ABS-CBN TV-BITS AND SCHEDS admin login
TV scheds and infos are subject to change and can be inaccurate at times. Check www.abs-cbn.com, kapamilya YG or kapamilya.now.nu

NEWS FLASH

Abangan ang mga hit na hit na bagong Asianobela sa ABS-CBN simula Lunes. Si "Martin" ng Lovers in Paris sa isang love drama na di niyo makakalimutan, STAINED GLASS. At ang istoryang pinag-uusapan ng buong Asya, ang MEMORIES IN BALI. Back 2 Back at Patok na Patok na Asianobela, handog lang para sa inyo. Dahil Iba Magmahal ang Kapamilya. Gabi-Gabi sa Primetime Bida. Nood Na!

New Page 1

New Korean Series on ABS-CBN Primetime Bida

Tuesday, April 12, 2005 11:32 a.m.
Stained Glass and Memories of Bali!


Watch them tonight on ABS-CBN Primetime Bida!

New Page 1

Ang Mas Pinalakas na Primetime Bida

Monday, April 11, 2005 09:56 a.m.
6:00pm VID JOKING
6:30pm TV PATROL WORLD
7:30pm KAMAO: MATIRA MATIBAY
8:00pm KRYSTALA [THE FINAL WEEK]
8:30pm HIRAM
9:00pm SPIRITS
9:30pm MEMORIES OF BALI [PREMIERE TELECAST]
10:00pm STAINED GLASS [PREMIERE TELECAST]
Iyan ay dito lang sa ABS-CBN Star Network!

New Page 1

Mamayang GABI Na! -- STAINED GLASS + MEMORIES IN BALI (Back 2 Back) TUTOK Na baka magsisi ka.

Monday, April 11, 2005 04:04 a.m.


New Page 1

NORA A SA KONTROBERSIAL - MAMAYA NA

Saturday, April 9, 2005 06:03 a.m.
NORA A SA KONTROBERSIAL - MAMAYA NA Nakatala sa Los Angels Sherrif’s Department ang kaso ni Nora Cabaltera Villamayor, Case No. 9999999999. Charge Level — Felony for possession of controlled substance. Inaresto si Nora sa Los Angeles International Airport nang matagpuan sa kanyang luggage ang 8 gramo ng shabu na nakatago sa isang film container. Ang dramang ito ni sa buhay ni Nora ay tatalakayin sa programang Kontrobersyal bukas nang gabi sa ABS-CBN.

New Page 1

PROMO NG STAINED GLASS AT MEMORIES IN BALI

Saturday, April 9, 2005 06:01 a.m.
PROMO NG STAINED GLASS AT MEMORIES IN BALI Manood ng Stained Glass araw-araw at magkaroon ng pagkakataong manalo ng P1,000 tuwing magda-download ng Ringtone for the Day, at P20,000 kapag na-text mo ang tamang sagot sa Question for the Day. Maari rin kayong sumali sa grand raffle draw at suwerteng manalo ng P150,000. Ang mga manonood naman ng Memories of Bali ay maari ring magwagi ng P20,000 sa pamamagitan ng pagsagot ng Question for the Day sa pamamagitan ng text. Mayroon ding mga masusuwerteng texters na maaring manalo ng ‘Trip to Bali’ sa grand draw.

New Page 1

MEMORIES OF BALI

Saturday, April 9, 2005 06:00 a.m.
MEMORIES OF BALI Ang Memories of Bali ay isang pagsasalaysay ng buhay ng apat na kaluluwang magtatagpo sa isang pinaghalu-halong kuwento na puno ng pag-mamahalan, kaguluhan, at pagiging makasarili na siyang magpapabago sa buhay ng bawat isa. Si Paolo ay isang bata at mayamang lalaki na itinakda ng kanyang mga magulang na ikasal kay Nina na hanggang ngayon ay hindi pa rin makalimutan ang kanyang nararamdamang pagmamahal sa kanyang huling pag-ibig na si Ryan. Pagtatagpuin ng tadhana ang landas ng tatlo sa Bali kung saan makakasalamuha nila ang ulilang si Erica, na siyang magiging kanilang tour guide. Dala ng kahirapan at pagnanais na makaalpas sa kanyang buhay, gagawin ni Erica ang lahat para mapalapit kay Paolo at makuha ang lahat ng kanyang ninanais.

New Page 1

STAINED GLASS

Saturday, April 9, 2005 05:58 a.m.
STAINED GLASS Libu-libo para sa mga manonood ng mga koreanovela ng Dos Magsisimula ang dalawang koreanovela na Stained Glass at Memories of Bali sa Lunes (Abril 11) sa primetime ng ABS-CBN 2. Ang Stained Glass ay tungkol sa tatlong magkakabata na sina Gerry, Kevin at Jamie. Sina Gerry at Kevin ay matagal nang nagkakagusto kay Jamie simula pa pagkabata. Isang araw, nahulog ang ocarina na ibinigay ni Gerry kay Jamie. Pilit itong sinagip ni Gerry, at sa kasamaang palad, siya ay naaksidente. Inakala nila Jamie at Kevin na nalunod si Gerry. Subaybayan ang Stained Glass para masaksihan kung paanong ang isang pagkakaibigan ay mauuwi sa isang malupit na labanan ng pag-ibig, at alamin kung sino kina Gerry at Kevin ang makakatuluyan ni Jamie.

New Page 1

FLORES DE MAYO - BUENAMANO SA 13TH STAR MAGIC ANNIV

Saturday, April 9, 2005 05:49 a.m.
FLORES DE MAYO - BUENAMANO SA 13TH STAR MAGIC ANNIV Flores de Mayo, buenamano sa 13th Star Magic anniv Sa 13th year anniversary celebration ng ABS-CBN Star Magic, isang engrande at star-studded na Flores de Mayo ang gaganapin sa Mayo 1, 2005. Ang nasabing Flores de Mayo ay taunang proyekto ng Lunsod ng Maynila, Department of Tourism, Unilever, Fashion Designers Association of the Philippines (FDAP) at ng Congregacion de Santisimo Nombre del Niño Jesus. Ngayong taon na ito, ang nasabing Flores de Mayo ay tatampukan ng mga magaganda at gwapong bagets ng ABS-CBN Star Magic. Kamakailan, isang simpleng merienda ang naganap sa ABS-CBN para magkakilala ang mga artista ng ABS-CBN Star Magic at ng 30 FDAP designers, na pinangunahan ng kanilang presidente na si Edgar San Diego. Kasama rin noong hapon na iyon si Direk Laurenti Dyogi, Vice President ng ABS-CBN na namahala sa Flores de Mayo para sa panig ng network.

This a blog tv update page from the following sites. http://groups.yahoo.com/group/kapamilya_abscbn AND http://kapamilya.now.nu . If you have been forwarded here through a search engine (google / yahoo), please visit the main sites posted above for more content and interactive forum. Thank you and welcome to ABS-CBN KAPAMILYA fan site.
ARCHIVES OF OLD ENTRIES HERE.