYA MO BA 'TO, this Saturday at 4:30pm, after ETK and before NGINIG, only on ABS-CBN.

New Page 1

Fake Documents on Private I Tonight!

Friday, March 18, 2005 04:01 p.m.
Talamak ngayon ang pamemeke ng iba't ibang mga dokumento tulad ng birth certificate, death certificate, diploma, ID at iba pa. Marami na ring mga ahensya at kompanya ang nabibiktima ng mga dokumentong ito. Ikaw ba o ang iyong kompanya ay nabiktima na rin? Papaano malalaman kung peke ang dokumentong hawak mo? Alamin kay Police Patroller Gus Abelgas, sa PRIVATE I, ngayong Biyernes, Marso 18, 2004, alas-11:30 ng gabi pagkatapos ng INSIDER at bago ang 700 CLUB, dito lang sa ABS-CBN.

New Page 1

Pacman Meets the Boxers on KAMAO Tonight!

Friday, March 18, 2005 03:59 p.m.
Sa wakas, makakaharap na ng People's Boxing Champion na si Manny Pacquiao ang mga boksingero sa isang ispesyal na pag-uusap! Pakinggan natin ang natatanging pag-uusap ng Kampeon ng Boksing ng Masa sa mga boksingero kasama sina Robin Padilla at Vina Morales, sa KAMAO: MATIRA MATIBAY mamayang alas-7:30 ng gabi, pagkatapos ng TV PATROL WORLD at bago ang SPIRITS, sa Primetime Bida, dito lang sa ABS-CBN.

New Page 1

Pinoy Teleseryes on Primetime Bida Last Night (3/17/2005)

Friday, March 18, 2005 03:38 p.m.
KRYSTALA

Makakapunta na ba si Tala, Fantasia at Mokong kay Diwatang Luwalhati? Maibabalik pa ba ang kapangyarihan ni Krystala? At paano na niya haharapin sina Harimon, Super Z, Luminax at ang Sugo ng Dilim?

http://www.abs-cbn.com/entertainment/show-synopsis-krystala.aspx

+++++

SPIRITS

Maibibigay ba kaya ni Mang Jose ang mahiwagang kuwintas para sa kaligtasan nina Nato? Masusundan ba niya si Brita kapag wala ang kuwintas?

http://www.abs-cbn.com/entertainment/show-synopsis-spirits.aspx

+++++

HIRAM

Matutulad ba ang kapalaran ni Stephanie sa kanyang inang si Sophia? Matutuloy na ba ang kasal nina Diana at Edward ngayong tanggap na ni Margaret si Edward?

http://www.abs-cbn.com/entertainment/show-synopsis-hiramarch4.aspx

+++++

Pakatutukan ang mga matitinding pangyayari mamaya sa mga Pinoy Teleserye alas-8:00 hanggang alas-9:30 ng gabi, pagkatapos ng KAMAO: MATIRA MATIBAY at bago ang SAVE THE LAST DANCE FOR ME, sa Primetime Bida, dito lang sa ABS-CBN.

New Page 1

WOWOWEE LIVE @ FOLK ARTS THEATER TODAY!

Friday, March 18, 2005 11:36 a.m.
Join Willie, Iya, Kat and Janelle as they go LIVE at FOLK ARTS THEATER for WOWOWEE, TODAY @ 1:00pm, after Pilipinas Game Ka Na Ba and before Kapamilya Cinema, only on ABS-CBN!

New Page 1

Dong Puno Meets the New PNP Chief Art Lumibao Tonight!

Thursday, March 17, 2005 02:15 p.m.
Atty. Dong Puno and Doris Bigornia welcome the new Philippine National Police Chief Art Lumibao, who will talk about the major changes to expect from the PNP, plus an in-depth discussion on the recent bloody hostage drama in Camp Bagong Diwa in Taguig in Metro Manila, on "DONG PUNO LIVE", tonight at 11:30pm, after ABS-CBN Insider and before 700 Club, only on ABS-CBN.

New Page 1

PINOY TELESERYES ON PRIMETIME BIDA (3/16/2005)

Thursday, March 17, 2005 02:08 p.m.
KRYSTALA

Nakuha na ni Luminax ang loob ng lahat ng mga tao sa compound, kung kaya't ng dumating si Krystala at inaway siya ay ipinagtanggol pa siya nina Miguel. Sinubukan namang sabihin ni Krystala na pinatay ni Luminax si Aleta pero since nacontrol na nga ni Luminax ang mga utak ng mga tao ay ayaw na makinig sa kanya ng mga dati niyang kapitbahay, si Miguel pa nga ang humarang kay Luminax para di siya matamaan ng kahit anong ibato ni Krystala.

Samantala bumisita naman si Harimon kina Zora kahit na may shield pa ito, nasa loob na kasi ni Zora ang punla ng kadiliman. Tinatawag na siya ni Harimon, sa panaginip nga ipinakita pa na napatay ang kanyang anak. Sa compound naman kinausap ni Krystala si Miguel, hirap kasi itong paniwalaan na masamang tao si Luminax. Sa pagpapaliwanag pa ni Krystala ay nadulas pa siya na importante si Miguel sa kanya. Gusto na ni Miguel maghiganti kay Harimon dahil hindi raw siya papayag na may mangyari kay Bulinggit! Hindi na nga raw niya naipaghiganti si Kim eh.

Hindi naman mapawi ang pagaalala ni Tala sa ina. Ginawa niyang extra strength ang shield nila sa bahay. Balik ulit kay Miguel, mukhang nagkakaproblema na sila ni Igo. Humihingi kasi si Miguel ng extended leave sa leave niya, eh parang abuso na raw yun sabi ni Igo. Ayusin naman daw sana niya ang priorities niya. Pero isusugal ni Miguel ang trabaho niya dahil maghihiganti pa raw siya para kay Kim. Kinausap pa nga niya si Krystala para magpatulong na patayin si Harimon.

Gumawa naman ng paraan si Donna para mailayo si Zora sa shield na nilagay ni Tala. Tumawag siya kay Zora at sinabing may masamang nangyari kay Tala kung kaya't lumabas si Zora ng bahay. Hinarang ni Harimon ang sasakyan ni Zora, kahit nanlaban si Zora ay binuhay ni Harimon ang punla sa puso niya. Inakala tuloy niya na si Krystala ang pumatay sa anak niya. Kaya maghihiganti na si Zora kay Krystala!

+++++

SPIRITS

Patuloy na nagpapasaway si Sola kahit na nakikiusap na sina Maya, Liz, Thor at Red na wag siya makinig sa bumubulong sa kanya. Nakuha na kasi ang loob ng engkanto ni Brita! Nawawalan naman ng loob si Red na matatalo nila si Brita at si Tripon, kinausap niya si Kuya Jose at pinalakas naman nito ang loob nito. Ang kapangyarihan naman daw ay nasa kanila, sila pa rin ang may desisyon kung gagamitin sa mabuti o sa masama. Poprotektahan pa raw sila ni Mang Jose habang nabubuhay siya!

Ang nasalubong nina Prinsipe Dumala sa daan ay ang TagaTala, napagkamalan nga nito ang prinsipe na hahalili sa kanya. Ang TagaTala pala ang nagsusulat ng mga pangyayari mula sa simula hanggang sa katapusan ng panahon. Malapit na raw ang pagwawakas ng ikaapat na panahon, at mawawala na naman ang lahat. Sa pagkuha ng singsing ni Gabby ay nakuhanan pa ng dalawang kaluluwa ng kawal si Dumala. Ang kwadrante raw ayon sa TagaTala, kapag napuno ng kaluluwa ng mga engkanto ay doble ang bilis ng pagikot at mapapabilis ang pagwakas ng panahon!

Sa lugar naman ni Hinagpis, napagusapan nila ang bitag na ginawa ng TagaSundo para sa prinsipe ng mga engkanto. Ano ba ito? Hinalikan ni Sola si Red dahil nais nitong gayahin ang napanuod nitong kissing scene sa tv, nagalit tuloy si Red at nasabihan si Sola na gumising na ito dahil kahit ano pang gawin nito ay hindi siya magiging tao. At ng dumating si Brita, ang nasabi lang ni Sola ay pinapahina ng mga kaibigan ni Gabby ang loob niya.

Nadiskubre naman ni Dumala na nalinlang na naman siya ng TagaSundo. Bitag pala ito dahil sa lugar na iyon ay walang laban si Dumala kahit na immortal pa siya. Mayroon pang invisible na hayop na bumubuga ng apoy, nakapatay pa ito ng ilang engkanto! Pero sa isang gamit lang ni Dumala ng powers niya, bumalik ito sa tunay niyang anyo - ang TagaSundo pala ito!

+++++

HIRAM

Pabalik na sina Harry at Margaret, matapos na magsabi kay Steph na pauwi na silang dalawa, Harry reassures Margaret na hindi dapat siya matakot dahil sabay nilang haharapin ang lahat ng maaaring mangyari. Nakaranas naman ng hirap sa paghinga si Margaret kaya nagworry si Harry pero kinakabahan lang daw siya. Bumabalik na ba ang sakit ni Margaret?

Patuloy namang nangaasar si Sophia, nagagalit na si Diana and inalam kung ano ang gusto ni Sophia. Gusto pala nito ang buong Soiana kahit daw bilhin pa niya ang buong shares ni Diana. Pero hindi pa rin daw masaya si Sophia dahil madami pa rin daw siyang gustong kunin kay Diana! Later nagapologize naman si Edward dahil parang wala siyang nagagawa para kay Diana. Nagshare din si Edward ng mga takot niya para sa kanila ni Margaret, baka raw hindi pa rin siya matanggap ng anak.

Pagdating ni Harry at Margaret, akala natin okay na si Steph dahil nagusap pa sila ni William sa cellphone at gagawin na niya ang napractice nila dati. Pero nang sasabihin na ni Harry ang mga dapat niyang sabihin, biglang nawalan ng loob si Steph at nagmakaawa kay Harry na wag sana siyang iwan nito. Gagawin daw niya ang lahat para lang wag siyang iwan nito, magpapakabait at kung ano ano pa mahalin lang siya ulit ni Harry! Lumuhod pa siya sa harap ni Harry! Hindi na kinaya ni Margaret ang tension at pain kaya lumabas na siya. Inakala niya sigurong babalikan pa ni Harry si Stephanie.

Pero ayaw na ni Harry, patuloy lang daw nilang sasaktan ang isa't isa. Pag nagpatuloy siya kasama si Stephanie, hindi na raw niya kayang magsinungaling sa sarili niya. Minahal daw niya noon si Stephanie at pinilit niyang ibalik kung ano ang meron sila dati. Ang totoo kasi ay mahal pa rin niya si Margaret, hindi na raw niya pwedeng ibigay ang buong puso niya kay Steph! Sa huli ay iniwan na rin ni Harry si Steph, magiging katulad nalang ba ng mommy niya si Stephanie?

+++++

Watch the Pinoy Teleseryes on Primetime Bida, from 8:00pm (after Kamao: Matira Matibay) to 9:30pm (before Save The Last Dance For Me) tonight only on ABS-CBN.

New Page 1

Regie “BABY AMA Amarante VS. “JOEL THE GREAT Rafols Jr. on Kamao. Mamaya Na!

Thursday, March 17, 2005 03:58 a.m.

Abangan ang bakbakan Mamaya!

Regie “BABY AMA Amarante" VS. “JOEL THE GREAT Rafols Jr. Maisalba kaya ng 'panty' ni Baby AMA and kanyang laban kay Joey The Great Rafols. MAMAYA NA'TO .....Matira Matibay after TVP World.

Abangan din ang pagpapatuloy ng pag-eensayo ni Manny Pacquiao sa Las Vegas. Mamayang Gabi Na!

New Page 1

COACH's story on Maalaala Mo Kaya.

Thursday, March 17, 2005 03:14 a.m.
New Page 1

MMK: Coach's Story

For the price of P1,000 and a sack of rice, a wealthy but childless couple adopted Sere June, then a three-month old baby, and rejoiced over answered prayers. But at age six, Jun-Jun or ‘Coach’ as he was fondly called, was found to have nephrotic syndrome, a liver disease that would cost him his life. On March 17, Maalaala Mo Kaya tells the tale of how a child finds meaning in death by how we live.

Losing both adoptive parents and being sick, Coach knew what it meant to lose loved ones to death and wondered why this ill-fortune had befallen him. From bad to worse, to many doctors’ dismay and surrender, Coach had been conceded to death with just a few more months to live. Coach had gone the extent of twelve pills a day and even having his burial clothes tailor-sewn, in preparation for what was to come.

To those around him, Coach was a powerhouse of faith and cheer. But what did it take to overcome this fear, through a child’s eyes? Knowing that the only ones who could help him once gave him away, how did Coach stay strong and free of anger? What is it like to know that any day could be your last? Beating the deadline, Coach, now 14, ultimately challenged death and continues his battle for survival.

Eugene Domingo, Ces Quesada and William Lorenzo join director Wenn Deramas in a screenplay by Ruel Montañez, featuring the compelling performance of Mark Wilson. On Thursday before Insider, ABS-CBN becomes a conduit in spreading a message of hope and inspiration through the story of a hero within a child called Coach in Maalaala Mo Kaya.

Talk about this here.
Watch the clips of MMK here.


New Page 1

Palamig on Magandang Umaga Bayan

Wednesday, March 16, 2005 07:40 p.m.
Know more and enjoy more of the fave summer treats--the Filipino ice-cold treats or "Palamig"--with Erwin Tulfo, Bernadette Sembrano, TJ Manotoc, Connie Sison and the Morning Patrol, on Magandang Umaga Bayan, tomorrow @ 5:30pm, after Kumikitang Kabuhayan and before Madeline only on ABS-CBN.

New Page 1

Butterfly Business on Kumikitang Kabuhayan

Wednesday, March 16, 2005 07:38 p.m.
Butterflies are so beautiful as additions to your flower garden, but do you know that these winged creatures can be made for business? Know the butterfly business on Kumikitang Kabuhayan, tomorrow at 5:00pm, after Late night News Replay (ABS-CBN Insider) and before Magandang Umaga Bayan, only on ABS-CBN.

New Page 1

The Siege of BKMP in Taguig: On Special Assignment

Wednesday, March 16, 2005 07:34 p.m.
Know the entire story of the gory hostage drama crisis that took place this week at the BJMP in Taguig, and the grisly effects on the Muslims of the Philippines, the entire metropolis and the military, with Miss Luchi Cruz Valdez and the highly-esteemed ABS-CBN Integrated News and Current Affairs Organization on "Special Assignment", tonight at 11:30pm, after ABS-CBN Insider and before the 700 Club, only on ABS-CBN.

New Page 1

Heart and Paw on Yes Yes Show (3/16/2005)

Wednesday, March 16, 2005 05:29 p.m.
Paw Diaz of SCQ 2 celebrates her birthday with guest Heart Evangelista and the Yes Yes Tropa led by Bayani Agbayani and Vhong Navarro! Watch all of that on Yes Yes Show, this Wednesday at 10:00pm, after Primetime Bida and before ABS-CBN Insider, only on ABS-CBN.

New Page 1

Pinoy Teleseryes on Primetime Bida (3/15/2005)

Wednesday, March 16, 2005 05:24 p.m.
KRYSTALA

Nagpakita na si Donna ng kanyang true form bilang Luminax! Buti nalang at wala sina Tala at Fantasia dahil nasa labas sila at sinusubukang tumawag sa bahay nila. Ginamit ni Luminax ang kanyang liwanag para mabrainwash ang mga tao na siya ang tunay na Sugo ng Liwanag! May ibinigay namang kwintas si Igo at may picture pa ng kanyang nanay Aleta ito. Nakita naman ni Miguel na isinusuot ito ni Igo sa kanya kaya ouch talaga!

Paguwi naman nina Tala ay nagulat sila ng makita si Morphino na nakabulagta. Pero wala naman daw nangyayaring masama buong gabi sabi ni Zora. Namumublema naman si Tala sa kung paano sasabihin sa anak na hindi niya papakasalan si Igo, ang inaakalang ama ni Mokong! Hindi niya masabi sa anak na dahil sa hindi siya magpapakasal ay mawawala na si Mokong.

Isang araw, bigla nalang nawawalan na ng kamay si Mokong, takot na takot ang bata. Nilagyan na muna nila ng isang glove para hindi mahalatang wala siyang kamay. Nagutos naman si Harimon na salakayin ng mga alagad niya ang bahay ni Miguel. Speaking of Miguel, nag give up na ito ng husto kung kaya't si Bulinggit nalang ang kausap ni Tala sa cellphone. Habang naguusap sila narinig nalang ni Tala na sumisigaw si Bulinggit!

Kinukuha na pala ng mga alagad ni Harimon ang magkapatid, pero dumaing si what? Si Luminax! Nagpapakilala bilang bagong tagapagtanggol? Asus! Ano ba iyon? Dahil pala sa liwanag niya ay nabubulag ang mga tao sa tunay niyang katauhan. At mukhang si Miguel nga ang pinupuntirya ni Luminax, maniwala kaya ang mga tao? Pano na si Krystala?

+++++

SPIRITS

Ngayong nacorner na ng Camera Club si Sola, napagsabihan nila ito. Kung nais niya na maging malaya at maging tao mayroon ding mga responsibilidad na dapat niyang malaman. Pero nagmamatigas si Sola, kaya tinatakot nalang nila ito para sumunod. Pumapangit na raw kasi ang reputasyon ni Gabby dahil sa ikinikilos ni Sola. Alam ni Red na may ibang kumokontrol kay Sola kung kaya't aalamin niya kung sino ito.

Habang si Jesse at Lloyd naman ay nananatili sa lugar ng Hinagpis, naramdaman niya ang bigat na dinadala ni Lloyd at nagulat ito. Napagaling pa ni Hinagpis ang karamdaman ni Lloyd. Sa pagsunod ni Red kay Sola nadiskubre nito na si Brita ang nakakausap ni Sola! Nagkatinginan pa sila nito at naglakas loob si Red na sundan ang dalawa.

Patuloy pa rin ang paghahanap ni Prinsipe Dumala kay Gabby, na lumulutang pa rin kung saan sa anyong bato. Nagharap naman si Red at Brita sa isang classroom, hindi daw magtatagumpay si Brita dahil pipigilan daw nila ito. Sinubukan namang irecruit ni Brita ang bida natin pero hindi ito nagpatukso, kasama niya si Mang Jose na tatalo kay Brita. Patuloy naman ang precautions ni Mang Jose para hindi sila malamangan ni Brita.

Mukhang walang love lost between the TagaSundo and his twin, Hinagpis sa pagkakakuwento ni Hinagpis kina Lloyd at Jesse. Kuya Jose gathered the Camera Club and told them everything they need to know about Brita and the coming birth of Tripon. Hindi naman nagtagumpay si Sola na makuha ang necklace ni Kuya Jose. At ano ito? Natagpuan na nga ba ni Dumala si Gabby? Pero may nakabantang panganib!

+++++

HIRAM

When Harry leaves, hinayaan lang niya na umalis ito. Nakausap pa nga niya si Aling Lucy, hindi daw pinagsisihan ang magbigay pero ang mga bagay na dapat na ginawa para sa sarili nila, yun daw ang pinagsisihan talaga. Nagiwan ng puting bulaklak si Harry sa puntod ni Beatrice! Diba yun yung sign?

Diana tells Edward about Steph and Margaret's friendship, sana raw ay hindi matulad ang mga anak nila sa kanila dahil masakit daw mawalan ng kaibigan. At the breakfast table sinabi na rin ni Stephanie na magkasama naman si Harry at Margaret kaya wag na magalala ang tita Diana niya. Proud na proud si Diana dahil lumaki ng tama si Steph at Margaret, wala daw talagang makakasira sa friendship nila.

Makakasakay pa ba si Harry? Aba may tricycle nga na pumara sa kanya, may bababa kasi! Nako si Margaret at ang sabi pa "Wag ka umalis Harry, mahal pa kita hanggang ngayon" Takot na takot raw si Margaret pero hinding hindi naman daw siya bibitiwan ni Harry. Haharapin daw nila ang lahat ng magkasama! Haharapin na raw ni Margaret ang lahat ng tinakbuhan niya paguwi niya.

Samantala sa side nina Steph, dumating naman si William at sila na naman ang magkaramay. Nagkakaintindihan sila in their mutual sorrow. Naglaro pa nga sila ng kakaibang scrabble at nagpractice pa ng mga worst case scenarios at kung pano sila magrereact sa sasabihin ng dalawa. One day nakatanggap ng tawag si Steph mula kay Harry, pauwi na raw sila. Will this spell trouble?

+++++

Watch the Pinoy Teleseryes on Primetime Bida, from 8:00pm (after Kamao: Matira Matibay) to 9:30pm (before Save The Last Dance For Me) tonight only on ABS-CBN.

New Page 1

Team SN1 Live at Manila Baywalk

Wednesday, March 16, 2005 12:18 p.m.
Watch Ogie, Nina, Rica and JC with Team SN1 as they go live from Manila Baywalk's Rajah Sulayman Park, only on Showbiz Number 1, today at 4:30pm, after Kapamilya Cinema and before Gate Keepers, only on ABS-CBN.

New Page 1

Ces Drilon Meets Melanie Marquez Tonight on PIPOL! (3/15/2005)

Tuesday, March 15, 2005 03:06 p.m.
Popular broadcast-journalist Ces Drilon gets the funniest interview of her life, as she talks out with among others the former Miss International--beauty queen-actress-comedienne Melanie Marquez, in this rib-ticklingly happy edition of PIPOL, tonight at 11:30pm, after ABS-CBN Insider and before 700 Club, only on ABS-CBN.

New Page 1

Mga Lumot sa BORA Mamaya Na! (3/15/2005)

Tuesday, March 15, 2005 03:05 p.m.
Tinuro ni Dodong (Roderick Paulate) na ang Krakatoa Bar ni PJ (Piolo Pascual) ang dapat sisihin sa laganap na lumot at toxic waste sa Bora-Bora beach. Sinulsulan ni Dodong si Mayor Arimunding (Manny Castaneda) na paimbestigahan ang Krakatoa at pinadala ng huli si Greta (Phoemela Barranda), isang undercover agent. Swerte ba o malas, natipuhan ni Greta si PJ! Inalok ni Greta si PJ na pumasok sa isang deal na makakabuti para sa kanilang dalawa. Ano kaya itong deal ni Greta? Magtatagumpay kaya si Dodong maipasara ang Krakatoa? Paano naman ang isang napakagandang bagong dating (Vanessa del Bianco) at ang lahat ng mga bisita sa Krakatoa? Abangan na lang mamaya sa BORA, ngayong alas-10 ng gabi, pagkatapos ng Primetime Bida at bago ang ABS-CBN Insider, dito lang sa ABS-CBN!

New Page 1

PINOY TELESERYES on PRIMETIME BIDA (3/14/2005)

Tuesday, March 15, 2005 02:58 p.m.
KRYSTALA

Pagkakita ni Miguel kay Igo ay nasaktan ito ng husto kung kaya't nagpaalam na ito kay Tala. Habang si Mokong naman ay nangungulit at tinatawag nang tatay si Igo. Umuwing malungkot si Miguel at napansin ito ng Mang Jorge. Hindi daw siya makapaniwalang nabasted siya ni Tala dahil mahal daw siya ni Tala.

Binigyan tuloy ng mga tips ni Miguel si Mang Jorge. Habang kaya pala binasted ni Tala si Miguel ay dahil nga wala na siyang gustong piliin. Kinausap naman ni Igo si Miguel, balak pa rin daw niyang pakasalan ito. Nalaman nilang pareho silang basted pero pareho rin nilang hindi titigilan ang ating bida. Nagkasundo naman silang hindi daw maaapektuhan ang trabaho ni Miguel.

Nagpipilit naman ang batang si Mokong na si Igo ang kanyang ama at dapat nang pakasalan ito ng nanay niya! Sa party andoon na ang lahat, sina Miguel at maging ang mga tao sa compound at sina Igo, Fantasia at Tala. Wala silang kaalam alam na nararamdaman na ni Zora ang pagtawag ni Harimon sa kanya at tumutugon na ang masamang punlang itinanim ni Donna sa puso niya. Pinukpok ni Zora si Morphino at lumabas na ito ng bahay.

Sa birthday ni Donna, niyaya ni Miguel na sumayaw si Tala nung nagCR si Igo. Kaya lang ng maging sweet ang tugtog ay pareho silang lumayo sa isa't isa. Under the guise of a special light show, nagpakita na ng tunay na katauhan si Donna sa lahat! Nakuha naman ni Harimon si Zora! Patay!

+++++

SPIRITS

Lloyd and Jesse are held captive by walking gigantic trees. Sinubukan ni Jesse gamitin ang powers niya pero wala silang laban dito. Sa school naman pinulong ni kuya Dong ang apat na bida natin, winarningan niya sina Red, Thor, Maya at Liz na mas lumalakas na raw si Brita dahil siya na mismo ang nagpupunta sa school. Sanayin na raw nila ang mga powers nila dahil mas malakas raw ang kapangyarihang taglay nila kaysa kay Brita.

Patuloy naman na binibilog ni Brita ang ulo ni Sola, alamin na raw niya ang mga ginagawa ng mga kaibigan niya. Kinukumbinsi niya ang engkanto na kaya niya itong palayain! Naeenganyo naman si Sola, gagawin kasi siyang si Gabby habang buhay. Hindi nga marunong bumalik si Sola sa mundo nila pero sabi ni Brita may isa pang way para makabalik sila doon.

Sina Jesse at Lloyd naman ay kinuha ng mga puno at inilaglag sa isang butas sa lupa na malalim. Doon habang wala silang malay isang nilalang na may mahabang buhok ang nagmamasid sa kanila. Nagising sila at napansin ang nilalang na ito, mukhang ito na si Hinagpis! Bumigat ang pakiramdam nila at naging malungkot sila.

Bumalik naman sina kuya Jose at Nato dahil nalaman nilang naririto na pala ang mangkukulam. Hindi na mapigil nina Maya at Liz si Sola kung kaya't gumawa sila ng paraan. Nacorner nila ito sa wakas! Samantalang si Lloyd naman ay unti unti na yatang napapatay ni Hinagpis sa paghawak nito. Masurvive kaya ni Lloyd ang encounter na ito?

+++++

HIRAM

Habang nakahang si Margaret sa bangin at nakahawak lang sa kamay ni Harry ay nabasag ni Steph ang picture frame ni Margaret kaya't nagworry ito. Halos mawalan ng lakas si Harry sa pagsave kay Margaret pero pinilit niya ito. Pinapakapit niya si Margaret dahil hindi niya raw ito bibitawan! Matapos ang ilang nakakatakot na minuto ay naisave ni Harry si Margaret!

Diana naman is worried about her daughter while in the middle of planning her wedding to Edward. Nagsisisi na rin yata si Stephanie sa ginawa niya, naguusap nga sila ni William tungkol sa mga consequences ng mga decisions ni Steph. Wala na raw sila magagawa at kailangan na raw nila tanggapin. Nagyakap nalang sila at dinamayan ang isa't isa. Wala namang designer na gustong sumama kay Sophia ng pinapili niya ito between her and Diana.

Takot na takot na niyakap ni Harry si Margaret, hindi raw niya kakayanin ulit kung mawawala ito sa kanya. Pero lumayo ulit si Margaret at hinabol na naman siya ni Harry. Hanggang kailan daw ba nila tatakbuhan ang mga sarili nila? Patuloy na sinabi ni Harry ang lahat ng nararamdaman niya under the rain! Mahal pa rin daw niya si Margaret at hindi niya ito sinasadya!

Iniwan ni Margaret si Harry na umiiyak sa ilalim ng ulan. Humingi naman ng sign si Margaret, isang puting bulaklak sa puntod ng kanyang ina ay susundin raw niya ang puso niya. Paguwi niya ay nagpaalam na rin si Harry sa kanya, suko na rin siya kay Stephanie. Sana raw ay pwede niyang mahalin si Margaret kahit na magkahiwalay sila. Will Margaret let him walk away this time?

+++++

Watch the Pinoy Teleseryes on Primetime Bida, from 8:00pm (after Kamao: Matira Matibay) to 9:30pm (before Save The Last Dance For Me) tonight only on ABS-CBN.

New Page 1

Patuloy ang Pagbabantay: Food Poisoning sa Bohol, Hostage Crisis sa Taguig at Robert Tarongoy sa Iraq

Tuesday, March 15, 2005 11:20 a.m.
Patuloy na tinututukan nina Korina Sanchez, Julius Babao, Karen Davila, Ces Drilon, Ted Failon, Bernadette Sembrano, Erwin Tulfo, Pia Hontiveros, Alex Santos, Henry Omaga Diaz at ng buong ABS-CBN News and Current Affairs ang lahat ng mga pangyayari sa ating bansa at sa ating sambayanan--ang kasalukuyang hostage-crisis sa BJMP sa Taguig sa Metro Manila, ang pagsusuri ng mga alagad ng batas sa mga kaso ng pagkalason ng pagkaing Cassava Cake sa Mabini sa Bohol, at ang mga negosasyon para sa Dabawenyong si Robert Tarongoy, ang Pilipinong bihag ng mga militanteng Iraqi sa Baghdad sa Iraq. Inaanyayahan ang ABS-CBN ang sambayanang Pilipino na magdasal para sa mabilis at maayos na pagtatapos sa mga pangyayaring ito, at makialam na at makibalita sa mga huling pangyayari sa lahat ng newscasts ng media channels ng ABS-CBN, lalo na sa ABS-CBN Channel 2.

Nagbabagang Balita (The New ABS-CBN News Advisories)
Monday-Sunday, hour after hour, 5:00am-12:00mn

Magandang Umaga Bayan -- ABS-CBN News Patrol
Monday-Friday, 5:30am-8:30am (pagkatapos ng Kumikitang Kabuhayan at bago ang Madeline)

TV Patrol World
Monday-Friday, 6:30pm-7:30pm (pagkatapos ng Vidjoking at bago ang Kamao: Matira Matibay)
Saturday & Sunday, 8:30pm-9:00pm (pagkatapos ng Quizon Avenue/Rated K at bago ang Magandang Gabi Bayan/Search for the Star in A Million)

ABS-CBN Insider
Monday-Friday, 11:00pm-11:30pm (pagkatapos ng Late Night Entertainment Shows at bago ang Late Night Current Affairs Shows)

The Weekend News
Sunday and Monday, 1:00am-1:30am (pagkatapos ng Sports Unlimited/Sunday Family Cinema)

Maki-antabay dito lang sa ABS-CBN.

New Page 1

Problems with Cellphone Load and More on Magandang Umaga Bayan (3/15/2005)

Monday, March 14, 2005 06:59 p.m.
Is your cellphone running out of load? Are you irritated with text promos? How can you deal with the problems of cellphone load and cellphone networks? Join the text discussion with Erwin Tulfo, Bernadette Sembrano, Connie Sison and TJ Manotoc, with the Morning Patrol, only on Magandang Umaga Bayan, tomorrow @ 5:30am, after Kumikitang Kabuhayan and before Madeline, only on ABS-CBN.

New Page 1

All About Personalized Jeans on Kumikitang Kabuhayan (3/15/2005)

Monday, March 14, 2005 06:58 p.m.
More on the business of personalized jeans are to be tackled on Kumikitang Kabuhayan, tomorrow @ 5:00am, after the Late Night News Replay (ABS-CBN Insider) and before Magandang Umaga Bayan, only on ABS-CBN.

New Page 1

Correspondents: "Pinoy Success Stories in The Netherlands"

Monday, March 14, 2005 06:56 p.m.
Samahan sina Correspondents Abner Mercado at Karen Davila sa paghahatid nila ng mga kwento ng mga Pinoy na nagtagumpay sa Netherlands. Ito ang kwentong hatid ng The CORRESPONDENTS, Lunes, Marso 14, 2005, alas-11:30 ng gabi, pagkatapos ng Insider at bago ang 700 Club, dito lang sa ABS-CBN.

New Page 1

Next on OK Fine 'To Ang Gusto Niyo! (3/14/2005)

Monday, March 14, 2005 06:54 p.m.
What's up with newcomers with special powers (special guests Angelica Jones and Asia Agcaoili)? Might that be related to the pregnancy of Michael (Aga Muhlach) and the magical sword? Find out on OK Fine 'To Ang Gusto Niyo, tonight at 10:00pm, after Primetime Bida and before ABS-CBN Insider only on ABS-CBN.

New Page 1

14 Marso 2005: Ang Petsa ng Pagbabago sa Inyong Panonood!

Monday, March 14, 2005 05:21 p.m.
MAPAPANOOD ANG MGA ITO SIMULA 14 MARSO 2005!

NOONTIME BIG TIME
12:00NN PILIPINAS, GAME KA NA BA?
1:00PM WOWOWEE

HATAW HAPON
3:00PM KAPAMILYA CINEMA
4:30PM SHOWBIZ NUMBER 1
5:00PM GATE KEEPERS
5:30PM NARUTO 1

PRIMETIME BIDA
6:00PM VIDJOKING
6:30PM TV PATROL WORLD
7:30PM KAMAO: MATIRA MATIBAY (THE PREMIERE TELECAST)
8:00PM KRYSTALA
8:30PM SPIRITS
9:00PM HIRAM
9:30PM SAVE THE LAST DANCE FOR ME

TALAGANG IBA KA-SUMMER ANG KAPAMILYA! KAYA SAAN KA PA? DITO NA KUNG SAAN KAYO ANG TUNAY NA NANGUNGUNA: ABS-CBN!

New Page 1

Pinoy Teleseryes on Primetime Bida

Monday, March 14, 2005 05:02 p.m.
KRYSTALA

Dinadala na ng mga soldiers si Mokong pero biglang nawala ang mga ito, sabi ni Mokong niligtas daw sila ng kuya Loverboy niya. May biglang lumabas na portal at nahigop ang mga soldiers! Nagulat pa sila kasi nagkausap pa sila dahil nagpakita si Loverboy sa tv, hindi na raw mabubuksan ang portal dahil nawasak na niya ito at kasama na siya ng mga rebelde, pinagpapatuloy ang laban nila sa SND!

Mukhang affected si Tala sa paghahawak nila ng kamay ni Miguel, naiisip na niyang sabihin dito ang sikreto ng kanyang pagkatao. Nako at ano ito? Nasabi ni Mokong si Kuya Igo niya ang tatay niya dahil naaalala daw niya ang mukha nito, nakita pa niya ito sa panaginip! At isa pa wala naman raw si kuya Miguel niya sa future, ay disappointing naman yan! Hinahabol naman ni Donna si Miguel at ininvite pa niya ito sa party niya. Hindi naman siya kinikibo ng binata pero nagdrama si Donna kaya naawa naman si Miguel.

Plano pala ni Luminax na sa party niya ay gagamitan ng liwanag ang lahat at papasunurin niya sa mga gusto niya. Binalaan naman siya ni Harimon na huwag papatayin si Krystala dahil kailangan niya ito. Isang araw habang naglalaro ay nagpakita si SND kay Mokong habang sa loob naman ng bahay nila ay binasted na ng tuluyan ni Tala si Miguel. Hindi daw niya mahal ang mekaniko, hay kawawang Miguel!

+++++

SPIRITS

Sabi ni Balto wag na raw pansinin ang mga nakikita nilang mga tumatangis sa daan, dahil pinapatagal lang nito ang paglalakbay nila. Baka raw abutan pa sila ng takip silim at di na makalabas sa daanang ito. Nagpahinga sila sandali, pero dahil kumukulimlim na ay nagmadali na silang umalis dahil baka abutan ni Hinagpis!

Nakita naman ni Red ang nanay ni Lloyd sa eskwelahan at hinabol niya ito, pero nawala ito bigla. Napagusapan ni Thor, Liz, Maya at Red na baka guni-guni lang daw niya ito. Pero seryoso si Red na kailangan na nilang maghanda sa isang malaking labanan! Natagpuan ni Brita si Sola at kinukumbinsi siya ni Brita na tumulong at magtiwala sa kanya.

Samantala inabot ng dilim ang grupo nina Lloyd sa daan, naiwanan pa sila ni Balto dahil hinabol nito ang dalawa nilang kasama. Bigla nalang nagaway ang dalawang ito nang makakita ng nilalang na sumasayaw sayaw pa. Nawawala na ata sina Lloyd at Jesse, may nakakasalubong pa silang mga nilalang na naghihinagpis sa daan.

Nasabi ni Sola ang lahat kay Brita, na si Gabby ay nakuha na ng TagaSundo. Naglabas tuloy ng sama ng loob si Sola kay Brita, nabrainwash naman ang kawawang engkanto ng mangkukulam. Wala nang nagawa sina Lloyd at Jesse para tulungan si Balto at sa pagtakas nila ay biglang lumindol! Sa paglindol ay biglang nagsigalawan ang mga puno sa gubat at hinabol sila! Makakaligtas pa ba sina Jesse at Lloyd sa lugar na iyon?

+++++

HIRAM

Buti nalang at narescue ng mga tanod si Harry, paggising niya andun na siya kina aling Lucy. Inalagaan nga ni Margaret si Harry pero parang pilit na pilit ito, sinusundan naman ni Harry ito kung san man siya magpunta. Ikinukuwento naman ni Aling Lucy ang kwento ng mga Verdadero sa Hacienda kay Margaret. Samantalang hinahanap na ni Aling Ana ang anak niya mula kay Stephanie. William and Stephanie try their best to get along in their mutual misery.

Nagkasalubong si Harry at Margaret at lasing si Harry, iniwan kasi siya ni Margaret at di sinama sa sementeryo. In his drunken state Harry becomes honest about their situation. Nagkaaway pa silang dalawa at nalaglag sila sa rice field. Aalis na raw si Harry pero sana raw kahit sa pagkakataong ito hayaan niyang kailanganin niya si Margaret, kailangan daw niya kasi ito. Wag naman sana daw siyang ipagtabuyan nito.

Habang nakikinig si William, naglabas ng sama ng loob at takot si Stephanie sa kanya. Mukhang nagiging close na sila ah, lumabas pa nga sila para magsaya! Nagkasundo rin sa wakas si Harry at Margaret para sa araw na iyon, nagkwentuhan sila sa mga latest na nangyayari at problema sa buhay nila. Nagpunta sila sa isang bangin bago matapos ang gabi para isigaw ang lahat ng mga nararamdaman nila, magkahawak ng kamay at masaya kahit sandali.

Kinabukasan pagalis ni Harry, magisang umiiyak si Margaret! Pero biglang bumalik si Harry, ilang beses na raw siyang umaalis pero lagi siyang bumabalik. Hindi sinasadyang masabi niya na lagi niyang babalikan si Margaret pero tumakbo ito palayo. Nang maabutan siya ni Harry sa bangin, nasabi nalang ni Margaret na huwag na magsalita pa dahil baka hindi niya ito matanggihan! At oh no! Nalaglag ba si Margaret sa bangin dahil napaatras siya ng konti?

+++++

Watch the Pinoy Teleseryes on Primetime Bida tonight on ABS-CBN.

New Page 1

Will Tuesday Be The Champ on Pilipinas Game Ka Na Ba?

Monday, March 14, 2005 11:54 a.m.
Tuesday Vargas is now our defending winner! Will she be able to outwit the studio players and win the million-peso prize? Find out with Miss Kris Aquino on "Pilipinas Game Ka Na Ba?" today at 12nn after Rubi and before Wowowee on ABS-CBN.

New Page 1

KAMAO : MAMAYANG GABI NA!

Monday, March 14, 2005 12:11 a.m.

MANNY PACQUIAO ON HIS BLOW BY BLOW TRAINING SA LAS VEGAS, U.S.A ON KAMAO! DON'T U DARE MISS IT!

KAMAO - SA LUNES NA Magsisimula ang sports reality show na Kamao sa Lunes (Marso 14) nang gabi sa ABS-CBN. Iho-host ito nina Robin Padilla, Manny Pacquiao at Vina Morales. Magkakasubukan dito ang 11 amateur boxers sa loob ng 13 linggo. Isa ang matitirang magkakamit ng P500,000. Ang 11 tigasing boksingero mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa na magtutunggali sa Kamao ay sina Joel "Joedaking" Garcia, 19, tubong-Bacolod; Jaypee "Capila" Ignacio, 19, ng Northern Samar; Gary "Popoy" Lastrila, 25, ng Calindog, Iloilo; Joel "Joel the Great" Rafols, Jr., 18, ng Bacolod; Dandy "Singin" Areola, 24, ng Cagayan Valley; Frankie "Flash" Escaner, 18, ng Sultan Kudarat; Dennis "Baby Pacquiao" Tugbo, 21, ng Mobo, Masbate; Jeanyce "Baga" Baga, 19, ng Talay, Dumaguete City; Regie "Baby Ama" Amarante, 22, ng Bagacay, Dumaguete; Luisito "Striker" Sangalang, 25, ng Maynila; at John Ray "Jonjon" Emilia ng Baguio City. Ipapakilala rin ng Kamao ang ilan sa fighting pros sa Pilipinas na magpapakitang-gilas sa ilang importanteng posisyon sa loob ng show. Si Alvin Aguilar ng Ultimate Reality Combat Championship (URCC) ang boxing consultant and referee ng Kamao, samantalang sina Joven Jimenez, Gary Garay at Lito Rivera ang coaches ng mga boksingero. Trainers para sa lahat ng contestants sina Lino Tagacay, Steven Ramos, Arnel Arancina, Dennis Salazar, Ericson Asilo, Aden Zarco at Zaldy Intiro, samantalang sina Chris Luna at Philip Reiner ang bouncers. Komentarista para sa mga laban si Del Bacho, samantalang judges sina Miko Yaptinchay, Ricardo "Ric" Canlas at Anthony Peñalosa. "Round Girls" sina Davie "Blondy" Angus, Beverly Lamigo, Natalia "Mutya" Nemis at Angelie "Anj" Avelino.


This a blog tv update page from the following sites. http://groups.yahoo.com/group/kapamilya_abscbn AND http://kapamilya.now.nu . If you have been forwarded here through a search engine (google / yahoo), please visit the main sites posted above for more content and interactive forum. Thank you and welcome to ABS-CBN KAPAMILYA fan site.
ARCHIVES